Chapter 2: Free

20 3 0
                                    

Savianah Clemente's P.O.V.

Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan nang malaman ko ang tunay na relasyon nina Shaun at Tamarra.

"Sure ka? Ang ganda niya kaya," utas ko.

Magkasama kami ngayon sa amin.

Nandito na rin ang mga parents namin kaya naman nag-dinner kami together.

Uminom siya sa beer na hawak niya.

"She's just a client, Sav," ulit niya.

Tinagilid ko ang ulo ko para hindi niya makita ang pag ngisi ko.

Shuta. Mabuti naman at kung ganoon nga lang.

Iyan, Shaun, tama 'yan.

"Mabuti at hindi mo siya naisipang i-pursue?" tanong ko ulit.

Hindi ako mapakali eh. Nakakapagtaka kasi.

"Huh?"

"I mean, type mo kaya ang mga ganoong babae," sagot ko sa kanya at uminom din sa beer na hawak ko.

Natawa siya. "Paano mo naman nasabi na ganoon ang mga tipo ko?" tanong niya at itinaas ang isang kilay.

Nanatili siyang nakatitig sa akin habang hinihintay akong sumagot.

"Duh. Matagal na tayong magkakilala, Shaun. Kaya naman alam ko na ang mga tipo mo," pagtataray ko sa kanya.

Sumandal siya sa upuan at pumiling habang natatawa. "But she is not my type tho," sagot niya at nagkibit balikat.

Napa o ang bibig ko. At least na-confirm ko kung gusto niya nga si Tamarra o hindi.

"Edi kasi hindi," utas ko. "So, wala kang kalandian ngayon?" I asked.

Hindi naman siguro siya magtataka kung bakit ako tanong nang tanong about sa buhay pag-ibig niya.

After all, iisipin niya na curious ako dahil nga best friend niya ako.

"Ayaw ko muna," utas niya.

Napakunot ang noo ko. "Ha? Bakit naman? Paano mo mahahanap ang hinahanap mo niyan?" sunod-sunod kong tanong.

Uminom muna ulit siya ng beer bago ako sinagot. "Marami pang gumugulo sa isip ko ngayon," sagot niya habang sa malayo nakatingin.

Ano naman kaya ang gumugulo sa isipan niya?

"So, hanggang kailan ka hindi lalandi?"

"Kapag sigurado na ako sa gumugulo sa isipan ko," he said and look at me.

Napatango ako nang mabagal. Bakit ba parang napakalaman ng sinabi niya? Lalo na nang tumingin siya sa akin.

Naputol ang pag-uusap namin nang lumabas si Tita.

Malisosya siyang tumingin sa aming dalawa.

"Nagsasarili na naman kayong dalawa," utas niya at sinundot pa ako sa tagiliran.

"Mom, tigilan mo nga si Sav," utas ni Shaun.

Pinanliitan niya kami ng mga mata. "Nag-bonbonding na naman kayo. Kailan ba kasi magiging kayo?" tanong niya habang naka cross arms.

Nanlaki ang mga mata ko.

Madalas naman na sinasabi ni Tita iyon sa aming dalawa, pero nagugulat pa rin talaga ako kapag bulgaran niyang sinasabi iyon.

"Mom, naman," reklamo na naman ni Shaun.

Humarap sa kanya ang ina niya at pinalo siya sa balikat. "Ang bagal-bagal mo naman kasi. Kailan mo ba liligawan si Sav?"

Be in love #1: Sorry, I love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon