Mnemosyne

32 4 3
                                    

Awkward.

'Yan ang mararamdaman mo kapag hinabilin ka ng kuya mo sa kaibigan n'yang ni hindi mo alam na nag-e-exist pala sa Earth until that moment.

Okay lang naman siguro kung mabait ang kaibigang iyon. Pero kung tinititigan ka lang niya ng walang imik, tulad ng kaharap ko ngayon, ay ewan ko na lang sa'yo kung 'di ka pa atakihin ng awkweirdia nerbyosis. Kung iba siguro ang nasa kalagayan ko ngayon, nakipag-small-talk na sila kay Kuyang Nakatitig. Pero (nanaman) ako kasi si Mnemosyne Perez. At si Mnemosyne Perez, makikipag-small-talk lang sa unicorn.

"Gusto mo bang ikuha kita ng tubig?" tanong niya, na nakatitig pa rin sa akin. Tumango ako para naman hindi ako tuluyang matunaw sa katititig niya. Dali-dali siyang nagtungo sa kitchen. Pagbalik niya ay may dala na siyang tray na may isang pitsel na tubig at dalawang baso. Inilagay niya nito sa coffee table sa tapat ko at bumalik sa pwesto niya sa sofa.

"Ano nga palang pangalan mo?" tanong niya habang nagbubuhos ng tubig sa mga baso. Inilapag niya ang isa sa tapat ko.

"Thank you," bulong ko.

"Pangalan mo?" ulit niya.

"Mnemosyne," tipid kong sagot.

"Ah, the Titan goddess of memory..." komento niya. "It also means memory, right?"

Tumango ako. Ewan. Kailangan bang i-comment niya pa 'yun? Mayabang.

"Anong oras ka nga ulit babalikan ni Crius?" tanong niya. Gusto kong magtaas ng kilay. Sa pagkaka-alam ko, mga limang beses nang napa-alala sa kanya ni Kuya Crius kung anong oras ako susunduin. Tanga ba siya o ano?

"Mamaya pong five." Medyo nilakasan ko yung word na may "po".

"Ah, okay. Oo nga pala, nalimutan ko 'yun. Masyado na nga siguro akong tumatanda. Ha! Ha!"

Tinitigan ko siya ng poker-face style. Hindi nakakatawa.

Unti-unti namang nawala ang bungisngis niya at nagseryoso na siya. Matalim ang tingin niya sa mga mata ko. Uniwas ako ng tingin at kinuha ang baso ng tubig sa harapan ko.

"Alam mo, naiintindihan ko kung bakit ka ganyan."

Napalingon ako sa mga salitang nasabi niya. Nang nag-tamang muli ang mata namin ay binigyan niya ako ng malungkot na ngiti.

"Lahat tayo may pinagdaanang mahirap. Mayroon din namang mga taong puro mahirap ang pinagdadaanan. Minsan, nakakamanhid din naman yung paulit-ulit na sakit."

Nanakit nanaman ang puso ko. Kumurap ako nang kumurap dahil alam kong kung hindi ko iyon gagawin, tuluyan nang babagsak ang mga luha sa mga mata ko. Pero traydor talaga ang mga luha kaya umagos ang mga ito sa mukha ko at umabot pa sa leeg ko. May isang butil na pumatak pa sa baso ng tubig na hawak ko. Hindi ko namalayang may panyo na palang nakaabot sa tapat ng mukha ko. Umiling ako pero inilagay niya pa rin ang panyo sa may hita ko..

Nahihiya ako.

Nahihiya ako na mahina ako.

"Ang gusto ko lang naman, makalimutan ko iyong lahat..." tanggol ko sa sarili ko.

"Pero hindi mo magawa 'di ba? Di mo magawa kaya nagkukunwari kang limot mo na yung sakit. Kasi umaasa kang kapag nagkunwari ka, balang araw, magiging totoo na rin na nakalimot ka na."

Ang sakit. Naalala ko sina Mama. Si Papa. Si bunso. Yung araw na dumating kami ni Kuya Crius galing school. Kung paano kami kinaawaan ng buong bayan. Kung gaano kalakas sumigaw ng "Sunog!" si Yaya Minda.

Napa-tingin ako kay Kuya. Gusto kong malaman kung bakit. Bakit sinasabi niya 'to sa 'kin? Akala ko, awa ang makikita ko. Laking gulat ko nang makakita ako ng pang-unawa.

Naalala ko ang mga panahong nasa trabaho si Kuya Crius at mag-isa ako sa bahay. Wala man lang akong mapag-sabihan kung gaano 'to kasakit.

Hinaplos ni Kuya ang likod ko. "It's okay," bulong niya. "It's okay."

Humupa na sa pag-patak ang mga luha ko. Hindi. Umiling-iling ako. "Hindi 'to okay. Ni hindi ko nga alam kung paano mag-let go," bulong ko.

Naparinig kong bumuntong-hininga siya. "Minsan, kung gaano mo pinipilit na lumimot, lalo kang nakaka-alala. Kapag meron ka namang pinipilit aalalahanin, lalo mong nakakalimutan. Sobra."

May halong sakit ang huli niyang salita. Yung tipo ng sakit na katulad ng sa akin. Nang sandaling iyon, naramdaman ko na pareho lang kami ng tindi ng sakit na nararamdaman. Na para bang nararamdaman niya kung ano yung nararamdaman ko.

"That's how things are, Mnemosyne. Hindi mo hawak lahat ng bagay pero hindi ka dapat bumitiw. Or else, you'll lose."

Kinilabutan ako sa bawat salitang sinabi niya. Pero bakit?

Lumayo siya sa akin at tumawa mahina. "Gutom ka na siguro. Magluluto muna ako." Binuksan niya yung TV pero hindi ko pa rin maintindihan kung ano ba ang nangyari. Yung mga sinabi niya, bakit?

Nakatitig lang ako sa baso ng tubig na hawak ko. Ramdam kong may dapat akong gawin. Hindi ko lang maalala.

Nang inabot niya sa akin ang remote, nalalala ko na ang dapat kong gawin. Tinitigan ko siya ng malalim. Tumaas ang mga kilay niya. Paano ba 'to?

"Ano, ano nga palang pangalan mo?" Huminga ako ng malalim. Nailabas ko rin yun sa bibig ko.

Nilabas nanaman niya yung malungkot niyang ngiti. Kumibit-balikat siya habang lumalayo sa akin.

"My name doesn't matter. Just remember what I said." Nakita ko ang nangingilid na luha sa mga mata niya. Iniwas niya ito sa akin. "Hindi mo nanaman kasi ako maaalala bukas."

Marami pang butil ng luha pa ang pumatak sa baso ng tubig na hawak ko, kapalit ng mapait na ngiti niya.

**********
Pronunciation Guide:
MNEMOSYNE:
neh-MO-see-nee
CRIUS:
CREE-yus

Sorry, may nabasa kasi ako nemosign yung basa sa Mnemosyne. Na-se-stress ako. Wala lang. :P

Yey, tapos na. Haha. Thank you sa nakaabot dito sa note na ito. :)



MnemosyneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon