CHAPTER 8

308 9 11
                                    

SANNACHA ROSE CRISPREYEZ

"Pool, party naman 'yon kaya ito nalang ang suotin mo." Napatitig ako sa sandong itim at denim short. Ramdam ko ang pag iinit ng pisngi ko habang ini-imagine ang sarili na suot 'yon. Oo nga't nag susuot ako ng ganoon pero kapag nasa bahay lang ako at nakakahiya kung susuotin ko 'yon sa harap ng maraming tao.

"Ayaw mo ba, wala na akong mahanap na iba e, mahilig kasi ako mag sando at puro short shorts lang ang mga bago ko."

"It's okay, Amber, gusto ko. H'wag ka nang masyadong mag abala. Susuotin ko na." Mabilis kong kinuha ang sando at short at pumasok sa bathroom niya at mabilis nag bihis. Nakakahiya pero ayoko naman na asikasuhin ako ng masyado ni Amber. Nakakahiya kung mag kakalkal pa siya ng mga damit niya para lang may maipasuot sa'kin.

"Sannacha, you're so sexy." Tumitiling sabi niya pag kalabas ko ng bathroom. Naiilang na ngumiti ako at humarap sa salamin. Tinanggal ko ang tali ng buhok ko, napangiti pa ako habang sinusuklay ang kulot kong buhok. Medyo natatakpan na ng buhok ko ang katawan ko dahil hanggang baywang ang haba ng buhok ko.

"Your hair is so pretty like you." Muling papuri ni Amber sa'kin.

"Ang ganda mo rin Amber." Tumili ito na ikina gulat ko, napa nganga pa ako ng makitang namumula ang kanyang pisngi.

"Are you okay, Amber?" Nag aalala na tanong ko. Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya at sinuri siya.

"Talaga maganda ako?" Mabilis akong tumango at nginitian siya. Tunay siyang maganda, hindi ba niya alam 'yon.

"Yes, you're so pretty and so mabait." Muli siyang tumili at niyakap ako. Natawa lang ako at niyakap siya pabalik.

"Talaga?" Bakit parang hindi siya naniniwala sa'kin.

"Oo nga."

"Thank you so much, Sannacha, nakakakilig lang dahil mas maganda ang pumuri sa'kin." She's so pretty at sinabayan niya pa ng magandang ugali. That's the real beauty.

"So, let's go."

Nakapulupot ang braso niya sa braso ko habang patungo kung saan, hanggang sa makarating kami sa malawak na pool. Ramdam ko ang pag iinit ng pisngi ko nang mapansin may nakatingin sa'kin. Maraming tao, may naliligo, nag sasayawan, nag iinuman, at nag lalaro ng baraha.

Kakaibang party. 

Natuon ang pansin ko sa isang grupo ng kalalakihan sa pabilog na mesa. Nandoon si Blair, Lucas at Arion at hindi ko na kilala. Nag uusap si Lucas at Arion at halata sa mukha niyang naiinis siya.

"Uy, nakatingin siya kay kuya Lucas." Mabilis akong umiling at nag iwas nang tingin dahil kay Amber na nakatuon din pala ang pansin sa titignan kong grupo.

"Hindi, mag kaibigan din pala si Arion at Lucas." Sabi ko at nilibot ang tingin para hanapin sila Faithleen.

"Hindi lang 'yan sila mag kaibigan, mag pinsan sila." Nalaglag ang panga ko dahil sa kanyang sinabi. Mag pinsan pala sila.

"Tara puntahan muna natin sila." Nanlaki ang mga mata ko nang hilain niya ako patungo sa grupo nila Lucas.

"Ikaw nalang Amber, hahanapin ko nalang sila Faithleen." Kabadong sabi ko, hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Pinilit kong tanggalin ang braso niyang nakapulupot sa'kin hanggang sa wala akong magawa at tuluyan na kaming nakalapit. Sunod sunod akong napalunok ng matuon ng pansin nila sa'min. Parang gusto ko nalang tumakbo.

Chasing Dreams Series 5: LOVE CAN WAIT Where stories live. Discover now