Ika-limang Yugto

19 2 0
                                    

HMV5

"HINDI ka maaaring umalis Mico hangga't hindi mo ako tinutulungan na makaganti," naroon ang diin at seryosong wika ng isang lalaki na nanlilisik ang mga mata sa sobrang galit.

Napatingin ako kay Irish, nakapulupot sa leeg niya ang kanang kamay ng lalaking hindi ko maaninag ang mukha dahil sa kadilimang bumabalot sa buong paligid. Ang kaliwang kamay naman nito ay may hawak na combat knife at nakatutok ito sa leeg ni Irish.

Nanginginig naman sa labis na takot si Irish.

"Ano bang sinasabi mo?" halos pasigaw na wika ko rito.

"Hindi mo ba ako nauunawaan, Mico? Pareho tayong sawi sa pag-ibig at sabay rin tayong nagpakamatay ngunit iisa ang hangad natin ang makapaghiganti sa mga taong nang-agaw sa atin ng karapatang lumigaya."

"Nababaliw ka na ba?" napatawa ako.

"Wag ka ng magpanggap na di mo alam ang ginawa sa iyo ng kasintahan mo. Nagtaksil siya sa iyo at sobra ang galit mo sa kanya dahil nagawa ka niyang ipagpalit sa iba!"

Mas lalo akong napatawa sa mga sinabi nito. Wala nga akong kasintahan, bakit pinipilipit nito na mayroon? At isa pa hindi ko naman siya kilala. Ano bang alam niya sa buhay ko?

"M-Mico tulungan m-mo naman ako. A-Ayoko pang mamatay," pagsusumamo ni Irish. Takot na takot ito.

Bigla na lamang nawala sa paningin ko ang lalaki tangay si Irish.

"Hangga't hindi ka nakikipagtulungan Mico hinding-hindi mo makikita si Irish!" umalingawngaw sa buong paligid ng mansyon ang tinig nito.

Napasigaw ako sa sobrang galit.

Hindi ko alam kung naririnig ba ako nila Josh?

Tinungo ko ang gate, susubukan ko muli itong buksan. Ngunit kahit anong gawin ko hindi ko talaga ito mabuksan.

Wala rin akong mapagpilian ng mga oras na iyon kundi ang hanapin si Irish. At puntahan sina Josh bago mahuli ang lahat.

Nasa loob na ako ng mansyon, paakyat na sana ako ng hagdan ng marinig ko ang malakas na sigaw ni Lourdes. Base sa tono ng boses niya takot na takot ito. Hinanap ko kung nasaan siya. Ilang segundo lamang ang lumipas tumahimik na ang buong paligid.

Naghanap ako ng mapagtataguan ng mapansin ko na may sumusunod sa akin. Sa likuran ng lumang kabinet ako nagkubli. Ng dumaan sa may pinagtataguan ko ang dalawang lalaki na masayang nag-uusap agad ko silang nakilala- sina Timmy at Andrian. Sinundan ko ng tingin kung saan sila papunta. Pumasok sila sa guest room.

Sinundan ko sila. Maingat ako sa bawat mga hakbang ko.

Muli na naman akong napakubli sa likuran ng lumang sofa ng biglang madulas si Timmy. Lumikha ng malakas na kalabog ang pagkakabagsak nito sa sahig.

"P*ta, pare ano 'yan?!" pagmumurang sabi ni Andrian ng tanglawan ng liwanag ang malagkit na likido na naging dahilan kung bakit nadulas si Timmy.

Natitigilan naman si Timmy matapos suriin kung ano ang likidong naging dahilan ng kanyang pagkakadulas. Kapuwa hindi sila maaaring magkamali kung ano iyon. Dugo ng tao!

Haunted Mansion VillarealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon