Unang Kabanata

92 12 1
                                    


UNANG KABANATA...

Isang pamayanang itinuturing ng bawat isa bilang isang magandang berdeng Nayon. Dahil sa katangiang hindi maipagkakait, umusbong sa nayong ito ang mga paglalarawan na nakaakit sa mga turista. Pamayanang may taglay na saya, ligtas, maayos na pamumuhay ang maasahan sa nayong ito. Pero nagbago ang lahat ng ito ay  nawala na parang bula ng tumapak ang mga mahasang na paa ng mga manlalakbay.

Apat na kabataan ang bumisita sa Nayong ito. Mga kabataan na hindi alam ang kahalagahan ng kalikasan, pera o kayamanan lamang ang umiikot sa kaduluhan ng kanilang isipan. Nais nila na ang lahat ng bagay ay kailangang matapalan ng mga makasalanang pera. Pero hindi nila alam na sa Nayong pinuntahan nila ay wala sa bokabularyo ng mga tao rito ang salitang pera. Sa ganitong pamamaraan ano na kaya ang Mangyayari sa mga kabataang ito? may gintong aral kaya silang makukuha o sadyang kasing tigas ng bato ang kanilang budhi? Sa isang TANAW sa istoryang ito ay mapapansin na ang kahalagahan ng kalikasan at kung ano lang ang nagagawa ng kayamanan sa mundong ating ginagalawan.

"Guys! Sa ngayon ay pupunta tayo sa isang liblib na lugar dito sa Siquijor" Bulaslas ni Gabriel sa kanyang mga kabarkada at inihanda na ang kanyang bagong bago na kotse na bigay pa ng kanyang ama.

"Ohh bagong paglalakbay nanaman tayo ngayon ahh" tinig ni Erza ang sumagot sa salitang binitawan ni Gabriel habang abalang abalang kinakalikot ang hawak na cellphone.

"Go! ako guys" habol ni Denver at agarang pumasok sa kotse ni Gabriel.

Kita sa mga mukha ng mga kabataan ang saya tungo sa kanilang pupuntahan. Pero makagulong pa lang sila sa buntot ng nasabing lalawigan ay masamang gawain agad ang kanilang ipinakita. Pagtatapon ng mga basurang kanilang ginamit sa kapaligiran ng Siquijor. 

Hindi alam ng mga kabataang ito na dahil sa ipinakita nilang kababuyan ay isang matanda agad ang tumingin sa kanila ng masama hudyat ito na hindi sa masayang paglalakbay ang kanilang dadanasin kungdi sa masalimuot o ituturing na nila itong totoong bangungot.

"Pre! mukhang galing na tayo dito kanina ahh" nangangatog-tuhod na sambit ni Rogue kay Gabriel dahil sa napansing mga puno na kanina pa niya natatanaw na pareho lamang ang mga hugis o panlabas na kaanyuan. 

"Huwag! ka ngang praning, malamang kagubatan ito kaya ganyan" sagot ni Gabriel kay Rogue at itinuon na lamang ang sarili sa pagmamaneho na kahit na tagaktak na ang pawis niya dahil sa kaba.

Dahil sa pagmamatigas ni Gabriel sa ginawang babala ng matanda ay hindi na nagdalawang isip siya na turuan ng leksiyon ang mga kabataang ito. Dahil sa kahabaan na ng kanilang biniyahe ay kusa ng bumigay o naubusan na sila ng gasolina at napadpad sa isang tagong gubat na kapag titignan sa kanilang kalagayan ay tiyak takot at pangamba sa puso mo ang iyong madarama. Hindi nila magamit ang kanilang mga gadgets sa kadahilanan na walang koneksyon na nasasagap sa naturang gubat.

Sisihan ang karaniwang ginagawa ng mga kabataan dahil sa mga nakakatakot na tanawin ang kanilang nakikita. Dito na nagsimula ang palabas na ginawa ng matanda. Para sa susunod na plano ng matanda ay dahan dahan siyang lumapit sa mga ito para bigyan pa ng huling pagkakataon na bumalik kung saan man sila nanggaling.

"Ijo! naliligaw ata kayo" bungad ng matanda sa kabataan.

"Hala! kayo yung matanda kanina doon sa may dulo" inikutan ni Rogue ang matanda dahil sa sobrang pagtataka.

"Oo natanaw ko rin siya, yung matandang hukluban na parang pulubi at tama ang lahat ng nasa isip ko na amoy lupa ang lahat ng mga matatanda, sakit sa ilong" dutdot ni Gabriel sa matandang babae at ang boses na ginamit niya ay tipong pasigaw at pinandidirihan ang matanda.

Hindi na umimik ang matanda pero nag-iwan siya ng isang balabal na senyales sa kanyang paghihiganti. Masakit at sobrang bigat ng naramdaman ng matanda dahil sa mga sinabing salita ng mga kabataan at tawanan na kanyang nalasap. Dahil dito naging buo na ang desisyon ng matanda sa mga kabataan.

Habang nasa gitna ng tawanan ang mga kabataang ito ay napansin ni Erza na may kubo na nakatayo sa may hilagang bahagi ng gubat. Dahil sa takot na madatnan sila ng dilim ay agad na kinausap ni Erza ang mga kaibigan na doon muna manirahan at maghintay ng bukang liwayway.

"Guys, nakahanap na ako ng tutuluyan natin pansamantala, Ayun oh!" tinuro ni Erza ang kubong bahay na kanyang natanaw at agad namang sumama ang mga kaibigan niya. 

May lumabas na itim na pusa sa diraanan nila pero dahil sa modernisado na ang buhay na kanilang nagisnan ay hindi nila alam ang kasabihan na kapag "nakasalubong ka ng isang pusang itim ay huwag ka ng tumuloy sa iyong patutunguhan dahil may kapahamakan sa inyo na naghihintay"

Kinuha ni Denver ang pusa at tumapat sa tatlong kaibigan at ipinaliwanag ang kanyang nalalaman na matagal na niyang pinaniniwalaan dahil sa payo pa ito ng kanyang pumanaw na lola.

"Guys, huwag na tayong tumuloy, alam niyo ba yu--" naputol ang sinabi ni Denver dahil sa hinampas ni Gabriel ang pusa na siya namang talsik nito palayo. Laking gulat ng mga magkakaibigan na bigla na lamang nabali ang paa ng pusa. Dahil sa pangyayaring ito mas tumindi pa ang galit ng matanda sa mga kabataan kaya sa pupuntahan nila ay may nakalambitin na kapahamakan.

Author's Note: 

Ano kaya ang nakalambitin na kapahamakan ang naghihintay sa mga kabataan, ito na kaya ang simula ng lahat ng kamalian nila?



Tanaw (Hanggang Saan natatanaw ang KABUTIHAN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon