Cielo Leviathan’s POV
“I just call you an Uber, sorry I can’t go with you Cielo I have to stay here” He said softly but seriously.
“It’s fine, I understand and i’ll be fine” I said reassuringly and hug him.
“Take care hm? Call me if anything happened okay? Iloveyou” He said and kiss me tenderly.
I kissed him back passionately while he grab my waist and the back of my head to deepen the kiss, it last for a minute before he pull away.
Sakto naman ang pag dating ng Uber kaya nagpaalam na ako sa kaniya bago sumakay.
Umandar na ang Uber at nakatanggao kaagad ako ng text kay Sage na ikinangiti ko, he’s such a worry cat.
Ilang minuto na ang nakalipas at nakarating kami sa isang madilim na highway na walang kabahay-bahay tanging mga puno lamang sa gilid ang meron at kung titignan nga ay para kaming nasa kagubatan dahil ibang iba ito kapag umaga.
Habang nag ddrive ay napansin kong hindi mapakali si manong at panay sulyap sa side mirror, tinanong ko naman kaagad siya kung ayos lang ba siya.
“Sa tingin ko po may sumusunod sa’tin” Sabi niya na kinalukot ng mukha ko at tumingin sa side mirror, merong itim na sasakyan ang nasa likdo namin.
“Baka naman po driver lang din, masyado po yata kayong nagiisip ng kung ano-ano” Pagpapagaan ko sa loob niya at ganun din sa’kin, sana nga.
“Malabo po, tignan niyo ito” Napatingin ako sa side mirror at nakita kong bumagal din ang sasakyan niya nang bumagal ang sasakyan namin.
Napalunok ako dahil senyales iyon na sinusundan nga kami, kumabog ng mabilis ang dibdib ko at binalot ako ng takot.
”Kuya kaya po bang iharurot habang tumatawag ako ng pulis? ” Tanong ko ba kinatango niya at kaagad niya namang sinunod habang ako ay tinext si Sage na ‘someone’s following us’.
Palingon lingon ako sa side mirror habang nag didial ng police number, pero nanalaki ang mga mata ko dahil may biglang sumulpot na itim na sasakyan sa gilid ng sasakyang sumusunod sa’min at nilagpasan kami.
Mabilis na kumabog ng malakas ang dibdib ko dahil humarang ang sasakyan na iyon sa harapan dahilan upang mapahinto ang sasakyan namin.
“Jusko po” Napamura na si manong driver dahil may biglang lumabas sa sasakyan na mga armado, may mga hawak na rifle at naglakad palapit sa’min.
“Baba” Pareho kaming bumaba at nanindig ang balahibo ko at mas lalong kumabog ang dibdib ko nang walang awa nilang pinaputukan sa ulo si manong.
Napalunok ako dahil nabaling ang tingin nila sa’kin, hawak ng isa ang braso ko ng sobrang higpit kaya imposible ang tumakbo at tumakas.
May mga baril pa sila kaya delikado kung tatakad ako ngayon, kinuha ng isa ang cellphone ko ang dinurog ito.
“Boss copy, we caught him” May mga takip sila sa mukha kaya napakahirap makilala kung sino sila, nilalagyan ng iba yung sasakyan ng gasolina.
After the talk on the walkie talkie they drag me inside the car and immediately start the engine.
Ang bibilis nilang kumilos na parang nagmamadali dahil mabilis silang humarurot paalis, lumingon ako sa likod at nakita kong nasusunog na ang sasakyan na maya maya lang ay sasabog na rin.
“Hindi ko ineexpect na ganito ka katahimik, akala ko papalag ka rin” Seryosong sabi ng katabi ko pero hindi ako umimik, wala rin namang silbe kung sisigaw ako sa gitna ng highway na walang bahay kahit saan at isa pa ayoko rin masaktan.
“Pasensya na pero kahit gaano kapa katahimik, kailangan ka parin naming patulugin kaya.. sleepwell” Sabi niya bago takpan ng panyo ang ilong ko, doon na nga ako pumalag pero masyadong malakas ang dalawang kamay na nakahawak sa’kin kaya wala akong nagawa kundi langhapin kung ano mang pampatulog ang nilagay nila doon.
Unti unti akong nanghina at pakiramdam ko ay tumigil bigla ang pag agos ng dugo sa katawan ko at nakaramdam ako bigla ng antok.
Sumandal ako sa upuan ng sasakyan at tila paralisa dahil hindi ako makagalaw, dahan dahan na ring pumipikit ang mga mata ko hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng malay.
YOU ARE READING
Psychopath Husband (Sage Atticus Obsession)
RandomA guy whose name is Cielo married a psychopath murderer, but even though he knows that his husband kills people, he can't seem to leave him, instead he falls even deeper into his trap. A possessive and obsessed husband whose name is Sage can kill pe...