Chapter 2

1 0 0
                                    

Nasusunog ang pinagtatrabahuhan ng asawa mo.

Narinig kong sabi ng kausap ni mama sa cellphone.
Agad kaming pumunta ni mama roon sa pinagtatrabahuhan niya. Nadatnan namin ang sunog na building. May natira pa naman sa building na kalahati.Makikita mo din ang mga gamit at mga sunog na katawan na sunod sunod na inilalalabas ng mga bumbero.
Lumapit ang isang pulis sa amin.
"Ginang, ano po ang pangalan ng inyong asawa? Maaari po bang malaman ang huling suot ng inyong asawa?

"Naka itim po siyang damit at nakamaong na pantalon ang sapatos naman po niya ay rubber shoes na puti. Manuel Gonzales po ang pangalan ng asawa ko "

"Sige po salamat po sa inyong kooperasyon ginang. Hihingin ko lamang po ang inyong numero para kung sakaling makita na po namin ang katawan ng inyong asawa ay tatawagan na lamang po namin kayo."

Pagkatapos ibigay ni mama ang numero niya sa pulis ay umuwi na kami sa bahay. Pagkauwi namin parehas kaming umiiyak ni mama. Pumasok si mama sa kwarto ng walang imik.
Hanggang maghapunan na ay hindi pa din siya lumalabas ng kwarto. Ako ang nagluto ng aming ulam dahil alam kong hindi si mama makakapagluto ngayon.
Dinalhan ko si mama ng pagkain niya sa kwarto. Nadatnan ko siya na natutulog kaya hindi ko na siya muna ginising. Alam Kong pag nagising siya, babalik na naman siya sa pagiyak niya.
Pagkatapos kong kumain ay naghugas na ako ng pinagkainan ko.
Bumalik na din ako sa kwarto ko.
Habang nakatitig ako sa kisame. Tuluyan ng tumulo ang luha ko. Wala na si papa, wala na ang papa kong mahilig magbigay ng pasalubong sakin. Lagi niya akong binibilihan ng paborito kong pinya pag umuuwi siya. Kahit na madalas hindi na siya nakakauwi araw araw dahil sa trabaho niya ay hindi niya pa din kinakalimutan ang paborito ko. Lagi din niyang kinukurot ang pisngi ko bago siya umalis.
Mamimiss ko si papa, mamimiss ko ang papa ko.
Madilim at malakas ang ulan ngayon, parang nakikisabay sa lungkot na nararamdaman ko ang ulan, pero sana katulad lang ng ulan ang pangyayaring ito na pagkatapos ng malakas na ulan ay may bahagharing dadating at araw na sumisimbolo ng bagong umaga at bagong simula.

Kinabukasan, mayroong tumawag kay mama.
"Ginang, wala pong nahanap na bakas ng kahit ano sa asawa niyo. Marahil ay nasunog po ang katawan ng inyong asawa sa apoy"
Ibinaba ni mama ang tawag ng hindi sumasagot sa sinabi ng pulis.
Natulala si mama at pumasok sa kwarto niya. Narinig ko ang malakas na palahaw ni mama.
Sana panaginip na lang ang lahat ng to.
Ang pamilya kong hindi perpekto pero may pagmamahalan ay wala na. Wala na ang haligi ng tahanan namin.
Paano pa mabubuo ang tahanan na ito kung wala na ang haligi nito?

Pumasok na lamang akong muli sa kwarto at pinagmasdan ang palubog na araw.
Ang ganda talagang pagmasdan ng papalubog na araw,pero ngayon nalaman ko na may kaakibat din palang kalungkutan ang kagandahan ng paglubog ng araw. Hatid nito ang kalungkutan na nagpapahiwatig satin na lahat ng bagay ay natatapos at may katapusan, pero sa kabila ng katapusang ito ay mayroong bagong umaga at pagsikat ng araw.

