Consequences

12 1 0
                                    


"You sure about this?" tanong niya sakin nang makitang naka empake lahat ng gamit ko. "You're seriously leaving me?" hindi makapaniwalang umiling ito.

"Sasama ako sandali." magsasalita pa sana ako kaso agad niya akong tinalikuran.

Pabagsak akong umupo ng sofa saka inayos ang buhok ko. Hindi nag tagal nasa harapan ko na siya bitbit ang travel bag niyang olive green na naka sabit sa balikat niya, nakasuot siya ng puting polo at hanggang tuhod na short.

Hindi ako makapaniwalang nakatingin sakanya habang chinecheck niya ang kanyang passport. "Sasama ka talaga?" hinilot ko ang sintido ko dahil sumasakit nanaman ang ulo ko.

Walang tigil itong tumango. "Sasama ako." may diin niyang saad.

Umiling lamang ako. "I don't care if you're tired of me, I am going with you and fix this problem with you instead of not explaining our thoughts." seryuso niyang aniya.

Bumuntong hininga na lamang ako saka inunahan siyang umalis. "By the way bebe-" he stopped when I glare at him. Tumikhim ito saka ngumiti ng pilit. He kept on murmuring until we got on the train.

"When will you stop mumbling?!" pasigaw kong saad.

"Ate nalang itatawag ko sayo kung ayaw mo ng bebe." pagsusungit niya.

Hindi ko siya pinansin and minded my own business. I put on my earpods and wait until we got on our destination. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa balikat niya.

Bumalikwas ako ng upo nang maramdamang gumalaw ito, nakasandal ang ulo niya sa sandalan ng upuan, pikit mata itong nakaupo sa tabi ko. May nakasalpak naring earpods sa tenga niya na halatang kinuha niya sa kabilang tenga ko.

"Huwag mo akong titigan masyado baka mabulag ka." nakangising saad niya bago nilapit ang mukha sa mukha ko.

"Oh."

Binaling ko sa iba ang tingin ko dahil hindi ko kayang titigan siya ng matagal, kumakalabog ang puso ko sa titig niya.

"Where exactly are we going again?" tanong niya habang binibuksan ang lollipop bago binigay saakin.

Hindi ko naman siya inutusan kanina na bumili nun kasi meron na ako. "Here." inabot niya sakin ang lollipop bago ngumiti ng napakaloko.

Tinanggap ko iyon at nag pasalamat. "Meron pa ako dito, bumili ako ng isang pack niyan alam ko kasing nahihilo ka kapag wala kang nginunguya." he sweetly smiled and patted my head.

Umiwas ako ng tingin para lamang hindi niya makita ang expression ko.
"Thank you."

"Hmm."

Wala kaming imik hanggang sa tumigil ang tren, nasa gilid ko siya habang inaalalayan ako dahil nagsusuksukan ang mga tao palabas.
Kinuha niya sa kamay ko ang hawak kung bag at siya na nag bitbit nun.

"Pwede ko bang malaman saan tayo pupunta?"

"Airport."

Tumikhim ito "Oh sasakay ng eroplano."

Sumakay ako ng taxi, hawak hawak niya ang bag kong maliit, kinuha niya ang bitbit kong maleta at siya na ang naglagay nun sa likod ng kotse. "I have a car sana yun nalang ang ginamit natin." aniya.

"Clark Pampanga po." saad ko sa driver.

Wala akong kibo hanggang sa umusog siya sa tabi ko. "Nakakapagod ba ugali ko?" pabulong na tanong niya, halata ko sa boses niya ang pagka lungkot.

"Hindi."

Tumango ito at lumayo ng kaunti saakin, hindi na ulit ito kumibo pa hanggang sa maabutan kami ng traffic.

Naboboring na ako at halos puro ilaw na lamang ng mga sasakyan ang nakikita ko mula sa bintana ng kotseng sinasakyan namin.

