81

7 3 1
                                    

August 20, 2024

Julia Faith Ramirez
Messenger

TUE 6:37 PM

Julia:

Hi bb.

Good eve.

Musta ka?

Walang nag abala sa'yo?

Tanya:

Hellooo Julia

Ayos naman

May mangilan-ngilan akong naririnig na inaapi ako, pero dinededma ko lang sila

Hanggang salita lang naman sila eh

Julia:

Aww bb.

Endure itt.

Lalabas din ang katotohanan soonest.

Btw, ayun nga nakausap ko si Diana.

Tanya:

Yass kapit lang

Ohh anong napag-usapan niyo?

Julia:

Si Francine pala ang may pakana nang lahat bb.

Mahal niya raw si Lawrence.

At nilinaw naman ni Diana na wala talaga siyang gusto kay Lawrence.

Ang genuine nga niya eh, gusto ka niyang aluhin dahil sa stress na nararamdaman mo.

She feels sorry.

Tanya:

EHHHH????

For real?

Bakit si Francine pa?!

And bakit kailangan pang umabot sa puntong ito

Tangina

Mas masakit pala pag mismong malapit sa puso mo ang mag-tra-traydor sa'yo

Hindi ko akalain na magagawa niya sa'kin to

Hindi ba niya ako tinuring na kaibigan?

)):

Julia:

Ako rin bb eh.

Halos manghina nga ako nang marinig ko ang katotohanan.

Grabe.

Ako medyo naging off ako kay Francine eh simula nung naging kayo ni Lawrence.

Hindi ko lang sinasabi sa'yo.

Pero nahahalata kong may sama nang loob sa'yo si Francine.

Kasi di ba matagal din silang naging bff ni Lawrence.

And akala niya, sa kaniya aamin si Lawrence.

Pero hindi makatwiran ang ginagawa niya ngayon.

Hindi niya dapat ibunton ang galit sa'yo sa naging desisyon ni Lawrence.

Wala kang kasalanan na ikaw ang pinili.

Tanya:

)):

Paano na ngayon Juliaaa?

Nababaliw na ko huhu

Hindi ko na alam ang gagawin

Pano kung pinagtutulungan pala ako ni Diana at Francine?

Paano kung magkakampi sila? Tapos nakikipagkaibigan lang si Diana para mas madali niya akong masaktan?

Julia:

Don't worry bb.

Ramdam ko namang nagsasabi nang totoo si Diana.

Trust me.

Alam kong mahirap magtiwala sa panahong niloko ka ng mga tao sa paligid mo, pero I swear bb trust me on this.

Hindi kita hahayaang tuluyang madurog.

Tanya:

Aww

Thank you so much Juliaaa

Hindi ko na alam saan ako kakapit kung wala ka

Ayaw kong maguho ang mundo ko

Julia:

We're here for youu bb.

You reacted '❤️'

Yesterday's Dream | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon