02

2 1 0
                                    











just.rhodes_: hoy amara scarlett sinclair! ang tagal mo, nasa labas na kami.











am.scarlett: oh tapos? sml?











just.rhodes_: k











Natatawa kong isinantabi ang phone ko at bumangon na ng tuluyan, naghahanda para maligo. Wednesday ngayon and Mr. Steven Lanfel informed us for our first practical project in General Communication which is a video clip or a music video indicating a story represents our course through effective communicatiom between patient and the healthcare team or the nurses.











Ang buong klasi ang magtulong-tulongan, ito na rin kasi ang basehan ni Professor if we need to undergo a written exam. Ako nagpresentar na gumawa ng script kaya sa'kin nila ipinagkatiwala ang pagiging director na rin. Shem is good on filming and he has a camera na rin and other things to use for the filming, ang kailangan na lang namin ay mga cast for the music video.











Actually, call time namin mga 8 o'clock pero tinamad ako no'ng tumunog alarm clock ko kaya pinatay ko nalang. The next thing I woke up ay dahil sa paulit-ulit na tawag ni Shem.











Mabilis pa sa alas-kwatro akong nakaligo at nagbihis, I applied a slight make up on my face dahil nasanay na ako every time I have lakad.











"Zara, mauna na ako!" Pag-paalam ko, hindi siya sasama sa'min dahil ika nga niya na hindi na siya kailangan dahil kompleto na rin naman kami, and besides may lakad rin siya. I heard na may mga pinili na rin sina Rhodel ng block mates namin to act.











Nang matanaw ko ang kotse ni Shem sa harap ng building ng apartment namin ay pumasok na agad ako.











"Wow! Aga na'tin, ah!" Deadma lang sa'kin ang sinabi ni Shem habang inaayos ko ang script. Pagkapasok ko may nakaupo na rin sa likod na babae. Maliban kay Rhodel na nasa shotgun may kasama pa pala kami.











"Hi, I'm Adel. Adelaide Elsie Reyes, nice to finally meet you!" She handed me her hand. "Amara right?" Pahabol niyang tanong kaya tumango ako.











"Amara Sinclair. Magka-block mates ba tayo? Hindi kita napapansin, eh!" Sabi ko pa sabay kuha sa nakalahad niyang kamay.











"Oo, napapansin ko kayo dahil ang ingay no'ng dalawa." Sabay tingin sa dalawang nasa harap, kaya natawa ako.











Pagkarating namin sa location ng first scene namin, agad nag-set up sina Shem at Rhodel sa mga gamit. Andoon na rin ang iba naming block mates, naghahanda at busy sa pagsaulo ng kanilang mga lines.











"Amara, my best friend! Deep talks nga muna tayo tungkol sa mga eksena." Inirapan ko si Shem, kakatapos niya lang nai-set up ang camera kaya ako na naman ginugulo.










"Doon ka nga muna! I'll instruct the cast first bago tayo mag-usap," Walang magawa ay sinunod niya ang utos ko.











"Dito kayo dadaan, para sakto na magkabanggaan kayo. Andoon kasi 'yong angle ng camera tapos ililipat namin sa bandang kaliwa kung saan kita ang reactions niyo," Nakikinig lang sila kaya nagpatuloy ako.











The Summer SecretWhere stories live. Discover now