Pagkatapos ng mga nangyari, ipinagpatuloy ni mama ang pagtitinda sa may sari sari store namin. Maliit lang yung tindahan namin. Nagbabalak din si mama magtinda ng mga ulam para magkaroon kami ng dagdag na pagkakakitaan. Ngayong wala na si papa, wala na din kaming ibang aasahan.
Ramdam ko ang pagod ni mama kahit hindi niya sabihin. Gusto kong saluhin lahat ng sakit ni mama.
Ipinapangako kong ibibigay ko kay mama ang magandang buhay pag malaki na ako at nagkaroon ng trabaho.
Siya na lang ang natitira kong yaman kaya magsisikap ako para sa kanya.

"Marian ipaghiwa mo nga ako ng Sibuyas ."
"Opo ma"
Ako ang katulong ni mama ngayon sa pagluluto ng ibebenta naming ulam. Tinuloy ni mama ang balak na pagtitinda ng ulam.
Nakikita ko ang pagsisikap ni mama, madalas na din siyang tumanggap ng labada dahil nagiipon daw si mama ng pambaon ko sa susunod na pasukan.
Naaawa ako kay mama, ramdam ko kasi yung pagod niya.

Kinabukasan, tumawag si lola kay mama.
"Anak, nabalitaan ko ang nangyari sa asawa mo. Kung gusto mo, tumira na muna kayo dito ni Marian sa amin"

"Hindi na po ma, kaya ko pa naman pong pagkasyahin Yung pera namin. Isa pa meron pa naman po kaming tindahan dito nay, kaya wag na kayong magalala"

"Ganun ba anak, kung yan ang gusto mo. O siya sige, basta wag kayong mahihiya na tumawag sakin ha. Alam niyo namang naiinip na din ako dito,dahil solo ako. Magiingat kayo diyan ng apo kong si Marian."

"Sige po nay, ingat din po kayo riyan"

Gusto kong bumisita ulit sa probinsiya, miss ko na si lola.

Kinagabihan, sinuklayan ni mama ang mahaba kong buhok. Mahaba at may natural akong kulot na buhok. Yung kulot na tipong hindi magulo maganda ang pagkawavy ng buhok ko kaya inaalagaan to palagi ni mama. Palagi niya akong sinusuklayan sa gabi.Habang sinusuklayan ako ni mama bigla kong nabanggit si Felix.

"Ma, nung last bakasyon natin dun may nakilala akong batang lalaki na kasing tanda ko. Kawawa siya ma, nagaalaga siya ng nanay niya. Wala na kasi sa tamang pagiisip ang nanay niya, tapos madalas pa po siyang saktan ng nanay niya."

"Anong pangalan ng batang iyon anak?"

"Felix po mama, saka first crush ko po yun ma. Ang pogi niya po kasi e, tas ang responsable niya pa"

"Naku,naku ang anak ko. Ang bata mo pa anak para sa mga ganiyan, pero okay lang na magkacrush muna ha wala munang boyfriend. Magtapos ka muna ng pagaaral anak, ayokong matulad ka samin."

"Oo naman po ma, kailan po kaya tayo makakapagbakasyon sa Quezon? Miss ko na din po si lola. Gusto ko na din po ulit tumambay roon sa may tabing ilog.

"Hindi ko pa sigurado anak, wala pa tayong pamasahe. Susubukan natin sa susunod na bakasyon at mag-iipon ako."

"Yehey, thank you ma" sabay kiss ko kay mama sa may pisngi

"Sige na anak matulog kana,goodnight" sabay kiss sa noo ko.

Bago umalis si mama, nakita ko sa mata niya na may tumulo na luha. Siguro miss niya na si papa. Miss ko na din si papa mahigit Isang linggo na din simula nung mawala siya. Hindi ko alam kung kailan kami makakabangon mula sa pagkakalugmok namin.
Narinig kong muli si mama na umiiyak sa kabilang kwarto. Si mama kasi yung tipo ng hindi ipapakita yung sakit na nararamdaman niya. Itinatago niya ang mga luha at pagiyak niya pag nasa kwarto na siya. Naririnig ko ang hagulhol niya sa madaling araw. Nasasaktan din ako kapag naririnig ko si mama na umiiyak. Ayokong nakikitang umiiyak si mama, sobrang nasasaktan ako.
















A VERY GOOD NIGHTMARE Where stories live. Discover now