ANGEL'S P.O.V.
----------------------------------------------------------------
'I wake up every day like, "Hello, beautiful"
'Cause this world is so crazy and it can bring you down
You're too short, too fat, too skinny
Hey, well, excuse me if I think that I'm pretty.'Anggggg ingayyy. Napadilat kaagad ako dahil sa tugtug na nagmula sa kung saan man. Pinilit kong makatulog ulit ngunit hindi ko magawa kaya napagdesisyonan ko nalng bumangon at pumanta sa living room. Agad na bumungad sa'kin ang tatlong tanga na nagzuzumba.
"Ghad ang aga-aga ang ingay ng music nyo. Okay lang sana kung Maniac yan ng straykids babies ko" I said habang ini imagine silang walo. Of couse that made my day instantly. After being delulu of awhile, napabaling ang tingin ko kay Dimlen na tila ba walang naririnig na tugtug sa may couch. Sabagay nanonood sya ng kdrama at naka earpods habang nakayuko. 'Pero hindi talaga sya naiingayan?' Oh well, at least hindi lahat ng kaibigan ko mukhang tanga ngayon, yung isa mukhang aswang.
"Mga bruha, mauuna na akong maligo para di na tayo mag agawan sa cr mamaya" paalam ko sa kanila at bumalik sa kwarto para ihanda ang mga susuotin ko. 'What should i wear?' First day of school pa naman namin ngayon as college students.
Hinalungkat ko ang aking drawer at nakita ang white oversized sweater ko. Ito na lang ang napagdesisyonan kong suotin. Ipinaris ko ito sa black jeans na nakita ko sa aking cabinet.
Matapos ko maligo ay nagtungo kaagad ulit ako sa living room. Only to find out na patuloy parin sa pagsasayaw yung tatlo.
"Sinong susunod na maliligo?" tanong ko sa kanilang tatlo. And with that, nagpaunahan magtungo sa cr yung tatlo. Ililigpit ko na sana yung mga kalat nila nang makaamoy ako ng sunog na kanin. 'Bat may sunog na kanin e wala namang nagluluto?' Tanong ko sa aking sarili habang dali daling nagtungo sa kusina.
Pag dating ko sa kusina ay agad na bumungad sa akin ang natatarantang mukha ni Dimlen. Agad ko siyang nilapitan at pinatay yung stove. Oh my god. Wala pa kaming isang linggo sa apartment ay muntik na namin itong masunog.
"Hoy, bakit ikaw yung nagluluto?" tanong ko sa kanya, dahil ang kaibigan naming ito ay walang talent sa pagluluto. Kaya takang taka ako kung bakit siya ang nandito sa kusina.
"Sabi kasi ni Lein magsaing ako" naguguiltyng saad niya. Siguro masyado silang occupied sa kanilang sayaw at hindi naisip na si Dimlen ang nautosan nila sa kusina. Jusko buti nalang talaga at naamoy ko. Kung hindi lagot kami sa landlady.
Sinabihan ko na si Dimlen na maghanda para sa klase at ako na ang bahala rito. Agad akong nagprito ng hotdog at ginawang fried rice yung sunog na kanin. Prito lang yung luto ko dahil hindi naman ako ganong maalam sa pagluluto, buti nga at hindi ko pinakuluan yung hotdog e. Ngunit pinakuluan ko yung itlog. Hindi buo kung hindi sunny side up na pinakuluan. Call me weird pero masarap naman siya, at healthy pa.
After awhile bumaba na ang apat at nagsiupuan sa kanya kanya nilang mga silya. Matapos naming magdasal ay nagsimula na kaming kumain. Bago pa man kami makasubo ay agad na may sinabi si Cale.
"Bakit namn pinakuluan yung sunny side up oy" saad nya na tila naiiyak.
"Kumain ka nalang dyan" sabi ko habang pinandidilatahan siya ng mata.
"Hala bakit parang mapait itong kanin"Tanong ni Ac nang maisubo nya yung kanin.
"Si Dimlen kasi ang pinasaing ni Lein, ayon mutik nang masunog yung kusina" paliwanag ko pa.
