Ikalawang Kabanata

63 15 1
                                    


IKALAWANG KABANATA...

Nagpatuloy sa paglalakad ang mga magkakaibigan, ngunit naiwan ang kanang sapatos ni Rogue kaya nahuli siya sa hilera ng magkakaibigan. Agarang binalikan ni Rogue ang kanyang sapatos, habang nasa panahon ng pagsisintas, naramdaman niya na may malamig na kamay na humawak sa kanyang balikat, dahil sa kabang naramdaman ay agarang tiningnan ni Rogue ang humawak sa kanyang balikat. Ngunit, lubos na nagtaka si Rogue dahil walang taong naroon, at pagtingin niya sa harapan nakita niya na dumaan ang pusang itinapon ni Gabriel. Magkahalong kaba at pagtataka ang kumakalabit sa utak ni Rogue. Ang pusang napilayan kanina ay nakita niyang nakapaglakad nang maayos. 

Ang diwata na halaman na nagngangalang Flora ang humawak sa balikat ni Rogue. Dahil nalaman niya na may kaunting kabaitan ang nananalaytay sa dugo nito kaya sa senyales na ginawa ni diwata Flora ay matatauhan si Rogue. Subalit, iba ang nangyari sa inaasahan ng diwata.

Nang makatayo na si Rogue, ay pumitas siya ng iba't ibang bulaklak sa daanan, kanya itong pinaglaruan at isa-isang tinanggal ang mga bahagi ng bulaklak para lang maibsan ang kabang nararamdaman dahil rito, lubusang nadismaya si diwata Flora.Nang maabutan na  ni Rogue ang mga kasama, hindi niya na pinaalam sa mga kaibigan ang  nangyari upang mas mabawasan na rin ang takot na kanyang nararamdaman.

"Guys! may naiwan akong gamit sa kotse!" ani Erza. At dali-dali siyang tumakbo pabalik sa kinatitirikan ng kanilang kotse. Nang makarating na si Erza ay agad niyang kinuha ang naiwang gamit. Mula sa pagkakatingin sa side mirror ng kotse, ay nakita niya ang replika ng isang gwapong mangangahoy, dahil sa kalandiang taglay ni Erza, ay agad niyang sinundan ang kinaroroonan ng lalaki. Sa likuang dinaanan ng lalaki, ay naabutan ni Erza ang patong-patong na kahoy at isang berdeng-berdeng tipaklong ang nasa ibabaw nito. Dahil sa sobrang inis ni Erza ay hinampas niya ng bag ang nakitang tipaklong.

Bumalik si Erza sa kanyang mga kaibigan dala ang inis dahil sa hindi niya naharap ang nakitang gwapong lalaki. Mga ilang minuto pa ang nakalipas ay natunton na ng magkakaibigan ang lumang kubo na kanilang paglilipasan ng gabi. Nanguna si Gabriel, sa pagkatok ng pintuan dahil sa walang sumasagot o bumubukas ng pinto, ay pinutol ni Gabriel ang maliit na tangkay ng isang halaman at siya namang ginawang susi upang sila'y makapasok. 

" Pre! talino mo talaga!" tinapik-tapik ni Denver ang likod ni Gabriel sapagkat napansin niya na kanina pa kumukulo ang dugo nito.

Nang makapasok na ang magkakaibigan ay labis silang nagtaka dahil sa mga kagamitang nakita nila. Mga kagamitan na yari lamang sa biyaya ng kagubatan. Dahil sa kapilyuhang taglay ni Gabriel at ng mga kasama niya, ay kanya-kanya silang naglaro ng mga gamit na ito. Dahil sa kaguluhang nagawa nila ay maraming kagamitan ang nasira, para hindi lubos na masisi ay tumambay na laman sila sa labas ng bahay. Dito sa labas ay hinintay nila ang paglubog ng araw. Habang nasa panahon ng pagkekwentuhan ng magkakaibigan ay may umagaw ng kanilang atensyon. Natanaw nila ang isang babae at lalaki na tiyak patungo sa kinaroroonan nila.Dahil dito, nagtago sila sa likod-bahay.

" Wag na kayong magtago dahil ramdam ko pa ang kaluskos ng inyong mga paa." bungad na pananalita ng babae.

Nagsilabasan ang mga magkakaibigan. Nang makita ni Erza ang katabi ng babae ay agad naman niyang nilapitan ito. Inilabas niya ang kaniyang cellphone at kumuha ng litrato kasama ito. At agad niyang tinago dahil nagsalubong ang kilay ng babaeng kasama nito. Pinatuloy ng mag-asawa ang magkakaibigan. Pagkabukas ng pinto ng lalake ay bumungad sa kanila ang magulong mga kagamitan. Dahil sa sobrang galit ay inabot ng babae ang walis at pandakot sa mga kabataan, senyales na dapat lamang nilang linisin ang kanilang mga kalat. Sa simpleng paraan na ito ay matuturuan ang mga kabataan ng tamang gawi. Mga ilang minuto ang nakalipas ay hindi parin natatapos ang utos na sa kanila ay ibinigay kaya tinulungan na sila ng mag-asawa.

Lumipas ang gabi at pumasok sa kuwarto ang mag-asawa at pinabayaan ang mga bisita sa sala.

"Lumabas si Erza ng bahay para tingnan ang larawan kasama ang lalaki ngunit pagbukas niya ng pinto ay napasigaw siya dahil sa kanyang nakita, ang tipaklong na hinampas niya kanina ang siyang bumungad sa pintuan. Napatakip siya ng kanyang mata dahil sa liwanag na nagmula sa tipaklong, maya-maya pa, ang berdeng tipaklong ay naging isang makisig at gwapong lalaki na nakita niya kanina. Biglang hinila ng lalaki si Erza, at dinala siya sa lugar kung saan niya ito huling nakita.

"Dahil sa iyong ginawang pagpatay sa aking alagang tipaklong, ay paparusahan kita na gawing isang maliit na tao na siyang aalaga sa mga ito. At iyan ay mawawala lamang kapag nagawa mong pagsisihan ang lahat ng iyong kamalian." pagkasabi na pagkasabi ng engkantado ay may malamig na hangin ang dumaan na naging hudyat nang pagkaliit ni Erza. Hindi na muling nakapagsalita si Erza dahil sa maliit na boses nito.

Sumunod nito, ay dinala ng nakahilerang tipaklong si Erza sa kanilang kaharian. Dito nagsimula ang pagsubok ni Erza.


AUTHOR'S NOTE:

Ano pa kaya ang mga nakalambiting parusang naghihintay sa tatlong natitirang kabataan?Si Erza pa kaya ay makabalik sa kanyang tunay na kaanyuan, o habang buhay na lamang siyang magiging maliit na tao? Abangan ang susunod na kabanata...


Tanaw (Hanggang Saan natatanaw ang KABUTIHAN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon