Disclaimer: The characters, plot, and setting of this story are entirely fictional. Any resemblance to actual persons, events, or places is purely confidential. This story may contain mature themes and language that may not be suitable for all readers. Reader discretion is advised. The author does not condone or promote any of the actions or behavior portrayed in this story.***
"Hala! Nawawala na naman 'yong ID ko!" First day of class pero late ako. Sabi ko pa naman sa sarili ko bago magpasukan na hindi na ako male-late this school year. Kainis!
"Hoy, Amara! Bilisan mo nga diyan, dinadamay mo 'ko sa pagiging late mo!" Sigaw ni Zara, pinsan ko. Our parents rented a good-sized apartment with a dalawang room for the two of us.
"Zar, nakita mo ba ID ko? 'Yong lace lang andito pero wala 'yong card!" Sigaw ko pabalik habang patuloy na naghahalungkat sa bag na ginamit ko kahapon.
"Check mo sa wallet mo! Parang nakita ko na nilagay mo iyon kahapon," Ginawa ko nga ang sinabi niya. Buti nalang hindi madaling makalimot itong pinsan ko dahil tama nga siya, andito lang pala itong ID ko.
"Alam mo ikaw, kung ganiyan na mabilis kang makalimot na parang may amnesia palagi huwag mo ilagay mga gamit mo kung saan-saan," Panenermon ni Zara sa'kin. Nakasakay na kami ng grab patungong Amaranth International School and Colleges.
Bago pa kami makapasok sa campus, nag-ring ang phone ko. My mom's secretary is calling. Tsk.
"Miss, nasa campus ka na ba?" She asked. I roamed my eyes, ang laki ng Amaranth. It's my first time here, no'ng enrollment kasi ang secretary na ng mom ko ang gumawa ng lahat. I'm a freshmen, taking up Bachelor of Science in Nursing. Same course kami ng pinsan ko and hindi ko alam if they pull some strings para magka-block mates rin kami ni Zara.
"Yes, I'm already here. Ibababa ko na 'to dahil late na ako, thanks for asking." Napabuntong hininga ako.
"Okay ka lang?" Tanong ni Zara. Napansin niya siguro ang pagbago ng mood ko.
"Goods lang. Tara na," Pumasok na kami sa room namin. Every student here has a well-defined map, so there's no need for us to worry of getting lost. This school was fully outfitted.
"Sa likod tayo," Aya ng pinsan ko. Hindi ako umangal dahil gusto ko rin sa likod, pag-ganitong first day of class at halos wala akong kilala. I always paid attention to the people around me, seeing their attitude and all.
"I heard isa sa mga shareholder ng school sila tita," Bulong ng pinsan ko. Tumango lang ako, wala naman akong pakialam. They're always busy to the point na wala na silang oras sa sarili nilang anak kaya deserved naman nila siguro lahat ng kung anong meron sila.
"Good morning! I am professor Ezekiel Garen, and I will be handling Theoretical Foundations of Nursing," The professor smiled. Ang pogi niya, ha! Mga around 20's pa si prof, and given his refined demeanor, I have no doubt that he comes from a wealthy family.
YOU ARE READING
The Summer Secret
Novela JuvenilAmara, born into a prestigious business family, craves the attention and love she's never received from her busy parents. As she pursues her dream of studying medicine, she crosses paths with Shem Justice, from the family of laws and politics, who t...