ANGEL'S P.O.V.
----------------------------------------------------------------
Nagising ako dahil na naman sa ingay sa baba. Tumayo ako at napansin ko ang aking journal sa aking tabi. 'Oo nga pala nagsulat ako rito kagabi.' At highlights pa roon yung nanyare sa harap ng gate. Ghad traumatizing.
Palagi akong nagsusulat sa journal ko kada araw. Yung iba puro drawing nalang nalalagay ko dahil sa walang masyadong maisulat. Nakagawian ko na itong gawin since 6 years old ako. Sa sobrang tagal na nga diko na alam kung saan ko nalagay yung ibang notebook journal ko.
Sinubukan kong basahin yung sinulat ko kagabi.
'Dear Diary,
I met a boy na jejemon. Guess what? tricycle driver siya beh. I cant. Ang feeler pa niya. Ang korni pa ng banat. And the worst part? Buong araw akong inaasar ng mga kaibigan ko tungkol sa kanya. Bruh, ang cring--' Agad kong sinarado yung notebook ko dahil na kicringe na naman ako nang maalala ko.Bago ako bumaba sa sala ay nagligo na ako at nagbihis. Pagdating ko sa baba ay agad kong naamoy ang luto ni Cale. Infairness, mabango siya. Nagtungo na agad ako sa kusina. Nadatnan ko silang apat na nagkukulitan don. Si Dimlen na inuutosan ni Cale maghugas. Si Ac at Lein na nagkukuwentohan na tila ba kinikilig.
Nang makalapit ako ay agad ko ng naunawaan kung bakit sila kinikilig. Ano pa nga ba, edi about na naman sa tricycle driver na yun.
"Well well well, finally gising na ang disney princess." sabi ni Cale ng mapansin nya ako.
"Mukhang may namiss kami kahapon ah" saad ni Dimlen nang matapos siyang maghugas.
"Omg ha, mr. hottie tricycle driver?" tila ba kinikilig na tanong ni Lein.
"Yuck, anong hottie? Ang badoy nga ng buhok non. May pa bandana pa sa ulo, ano siya? Sinaunang tao? Inspired by mang kipweng lang ganern?" pairap na sabi ko. I really tried to be kind, pero kasi that guy is really getting into my nerves.
"Alam nyo bang 25 years old na yon?" saad pa ni Ac.
"Ha? At saan mo naman napulot yang info na yan?" Tanong ko. Kakakilala nga lang namin nung lalaki na yon kahapom, at alam na agad ni Ac ang edad niya? And bruh bakit ang korni non, e ang tanda na pala niya.
"Baka nakakalimutang mong mala-detective yang kaibigan natin." sabat pa ni Cale. Oo nga pala, lahat ng info ng taong gusto niyang malaman ay talagang nalalaman niya. Minsan inisiisip ko na ang creepy ng kaibigan ko.
"What else?" interesadong tanong ni Lein kay Ac.
"His name is Ignacio Joaquin Jabilles Jr. Pinanganak noong September 15, 1998. May zodiac sign na Virgo, ang relationship status ay single at ang natitirang magulang na lamang niya ay ang kanyang tatay na si Ignacio Joaquin Jabilles Sr." Mahabang paliwanag ni Ac na tila ba siya ay isang reporter.
Agad nagsilakihan ang mata ko nung marealize ko kung bakit parang pamilyar sa'kin ang birthday nito, magkasing kaarawan pala sila ng baby kong si Felix, isa sa mga membro ng iniidolo kong 'Straykids'. Bago paman ako makapagsalita ay naunahan na ako ni Lein.
"His name doesn't suit his face ha. He's so pogi for that name" komento nya pa.
"Bagay nga sa kanya, badoy at mala sinaunang tao. At isa pa bakit kabirthday nyan si Felix hubby ko?" naiinis na pahayag ko.
"Hala Angel, baka kayo talaga para sa isa't isa. Baka siya na ang Felix ng buhay mo" Natatawang pang asar pa ni Cale.
"Oo nga no, bagay kayo teh. Ayaw mo non passenger princess ka" Sabat pang pang-aasar ni Dimlen.
"True. pero sa tricycle nga lang." hirit pa ni Ac.
"You two are so bagay talaga" dagdag pa ni Lein.
"Hell no! tatanda nalang ako dalaga no" pairap ko pang sabi. Nagtawanan silang lahat pwera sakin.
"Magsiligo na nga kayo, ang babantot nyo. Ako na ang maghahain nitong mga niluto mo Cale." sabi ko nalang upang matapos na ang pang aasar at panghohotset nila sakin.
