Ikatlong Kabanata

44 4 0
                                    


IKATLONG KABANATA...

Dahil sa labis na pagtataka, sinundan na ni Rogue si Erza, subalit lingid sa kanyang kaalaman, ay may nag-aabang na kaparusahan sa kanyang maling ginawa. Habang siya'y naglalakad, labis niyang ikinagulat ang mga sira-sirang bulaklak  na nakakalat sa daanan. Sinundan niya ito, sa pag-aakalang makikita niya si Erza sa direksiyong patutunguhan ng bulaklak. Ngunit, sa kaduluhan ng direksyon ng bulaklak ay nakita niya ang diwatang si Flora.

"Sino ka? Bakit ganyan ang iyong anyo?" tanong ni Rogue sa diwata. Nagulat na lamang si Rogue nang bigla siyang pinalutang ng diwata, at tsaka sinambit ang parusa para sa kanya. 

"Dahil sa iyong kalapastangan sa aking mga halaman at bulaklak, ay paparusahan kita sa ngalan ng Inang Kalikasan, na maging isang bubuyog na magsisilbing tagapangalaga dito. Nang sa gayon ay matuto ka ng leksyon mula sa maling gawi na iyong ginawa sa kalikasan." may galit na sinambit ng diwatang si Flora.

Matapos tumama ang mahika na ginamit ng diwata kay Rogue, ay naging bubuyog na si Rogue.

Pagkatapos nito, ay nagtipon-tipon ang mag-asawa at ang matanda. upang labis na parusahan ang taong lubusang nanira sa kalikasan na walang iba kundi si Gabriel. Sa kabilang banda naman, dahil sa sobrang pangamba nila Gabriel at Denver, kumaripas sila nang takbo upang hanapin ang dalawa pa nilang kasama. Habang nasa panahon sila ng paghahanap, ay biglang humarang sa kanila ang matanda at ang mag-asawa na naging sanhi ng labis na pagkatakot nila.

"Dahil sa pambabastos mo sa akin, ay kukunin ko ang iyong boses nang sa gayon, di ka na muling makakapagsabi ng masasamang salita sa iyong kapwa!" may diin na pagkakasabi ng matanda. Pagkatapos nito nagulat na lamang sina Denver at Gabriel dahil bigla na lamang nawalan ng boses si Gabriel.

Sumunod naman dito ang naging parusa ng mag-asawang engkanto. "Dahil sa ginawa mong pagsira sa iyong kapaligiran, ikaw ay magiging isang puno, upang maranasan mo ang buhay at ang nararamadaman nila sa bawat maling gawi na inyong ginagawa sa mga puno." galit na galit na sinambit ng mag-asawang engkanto kay Gabriel. At naging isang puno na nga si Gabriel.

Kinuwento ng matanda at ng mag-asawa kay Denver ang mga maling gawain na ginawa ng mga kasama nito sa kalikasan. Dahil dito, lumuhod si Denver at himingi ng tawad para sa mga kaibigan niya. Halos lumuha na si Denver sa pagmamakaawa para lang bumalik sa dati ang mga kaibigan niya dahil sa ramdam ng matanda at magasawa ang pagdadalamhati ni Denver ay pinagbigyan niya ito.

Bumalik sa pagiging tao sina Rogue at Erza ngunit nananatiling puno si Gabriel dahil sa kondisyon ng matanda na magiging ganyan pa siya hangga't hindi nila nagagawa ang napagkasunduan na alagaan ang kapaligiran ng Siquijor.

Ang mga magkakaibigan ay gumawa ng mga organisasyon tungkol sa pagpapanatili ng kalikasan sa ganda at linis nito. Sila rin ang nagdidilig sa puno nakung saan si Gabriel ang laman nito. Iniingatan na nila ang bawat kasapi ng kalikasan. Sa mga nakikitang kabutihan at pagbabago ng mga magkakaibigan ay napagkasunduan na gawin na ring tao si Gabriel at nagkatotoo ito. 

Si Gabriel ang namuno sa mga organisasyon na sinagawa ng magkaibigan at ipinagpatuloy nila ito hanggang sa kasalukuyan. At grabeh ang kinatuwa ng matanda at magasawa. At palagi na silang nandito at nagkamabutihan na rin ang kalooban nila sa matanda at magasawa.

*Kung ano ang ginawa mo sa isang tao o sa anumang bagay sa mundona hindi maganda ay tiyak na may kapalit yan na karma o kapahamakan kaya dapat natin ingatan kung ano pang meron tayo. Sa ating kalikasan ay manatilihin pa rin natin itong mayabong ng sa gayon ay may gagamitin pa ang susunod na henerasyon.*


Salamat sa Pagbabasa :)


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 27, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tanaw (Hanggang Saan natatanaw ang KABUTIHAN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon