"Huh? What do you mean sa'tin?" Kunyari pa akong natawa para maibsan 'yong awkwardness. Bakit ba siya andito ngayong wala si Zara?"Wow! Maang-maangan ang peg!" Sabi pa niya at naupo sa sofa. Nilapag niya ang bag sa center table at diretso akong tinitigan.
"Seryoso, bakit ka nga nandito? Wala naman sila rito, eh." Sabi ko pa habang nakatalikod at naglakad papuntang kitchen. I need a water dahil parang nanuyo lalamunan ko.
"Sus! Alam ko kung bakit mo ako iniiwasan," Biglaan niyang sagot kaya napabalik ako sa living room para tignan ang hitsura niya. Seryoso ba siya?
"Haha! A-Ano ba ibig m-mong sabihin?" Gusto kung kutusan ang sarili ko dahil hindi ko mapigilang mautal. Imposible naman sigurong malaman niya na gusto ko siya, no? Pangungumbinsi ko pa sa sarili ko.
"Halata ka naman kasi! Hindi naman ako manhid," Natatawa pang aniya. What the fudge?! Alam niya na ba talaga? Bakit parang wala lang sa kaniya?
"Will you get in point? Hindi ko alam sinasabi mo," Pagkukunyari ko pa. Hanggang hindi niya sinasabi ay ide-deny ko!
"Hindi ba crush mo..." Tumigil siya at diretso akong tinignan sa mata kaya napaayos ako ng upo. Dead end ko na ba 'to?
"Sinong crush ko?" I raised a brow. Ang OA niya naman magsalita, may pag-putol pa sa sasabihin. Nanginginig na nga ako rito sa kaba!
"Crush mo..." Nananadya nga siya dahil bago ko pinikit ang mata ko ay nakita kong nakangisi siya.
"Hindi ba crush mo si Dos?"
"Oo na! Tama ka na, crush ko nga," Matagal bago nag sink in sa utak ko ang sinabi niya. "Huh?! Sino si Dos?" Sino ba si Dos? Paano ko magiging crush, eh wala nga akong kilalang Dos?
"Hahaha! Shit! Nakakatawa mukha mo," Pinagti-tripan ako ng mokong. Ang epal!
Inabot ko ang buhok niya at sinabunutan. Akala mo naman nakakatuwa 'yong ginawa niya. Tumayo ako at iniwan siyang tumatawa sa sofa. Badtrip!
"Hoy, Amara! Bumalik ka nga rito," Narinig ko pa rin ang tawa niya kaya mas lalo akong nainis. Bwesit! Walang magawa sa buhay!
"So, crush mo nga si Dos? 'Yong friend ko na nakasama ko noong isang araw, 'wag ka nga magkunyari na hindi mo maalala," Lumabas ako ng room ko sa sinabi niya. Ano ba 'tong sinasabi niya? Walang sense!
"What are you saying?!" Naiinis kong singhal. Nagpipigil pa rin siya sa sarili niya na hindi matawa.
"Sabi ni Zara sa'kin kaya ka umiiwas dahil nahihiya ka," Tumayo si Shem at lumapit sa'kin, inakbayan pa ako. "Shy type ka pala sa crush mo." Dagdag niya at natawa ulit.
"Shy type mo mukha mo! Umalis ka nga," Pilit kong inalis ang pagkaka-akbay niya. Nang makatakas ay dumiretso ako sa room ko at dali-dali iyong ni-lock.
YOU ARE READING
The Summer Secret
Teen FictionAmara, born into a prestigious business family, craves the attention and love she's never received from her busy parents. As she pursues her dream of studying medicine, she crosses paths with Shem Justice, from the family of laws and politics, who t...