Savannah Clemente's P.O.V.
Days passed by at kinukulit kami ni Tita, ang mama ni Shaun. She wants us to be the one who will attend the business meeting.
Well, wala namang problema iyon, especially na si Shaun na ang nagmamando sa business nila.
Iyon nga lang, she insisted that I should go with her son. Pero... as his date.Kung ako ang tatanungin, it was really in favor for me. I will not deny na masaya ako sa part na iyon. At least mararanasan kong maging date ni Shaun kahit papaano.
But on his perspective, hindi ko alam kung anong nasa isip niya. He was hesitant at first, saying na kaya naman niyang umattend mag-isa at hindi niya need ng accompany.
Medyo masakit ang part na iyon para sa akin. Ang siste kasi ay parang ayaw niya akong isama or kasama.
Ngayon nga ay magkasama kaming dalawa. Naghahanap ng susuotin.
"Dapat ay tumanggi ka na lang sa gusto ni Mom," usal niya habang busy ako sa pagtingin sa mga damit.
Napakagat ako sa aking labi. Talaga bang ayaw niya akong makasama roon?
"It is just a small favor, Shaun. Kaya pinagbigyan ko na ang mama mo."
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.
Tumingin ako nang masama sa kanya, kaya naman napataas siya ng isang kilay.
"Siguro kaya ayaw mo akong isama roon, kasi may ibang babae kang planong isama talaga," I ranted.
Iyon kasi talaga ang naiisip ko. Bakit hindi nalang niya sabihin na may iba pala siyang makakasama roon?
Nagpameywang siya. "Wala, Sav."
"Eh bakit parang ayaw mo akong makasama?" pagtatanong ko ulit.
He scratched his nape. "Wala naman akong sinabi na ayaw kitang makasama," he said.
I rolled my eyeballs. "Iyon kasi ang pinaparamdam mo sa akin," bulong ko.
Naging tahimik kaming dalawa. Tinatantya niya kung nagtatampo ba ako sa kanya o hindi.
"Sabihan ko nalang si Tita na hindi na ako tutuloy," bigla ay sambit ko.
Sa totoo lang, parang nawawalan kasi ako ng gana sa ganoon. Ayaw ko kasi talagang pinaparamdam sa akin na hondi ako belong.
Sensitive ako sa ganoong bagay.
Mabilis siyang gumalaw at hinawakan ang braso ko. "Hey," utas niya at pumiling sa akin.
"Ano?" mataray kong tanong.
"Nasabi mo na kay Mom na aattend ka, kaya naman nag-eexpect na siya."
Akala ko pa naman ay sasabihin niyang gusto na niya akong kasama sa party na iyon. Is that too much to ask?
Ang Mom niya pa rin pala ang dahilan.
Nang makapili na ako ng damit ay sinukat ko na iyon.
Pagkalabas ko mula sa fitting room, para sana ipakita sa kanya ang suot ko, ay nadatnan ko siyang hawak ang kanyang phone.
BINABASA MO ANG
Be in love #1: Sorry, I love you
RomanceTrying to hide the feelings, but guess that it was too obvious. To be just friends, to stay being just friends, is regretful. I want more than that. So, deciding to express feelings, bravely taking steps towards you. If loving you is prohibited, th...