Sinandal ko ang ulo ko sa bintana habang nilalaruan ang phone ko. Hindi naman tumagal at agad naman kaming nakaahon sa traffic.

Pagkarating namin sa clark ay halos dumilim na. Hindi na ako nag abala pang ibaba ang bagahe ko dahil siya na ang gumawa nun. Pumasok ako sa isang pinto kung nasan si Tito George.  Nagmano ako bago kinuha sakanya ang papers na kailangan kong tingnan mamaya.

Nagpaalam ako, nakasunod lang sa likod ko si Ken na walang imik habang bitbit ang bag ko sa balikat niya. Pinakuha ko narin ang mga bagahe namin para ma pasok na agad sa private plane na imamaneho ko.

"Welcome!" bati saakin ng pinsan kong mukong. "Hinihintay ka ni cap Siago sa cockpit." paalala niya.

Suminyas ako kay Ken na hintayin niya nalang ako sa labas. "Capt!" bati ko pagbukas ko ng pinto.

"Sigurado ka bang light aircraft ang gagamitin mo?" tanong niya.

"Opo."

Tumango ito bago ako pinaalis. "Fly safe..."

Tinali ko ang buhok ko bago ko kinuha ang bag sa balikat ni Ken. "Lets go." aya ko sakanya.

Tanaw na tanaw ko ang puting eroplano na may desinyong pula sa gilid, may numero rin doon na nakaukit.

Sinalubong ako ng isang lalake, pinaalalahanan niya akong mag ingat sa himpapawid lalo na't gabi. "Mag lilibot lang po kami Sir!" paalala ko.

Tumango naman ito saka ako iniwan. Binuksan ko ang pinto saka pumasok sa loob, I tilted my head when Ken didn't make a move.

"Get in." utos ko na agad naman niyang sinunod. "Fasten your seatbelt." paalala ko.

"Ikaw magpapalipad neto?" hindi makapaniwalang tanong niya.

Tumango lang ako. Chineck ko ang mga controls bago ko pinaandar, sinuot ko ang headset at pinaaalala na we are taking off.

__

Ken's pov

Pinagmamasdan ko siya habang ginagalaw ang yoke. Kumapit ako ng mahigpit sa upuan dahil ramdam kong umangat na ang eroplano.

Nasa himpapawid kami, halos puro city lights ang nakikita ko at nag tataasang mga building.

Hindi ko maalis ang mata ko sa nagpapalipad ng maliit na eroplano, ang ganda niyang tingnan. Nakatali ang buhok niyang kulay abo na akong nagkulay.

Hindi maalis sa isip ko kung bakit siya napagod, why is she taking me on a date? She was smiling while saying something on her headset mga numero iyon na hindi ko maintindihan.

Tiningnan niya ako at ngumiti. "May ipapakita ako sayo." naramdaman kung lumiko ang eroplano at unti unting bumababa.

Umikot ang eroplano sa isang field na kung saan may nakaukit na diploma with her name on it and mine also. May maliit na fountain ang lumabas sa gitna. Mga kulay pulang ilaw ang nagpapatay sindi.

"B-bebe??" kabadong tawag ko sakanya ng makitang may fireworks sa likod namin. "Matatamaan.."

"No its not." kalmadong tugon neto, nilingon niya ako. "I love you so much, will you be my valentine?"

Huminga ako ng malalim bago inalis ang kamay ko sa kakakapit sa upuan. Kinalma ko ang kalamnan ko. I should trust my woman.

Tumango ako sa alok niya "Yes, I will be your Valentine." I said smiling

"Paano bayan kailan mo 'ko balak pakasalan? May license na ako and I officially graduated." biro niya na kinatawa ko.

"I'm already planning that after my graduation.." walang bahid na kasinungalingang tugon ko.

                 

In most diffulties
I have her, she's my hero,
my love of my life, my woman.
Through thick and thin I'm
going to love this woman until
my body can't take anymore steps in life.

It's suffocating without her in my life.

TEMPTEDWhere stories live. Discover now