"Transfer Student"

1 0 0
                                    



Qaira POV:

Time check: 6:45am

Hi mga mhie~ Kumusta? So.. papunta nako sa school.

"Cookie! Dalian mo na!" Sigaw ng nanay ko galing sa sala.

"Ito na po Nay." Sagot ko naman.

At noong binuksan ko yung pinto, as expected, andun si Allysa na hinihintay akoA

"Ano na sis, Let's go-" Sabi niya sakin na nagmamadali.
Ang aga pa eh- akala mo siya maglilinis ng classroom bago mag-klase- KIMI


*nakarating na sa eskwela*


Habang umaakyat kami papunta ng classroom ay sinalubong kami ni Grace.
(like I said in the last part po, may mga bagong characters this school year - Author <3)

"HUI- Andyan na pala kayo!!!" Nasasabik na ani niya.

"Yup, What's up?" Tanong ni Lys, habang naglalakad na kami papuntang classroom.

"Uhm.. Ayoko bigyan agad kayo ng bad news pero umalis na rin sila Rosalie at Khloe..
Diba Best friend ng nanay ni Rosalie yung nanay ni Lee? Eh balak nila tumira together in one house sa Singapore.." Kwento ni Grace hanggang sa nakarating na kami sa klase at umupo.

"Oh... Shala.. Haha." Mahinang sabi ni Lys, na para bang dinadaan sa biro.. pero halatang maiiyak na siya.

"Hindi man lang nila nasabi? Malalaman pa sa iba.." Dagdag ko naman.

"Yun nga eh.." Sabi ni Grace.

Anyways, pagkatapos nun, nag-comfort muna kami sa isa't isa tsaka umupo sa mga seats namin dahil andun na si Sir.

. . .


"Ok class, before we start, I'd like to say that the report is cancelled because there's a transfer student that just enrolled, and I don't really want him to miss these kinds of activities because malaki ang impact nito sa grades niyo." Inihayag ni Sir.

At nung mga sandaling yun, para bang lumamig yung simoy ng hangin na hindi ko mainitindihan..

".. Everyone, meet Tristan Lawson."

---Silence filled the room---

Wait... ANO?!

S-Si Tris?.. Na childhood bestfriend  ko?..

"Hi everyone, you can call me Tris if you'd like, I hope we all get along." Sabi niya.

"Thank you, you may sit down on that empty seat next to Qaira, She's the girl with the white hoodie." Saad ni Sir, pointing to me.

HUI SIR- WALANG GANYANAN- WHY ME?? HUHU-

"Don't worry po, I know her." Sabi niya, as he was facing our lecturer, took a moment, then face me.. with a tight smile.

Luh siya- akala niya ata pogi siya-

"Ok, mag-lesson nalang tayo instead of report." Sabi ni Sir.

Time skip>>>

*Break time*


At nung nasa cafeteria na kami-

"Huy teh, bat parang nag-freeze mode ka nung nakita mo yung transferee?" Tanong sakin ni Grace.

"Kase-" bago pa tapusin ni Lys sasabihin niya, tinakpan ko muna bunganga niya- HAHAHAHA-

"Huy teh- agad agad ka- di mo muna tanungin kung pwede mo ba sabihin-" Sabat ko habang tumatawa sa pagmumukha niya.

"Edi sorry-" Sabi ni Lys habang naka-pout.
Para bang ako pa yung mas matanda ah-

"Ano ba kayo, parang di naman ako pamilya- 'di naman ako leaker ah.." Saad ni Grace habang nagtatampo.

"Sige nanga! Huhu- So childhood bestfriend ko siya since kapitbahay ko siya dati.. and uhm.. after years of connection, nag-confess siya sakin noong 10 palang kami, pero days later, his father decided to move to another country. Siguro bumalik na siya sa Pinas dahil pagka-alam ko ayaw niya naman talaga sa ibang bansa. Well before his flight, in those days I also developed feelings for him, hindi ko na sinabi kasi my two braincells were fighting noon.. na para bang-
                                  Gusto ko siya! .... Hindi! bata ka pa! Wala kang alam!
So, Young love? First love? Whatever you call it.. pero tama naman siguro ako nun.. I was too naive that time."