"OMG, I asked her to cook? " nagulat na tanong ni Lein.
"Gosh sorry, I was preoccupied kanina sa dance e" Dagdag ni Lein nang marealize nya na nautusan nya nga si Dimlen.
"Sa susunod huwag na kayong magsipasok sa kusina para magluto. Ako na tagaluto" saad pa ni Cale habang nakabaling sa aming dalawa ni Dimlen.
"Puro ka kasi sayaw kanina, ayan tuloy walang nakapagluto" sumbat ko pa.
"Haler, healthy living na kami noh" sabat pa ni Ac.
"Healthy living daw pero naka softdrinks sa umagahan" banat pa ni Dimlen sabay baling sa coke na iniinom ni Ac. Humalakhak ng tawa si Cale at kaming lahat naman ay nadamay sa tawa nito.
Nang matapos kaming kumain ay sabay-sabay na kaming nagpunta sa may sakayan ng tricycle. Magtatricycle kami dahil may kalayuan itong apartment sa campus namin. Since lima kami, dalawang tricyle yung kailangan namin.
Minuto ang lumipas ay may traysikel na napumarada sa aming harapan. Nauna na kaming tatlo nila Cale at Ac na sumakay dahil mas maaga ang pasok naming tatlo. Silang dalawa ni Cale ang pumwesto sa loob habang ako naman ay nakaupo sa likod ng driver.
Tulala lamang ako sa byahe at di ko namalayan na nakatigtig na pala ako sa side mirror na nakatuktok sa mukha ng driver. Hihingi na sana ako ng patawad nang maunahan niya akong magsalita.
"Alam kong pogi ako miss, pero wag mo naman akong titigan ng ganyan. Baka matunaw ako at di mo na matitigan ulit" natatawa pang sabi nito.
"Di kita tinititigan noh, di mo namn kamukha si Bang Chan e." sabi ko sabay irap. Totoo naman kasi, mas pogi pa si Bang Chan ko dyan, isa sa mga members ng iniidolo kong kpop, ang 'Staykids'. Pero infairness may maibubuga yung mukha niya. Moreno, matangos yung ilong, makapal na kilay, mapupulang labi at matang mapang asar kung tumingin. Ahhh I wanna be kind to everyone pero bakit nakakainis siya tumingin, nakakaasar. Hindi sa panlalait ah, God knows how much I wanna stay kind pero sinusubok talaga ni Lord yung kapasidad ko bilang tao. Pero kasi yung buhok niya ang badoy, para siyang sinaunang tao. Lord forgive me.
'Ako lang ba o talagang mahaba byahe namin ngayon?' O baka naiilang lang ako sa mga pasulyap na tingin sa side mirror ng traysikel driver na to.
At sa wakas nakarating na rin kami sa harap ng gate ng campus namin. Bumaba na agad ako at pumunta sa kabilang side ng traysikel, malayo sa kanya. Nang magbabayad na si Cale may sinabi yung driver na nakapagpatayo ng balahibo ko.
"Wag na miss, libre nalang tutal maganda naman yang kaibigan niyo. At nakaupo pa talaga sa likuran ko." sabi niya habang nakatitig sakin sabay kindat. Ghad yuckkkk! Ang cringe! Bago paman kami makapagreact ng mga kaibigan ko, may dinagdag siyang sabihin.
"joke lang, libre na muna ngayon tutal estudyante naman kayo at di naman yon gano kalayo. Para na rin sumakay kayo ulit sakin at makita ko ulit yang kaibigan nyo." dagdag niya pa sabay paharurot ng traysikel nya palayo.
At naiwan kaming tatlo sa harap ng gate na nakanganga, lalo na ako.
----------------------------------------------------------------------------------
YOU ARE READING
OUR WRITTEN MEMORIES
Romance"Oh, dear diary, I met a boy He made my doll heart light up with joy Oh, dear diary, we fell apart Welcome to the life of Electra Heart" - i love this song. Not that i can relate to it but there is something about this song that caught my interest...