CHAPTER 19

35 5 0
                                    

SANNACHA ROSE CRISPREYEZ

Balancing and managing my time between school and personal life is challenging. Attending classes, and completing assignments, as well as time for relaxation and pursuing my interests in life. Nakakapagod man pero kinaya ko, dahil may inspirasyon ako, at ang pagod na nararamdaman ko ay saglitan lang dahil nandiyan ang mga kaibigan ko, kuya ko at si Lucas. Hindi ako nabigo sa pag aaral ng business dahil matataas ang grades ko sa bawat subject, masasabi kong nag a-aral ako ng mabuti. And here, I'am, celebrating my achievements along the way to stay motivated. Gusto kong maging proud ang mga taong naka paligid sa'kin. Suporta at pag i-intindi sa'kin ay isa sa mga rason kung bakit ko nababalanse ang pag a-aral at personal na buhay ko.

Sabi nga ni, Albert Einstein. "Life is like riding a bicycle. To keep your balance, you must keep moving."

"Baby, come on, kumain ka muna." Napatingin ako kay Lucas, bigla akong nahiya dahil hindi ko na siya masyadong nabibigyan ng oras.

Nanliligaw parin siya, hindi siya sumuko, hinihintay niya nga ako. Lucas is one of my inspiration in life. Gusto kong maging proud siya sa'kin kapag kinaya ang lahat ng pag subok sa buhay ko, he helps me, overcome challenges, and achieve my goals.

"Mamaya na kailangan ko muna 'tong tapusin." Kailangan kong tapusin ang lahat habang may oras pa. Ilang buwan nalang ay ga-graduate na ako.

"What is that, ako na ang tatapos, kailangan mong kumain. Can't you see, pumapayat kana." Nag aalalang sabi nito dahilan para mapangiti ako at sinubsob ang mukha sa matipuno niyang dibdib para itago ang namumula kong mukha. Na-i-inlove ako na naman ako sa paraan ng pag a-alala at pag a-alaga niya sa'kin.

"Ako na gagawa, ako ang nag aaral hindi ikaw." Mahina kong sabi, hindi ko talaga siya hinahayaan na gawin ang mga bagay na dapat para sa'kin. Napapagod lang ako pero kaya kong tapusin ang lahat.

"But you need to eat-" mabilis kong hinawakan ang mag kabilang pisngi niya para matigilan siya.

"Let's go, kumain na tayo." Tuluyan na sang ayon ko, napangiti siya. Akmang tatayo na sana ako ng bigla niya akong halikan, napapikit na lamang ako at tumugon sa kanyang halik.

"Aray!" Mabilis na nag hiwalay ang mga labi namin nang may tumama sa likod niya, ramdam ko 'yon dahil nakayakap siya sa'kin.

"Anong nangyari sa'yo?" Tumingin ako sa likod, napakagat labi ako nang makita si kuya na masama ang tingin sa'min. Nag init ang pisngi ko sa kahihiyan.

"Ano na naman 'yang ginagawa mo! Nag a-aral ang kapatid ko tapos ini-istorbo mo. Umuwi ka na nga, ano balak mo, dito tumira?" Napangiwi ako sa mga sinabi niya.

"Kakain kami." Sabi ni Lucas at hinawakan ang kamay ko. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili.

"Oh, tapos ano 'yang ginagawa mo?" Galit na tanong niya.

"Kumakain-" mabilis akong pumunta sa harapan ni Lucas at hinarang ang mga kamay na parang bang kayang kong protektahan si Lucas kay Kuya, mas dumiin ang pag kakagat ko sa labi ko dahil hinubad niya ang sapatos niya at sinentro kay Lucas.

"Kuya!"

"Ikaw, umayos ka, kung ayaw mong kaladkarin kita palabas ng bahay. Isa ka rin mag aral ka." Parang ama na sabi nito. Napanguso ako at tumango. Pinanood ko pa siya hanggang makarating ng second floor at pumasok sa k'warto niya.

"Bakit ka naman kasi nang hahalik, alam mo naman na bigla bigla nalang sumusulpot si Kuya." Nakangusong sabi ko. Natawa naman siya at ginulo ang buhok ko saka ako inakbayan at nag tungo sa dining area. Para akong ginutom bigla nang makita ang mga pagkain sa ibabaw ng mesa.

Chasing Dreams Series 5: LOVE CAN WAIT Where stories live. Discover now