"Huy... Nakaka-touch naman.." Sagot ni Grace at tumango naman si Lys.

"Pero!.." Bigla biglang sulpot ni Lys habang tinaas niya yung index finger niya.

"..Gusto mo parin ba?" 

"Uh- Tsk, di na noh, and besides.. sa yaman at kagwapuhan nun? May girlfriend nayun sis-" Sagot ko.

"Asus! Assuming agad? Tanongin mo!" Dagdag ni Grace.

"Huy- shems kanina pa pala tayo maingay dito-" Sabi ni Lys.

"Ay oo nga- But... wait.. Paano ang Marc?" Sabi ni Grace.

"WALA NAMAN AKO SINASABI NA MAY GUSTO AKO KAY TRIS-"

"Luh- bat ka defensive? Hahahaha-" pabirong sabi ni Lys.

"And besides- you can never unlove someone." Ani ni Grace.

"Stop nanga! Nako naman- sa daldal niyo, ako tapos nang kumain, kayo di pa nakakasubo kahit isa-" Saad ko naman.

"Shoot- oo nga." Sabi nilang dalawa.



Time skip>>>


Tapos na yung klase and I can't help but think about what they said... Gusto ko ba talaga si Marc? Kung ganon ay di na ko siguro magkakagusto sa iba noh? Then, what's this feeling?
Bakit parang may guilt akong nararamdaman? Kung magkagusto man ulit ako kay Tris, edi lahat ng hard work ni Lana mapupunta sa wala, maguguluhan lang siya sakin, sabihin sakin sana di nalang siya nag-effort na makipag hiwalay kay Marc kung gusto ko naman pala si Tris...

Para mawala lahat ng iniisip ko, sinubukan kong pumunta sa Lake malapit sa school kasi vacant hours pa naman namin.



Para mawala lahat ng iniisip ko, sinubukan kong pumunta sa Lake malapit sa school kasi vacant hours pa naman namin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



After nun, nakita ko si Lana, and sa tingin niya, para bang she was expecting me.


"Hi Qai!" Bati niya sakin.


"Hi Lana! So, what's up?" Sagot ko naman.

"Good, I heard na Tristan was your childhood best friend? Grace and Lys told me." Sabib niya.

"Yun lang sinabi nila?" Sabi ko trying to make sure.

"Nope, the whole thing." Ani niya.

"I'm sorry Lana, Hindi ko na nga talaga gusto si Tris.." I reassured.

"Why are you so worried? Hahaha- Whether gusto mo pa rin si Tris or not, I'll still be breaking up with Marc... I don't like him remember? Look, I'm not a player but naawa ako sakaniya and like I said I wanted to give him a chance kasi baka sakali I'll develop feelings too.. pero it didn't work out.." Kwento niya.

"Alam niya na ba toh? And sinabi mo ba na ako yung reason?" Tanong ko ng may alala sa mukha ko.

"Yes, alam niya na, but no silly! Why would I say na ikaw yung reason if ayaw ko naman talaga siya?" Sabi niya ng napatawa ng konti.

We sat on the big rocks dun sa gilid ng Lake.

"Hey.. I get it, you're confused. Don't worry, if you need me andito lang naman ako. Don't stress yourself too much." Advice niya sakin.

"Thanks Lana, maaasahan ka talaga.." Sabi ko with a tight smile.

And after nun since nainig na namin yung napakalakas na bell- bumalik na kami sa campus.

. . .

Last subject na namin noon, and habang nakatingin ako sa mga boys dun, ang tahimik-
Himala? Siguro dahil wala mga laloves nila- KIMI-
BAT KASI UMALIS NA HALOS LAHAT NG MGA ANTEH KO- Miss ko na tuloy agad sila!!


"Ok.. Class dismissed.." Sabi ni Ma'am Jasmine.

Lahat na kami nagsi-alisan and plano ko sana kausapin si Marc, pero sa susunod nalang siguro.. I'll give him his space muna.


______________


Sorry ngayon ko lang na-update 😭 nasira kasi laptop ko- anyways sana na-enjoy niyo :))




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 06, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love's ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon