—ZYRELLE'S—
Weeks had past, everything had change kung dati palagi kong kachat si Calix ngayon hindi na. Ni hindi nga siya nag-se-seen sa mga messages ko tapos naka unfollow na siya sa'kin. Ang sakit lang buong akala ko pang matagalan na 'yon hindi pa pala.
Minchie also changed, she changed a lot. Nag left din siya sa gc palagi niyang sinubukang kausapin si Calix pero hindi siya pinapansin nito. Paniwalang paniwala naman ang mga kaklase namin na siya talaga si Puzzle.
Kahit 'yong mga kaibigan ni Calix ay naniniwala na rin na siya si Puzzle. Siguro nga totoo 'yong sinasabi ni Dhanna. Mismong si Minchie ang lumayo samin madalas nahuhuli ko siyang masama ang tingin sa'kin.
Wala naman akong ginawang masama.
Pagkatapos kong magsulat ng lecture ay lumabas ako sa classroom ngayon ko lang napagtanto na nasa harapan ko sila Calix.
"Sigurado ka bang hindi mo papansinin si Minchie?"
"Oo nga hindi ba talaga?"
"Kawawa naman 'yong tao."
"Hindi porke't mga taga hanga kayo ni Puzzle pipilitin niyo 'kong kausapin siya," mariin na sagot ni Calix.
Medyo ouch.
"Subukan mo lang, malay mo gumaan din loob mo do'n."
"How? Pinagkalat niya nga dati na girlfriend ko siya."
Lumihis ako ng landas sa kanila napadaan naman ako sa locker namin. Nakuha ng atensyon ko ang locker ni Calix. Saktong dala dala ko ang sticky notes ko.
From: Puzzle
Grabe ka ang sakit mo sa part na inunfollow mo ko, tanggap ko pa na di ka nagrereply pero yung unfollow masakit yun.
Wala naiinis ako sayo.
As in galit ako.
De joke kasalanan ko naman kasi it took me some time to think but it's my fault also kung sinabi ko lang ng maaga edi sana hindi na nag ka ganito.
Blame me all you want.
I post it in his locker I heave a deep sigh. Narealize ko din na kasalanan ko kung sana sinabi ko di ba. Pero mali eh sasabihin ko na dapat kaso sinabi ni Minchie na siya daw si Puzzle.
Wala na masakit na ulo ko.
Bumalik ako sa classroom nakita ko roon sila Sammy kasama ang iba niyang mga kaibigan.
"Look who's here," rinig kong sambit ni Sammy.
Lumapit sila sakin.
"Sino ka sa tingin mo para sampalin ako?" Pinandilatan niya ako ng mata.
Hindi ko siya tinignan at tahimik lang ako.
Nagulat nalang ako no'ng bigla niyang itapon ang mga gamit na nakapatong sa lamesa ko.
"Ano wala kang kausap? Kinakausap kita kaya sumagot ka!" Mariin niyang sambit.
"Sorry but I don't talk to animals," walang gana kong sambit sabay tayo at umalis sa harapan nila.
Muntik na akong mapatili dahil sa sabunot niya. "Wag mo 'kong tatalikuran kapag kinakausap kita wag kang bastos!"
"Sino ba kasing may sabing kausapin mo 'ko?" Malamig kong saad.
Hinila niya naman ako palabas ng classroom kaya wala akong choice kundi ang itulak siya.
Tumayo naman siya, "Yan, yang kayabangan mo! Kala mo kung sino ka tandaan mo nasa section 1 ka sampid ka lang dito!" Duro niya.
"Labandera lang ang nanay mo!" Sigaw niya napakuyom ako ng kamay ko dahil sa sinabi niya.
My blood boils, pinaningkitan ko siya ng mata habang nakatitig sa kanya ng masama.
"Don't you ever insult my mother, wala kang alam sa mga paghihirap niya," mariin kong sambit.
Nanatili akong seryoso.
"Totoo ang sinasabi ko at hindi pang iinsulto, o ayaw mo lang malaman ng mga kaklase natin yung buhay mo, baka nga pinaglaba kami ng nanay mo."
I slap her face saka ako umalis narinig ko pa ang pagtawag niya sakin pero hindi na ako lumingon pa.
Naramdaman ko na ang pagtulo ng mga luha ko. Ang kapal naman yata ng mukha niya para insultuhin ang mama ko. Ni hindi niya nga alam ang mga paghihirap niya sakin tapos sasabihin niya ang bagay na yun?
Pumunta naman ako sa quadrangle saktong walang tao roon, dito ko ibinuhos lahat lahat ng nararamdaman ko wala akong pake kung iyak ako ng iyak.
Pinunasan ko naman ang luha ko gamit ang kamay ko may nag abot naman sakin ng panyo kaya napa angat ako ng tingin. It was Jayden, seryoso lang siya nakatitig sakin.
Mabilis naman akong nag iwas ng tingin at yumuko, what the! Nakita niya akong umiyak!
Hindi pwede 'to.
"What are you doing here?" Inis kong sambit.
"Nakita lang kita," saad niya.
Mabilis ko namang tinuyo ang luha ko sabay masamang tumingin sa kanya. Umupo siya sa tabi ko.
"It's ok to cry sometimes, crying doesn't mean you're weak," sabi niya.
"You're wrong, crying in front of people it means you're weak, because people around you they will take advantage from your weaknesses," sabi ko naman.
"Ikaw 'yong mali. . . . hindi porket umiiyak ka mahina ka na, lahat ng tao umiiyak. It's ok to cry sometimes pero hindi ibig sabihin nun yun na ang kahinaan mo," paliwanag niya.
"So cry all you out, it will lessen the pain," he smiled.
Yumuko ako, "Pero. . .pwedeng secret na natin 'to?"
"Sure, your secrets is safe with me," ngumiti siya kaya ngumiti ako pabalik.
Pagkatapos kong kumalma ay napag-isipan kong bumalik na sa classroom habang naglalakad kaming dalawa ay panay kami tawa dahil sa mga jokes ko.
"I didn't know you have that kind of humor, akala ko talaga napakaseryoso mong tao tapos tahimik pa," sabi niya.
"Ako'y tahimik lamang sa umpisa," sabi ko.
Muli akong sumeryoso no'ng nakapasok na kami sa classroom. Napansin ko naman ang masasamang tingin sakin ni Sammy at Minchie.
What's wrong with them?
BINABASA MO ANG
(Epistolary series#4) Puzzle
Teen Fiction--❝Sino ba talaga kasi si Puzzle?❞ ***** Zyrelle Ciel Lopez known as expressionless girl. She always wearing that kind of face in front of people. She was being cold and a mysterious outside. She's famous for being puzzle the Instagram user who has...