HIS POV.__________
Naabutan ko si Gi na nakaupo sa sahig ng cr, maraming dugo ang umaagos sa sahig.
"Anong nangyari sayo?!" kabado kung tanong.
Nakayuko ito sa lababo. "Ken.." matamlay niyang sambit.
Gulong gulo akong umupo para mapantayan siya. "Ano tong pulang likido sa sahig? may sugat kaba?" kinuha ko ang phone ko para mag tawag ng ambulansiya.
Agad niya naman kinuha ang cellphone ko. "Hair dye lang yan." tumayo siya saka binanlawan ang buhok.
Ilang minuto bago ako tumayo para matawa. "You really know how to make me worried." hinilamos ko ang mukha ko gamit ang palad kung nanginginig sa takot.
Hinintay ko siyang matapos mag banlaw ng buhok niyang kulay pula na dahil sa ginawa niya sa loob ng banyo.
Lumabas ito, maraming mantsa ng pangkulay ang damit niya at nagmumukha 'yong sugat. Kahit sino naman ata mahihimatay sa kaba pag ganito naabutan mo sa banyo.
"Ano gusto mong kainin?" tanung ko kaagad.
Tiningnan niya ako as usual wala parin expression ang mapupungay niyang mga mata. "Kahit ano." tipid niyang sagot.
Napailing ako "Kahit ano tapos yung pinili ko dimo kakainin."
Tumawa siya ng mahina bago binato sa'kin ang beer in can. "Hindi kapa kumakain ng hapunan iinom kana niyan?" nakataas kilay kung sermon.
"So?"
Pinatong ko sa coffee table ang beer, nag scroll ako sa phone para makapag order na ng hapunan. Hindi ko alam oorderin ko kaya nag order nalang ako ng kahit anong makita ng mata kong gusto niya kainin.
Umupo siya sa tabi ko, inabot niya sa'kin ang hair dryer. "Pwede mo patuyuin buhok? kanina pa kasi ngangalaw kamay ko.." utos niya sa'kin.
Pinatuyo ko ang buhok niya gaya ng inutos niya sa'kin, sinuklayan ko narin. Ang hanggang balikat niyang buhok naging hanggang leeg nalang. "You cut your hair?" tanung ko habang tinitingnan ang hindi pantay niyang buhok.
Tumango siya bago tumayo at kunin ang hawak hawak kung suklay. "Ang init na kasi."
"Pakalbo ka nalang kaya." biro ko
"Ikaw nalang mag pakalbo bagay naman ata sayo yun." masungit niyang sabi.
"Pulang manok." bulong na halatang narinig niya.
Binato niya sa'kin ang tsinelas na suot niya, umilag naman kaagad ako yun lang tumama sa vase at nabasag. "Ayan umilag ka kasi." galit niyang saad.
Akmang kukunin niya ang nabasag na vase sa sahig agad ko namang tinabig ang kamay niya. "Ako na, masugatan kapa." suway ko sakanya saka kinuha ang walis.
"Sa sofa ka matutulog."
Napakamot ako sa batok, bakit kasi umilag pa'ko. "Sorry na.."
Hindi niya ako pinansin hanggang sa matapon ko sa labas ang bubog, may napansin akong kakaiba sa labas na parang may nagmamasid. Pumasok ako at siniguradong naka lock ang main door.
Nag hintay kami ng ilang minuto bago dumating ang grab driver. Binuksan ko ang pinto, taka akong napatingin sa labas dahil walang tao.
Tanging box lang ng mga pagkain ang nasa sahig, kinuha ko iyon at sinirado ang pinto, nilock ko iyon bago pinatong ang mga pagkain sa lamesa. Mabilis na umupo si Gi sa upuan at pinagbubuksan ang box.
Gulat ako sa sunod niyang ginawa tinabig niya iyon at sumuka. "Bakit?" taka kung tanong.
"What the fuck did you order?!" hawak hawak niya ang kanyang leeg, patakbo siyang tumungo sa banyo.