At sa wakas nagsialisan na ang mga kurimaw. Sinimulan ko ng linisin ang kusina at sala bago ihain ang mga pagkain dahil siguradong matatagalan ang mga yon.
Saktong natapos ako sa paghahain nang magsidatingan sila. Agad nang nagsipwesto ang mga ito at nagsimulang magdasal.
"Btw kumusta first day of being a college student?" Tanong ko dahil di namin to napag usapan kagabi dahil hindi kami sabay sabay na umuwi. At sa labas na rin kami nagsikain.
"Te ang hirap ng subjects ko. I mean tunog palang mahirap na" parang nawawalan ng pag asang saad ni Cale. Not gonna blame her, pati course niya tunog mahirap na e. Aerospace Engineering ba naman ang kinuha.
"Same here. I'm starting to think I made a very maling choice." parang pinagsakluban ng langit at lupa na dagdag ni Lein. Isa rin to, Dental medicine ang kinuha.
"Medyo keri pa sakin, ginusto ko to kaya no choice paninindigan ko talaga to." sambit pa ni Ac. Sabagay Nursing kinuha niya, gustong gusto nya yung biology e.
"Aba malay ko, nanood lang ako ng kdrama sa room. Wala pa namang instructor na pumasok." chill na sabi ni Dimlen. Bilib din ako sa kaibigan kong to, masyadong chill kala mo di engineering kinuhang course.
"Kawawa naman pala kayo. Buti nalang talaga nag education ako. Chill-chill lang ganon." Nagyayabang na saad ko. Secondary education major in English kinuha ko. Kinuha ko lang naman to kasi feeling ko chill lang, tas pagnatapos ko to maaari akong magturo internationally. At pwede rin akong magprincipal pagtinamad na akong magturo.
Matapos naming magkwentohan ay nagsitungo na kami sa sakayan ng traysikel. At syempre nandon na naman yung baduy na driver na yon. Na tila ba may hinihintay. Nang makalapit kami sa pwesto niya ay agad na lumawak ang ngiti nito.
Ayaw ko sanang sumakay dito at maghintay nalang ng iba pang traysikel ngunit maaga ang klase ko at ubos na oras namin dahil napasarap ang kwentohan. Sumakay nalang ako ngunit hindi ako sumakay sa likod niya tulad kahapon. Nauna ako pumwesto sa loob ng tricycle upang di makaupo sa may likod niya. Si Cale nalang ang umupo ron.
Buong byahe ay tahimik lang siya ngunit kada minuto siyang lumilingon sa gawi ko. Nang makarating na kami sa harap ng gate ng school namin ay agad na kaming bumaba.
Aalis na sana ako nang sabihan ako ni Cale na ako na raw magbayad. Aayaw na sana ako kaso may utang nga pala ako sa kanya at wala siyang barya.
Di na ako nagsalita pa at inabotan nalang yung driver ng saktong perang pambayad. Wala rin siyang sinabi kaya tumalikod na ako at hahakbang na sana. Bago pa man ako makahakbang ay nagsalita ito.
"Walang libre ngayon, di ka naman umupo sa likod ko"parang nanghihinayang na saad niya. Napalingon kaagad ako sa sinabi nya.
"Luh asa ka" mahina kong bulong sabay irap.
"Joke lang, Btw Ignacio Juaquin nga pala at your service. Inshort IG nalang. Pasensya na at di ako nakapagpakilala sayo kahapon, nalimutan ko ang aking pangalan dahil sa ganda mo. Ikaw miss ganda, anong pangalan mo?" Korning pagpapakilala niya. With matching suklay sa buhok gamit ang mga daliri nya. Akala ko korni na yong kahapon, may mas ikokorni pa pala.
"Angel" simpleng sagot ko. Ayoko naman maging bastos kasi Im trying to be kinder this year. SInusubok niya talaga yung kindness ko.
"Kay gandang pangalan, bagay na bagay sa maganda mong mukha." korning banat niya pa. yuck ang korni niya talaga.
"ok thanks" sabi ko nalang at tinalikuran siya kaagad bago pa ako mainis sa mga sasabihin niya. Di naman siguro ako rude sa part na yon. Nagthank you naman ako ah.
--------------------------------------------------------------------------
YOU ARE READING
OUR WRITTEN MEMORIES
Romance"Oh, dear diary, I met a boy He made my doll heart light up with joy Oh, dear diary, we fell apart Welcome to the life of Electra Heart" - i love this song. Not that i can relate to it but there is something about this song that caught my interest...