Question and Answer With Enrique

187 1 0
                                    

Bago umalis si Kathryn, nagphotobooth muna sila ni Enrique. By the way, nasa party din nga pala sina Sofia Andres (Dindi sa PAI) at Javy Gil (older brother ni Enrique). Gusto ko magpapicture kay Javy kaso bigla bumulong sa kanya yung kasama nya na kailangan na nilang umalis kaya ayun. Hindi na ako nakapagpapicture. SAYANG!

Tapos bigla ko nakita si Mommy Min, yung mommy ni Kath. Wow ah! Ang ganda nya! Kinuhanan ko sya ng picture, pasimple habang may kausap sya pero dahil gumagalaw kaya half face lang nakuha ko. Ok na yun! haha!

Lumabas ako at pinagmasdan yung venue. GANDA AH! Napakaspecial talaga nina Kathryn at Enrique sa mga KathQuenatics. Alam kong sobrang pinaghandaan nila yun. Maliit at simple pero elegante ung venue. Pagpasok mo pa lang makikita mo na yung photobooth, ung foods and drinks. Ang daming foods pero dahil nga nahihiya ako hindi ko natikman lahat. Yung drinks na akala ko design lang kasi different colors. Gusto nga daw tikman ni Kath eh kaso pinigilan daw sya nina Mommy Min. Bago ka naman pumasok dun sa hall madadaanan mo ung mini falls at mini pond na may fish syempre. Tapos ang daanan mo papasok at maliit na bridge kasi sa ilalim nun ung mini pond. 

Pagpasok mo naman sa loob makikita mo yung mga tables,sa left side yung hagdan kung san sila bumaba (which is hindi ko naabutan dahil late ako :p) may red carpet papunta sa stage. Sa stage naman may hindi kahabaang sofa kung san naupo ang ating Prinsipe at Prinsesa. Sa tabi ng stage yung mga souvenirs at cake. Ganun kasimple pero napaka special!!

So ayun, umalis palabas na si Kath pero biglang sumigaw si Quen may pahabol ata sa kanila kasi humabol pa si Quen eh..haha! Ako deadma..CHOS! Nakita ko si Sofia, papapicture sana kaso bigla naman tumalikod si Rizza kakahiya naman kung abalahin ko diba? haha!

So ayun,pumasok na kaming lahat sa loob kasi start na ng Question and Answer Portion with Quen.

Fan's Question #1: Hindi ko maalala yung tanong kaya next question. Sorry pero i think it's about change eh ^_^

Fan's Question #2: Maganda ba ako? Haha! nakakatawa diba? Pero sinagot ni Quen yun! OO NAMAN! habang natatawa

Fans's Question #3: Ano yung pinakamemorable o pinakahindi mo makakalimutang scene mo sa PAI? (Syempre isa na yung sa Bhutan, secret lang nila yun eh, si Ms. Ana yung nakakaalam. Sayang nga eh hindi na nila ikinuwento) :( 

Quen: "Kasi marami eh sa tagal ng story, ahm, yung nakakapagod talaga pero kailangan mong gawin siguro yung eksena sa waterfall, kasi diba andun ako sa gitna eh ang lakas ng current eh hawak ko yung medalyon ng isang kamay lang, eh ako lang nakakagawa nun so"

Fans: "Wow! Enrique Gil! IKAW NA!!"

Quen: "Tapos bigla ko nakita si Khalil so sabi ko uy Khalil! Tska may underwater camera so super enjoy talaga!"

Fans: "Enrique Gil! Ikaw na!"

Quen: "No Tito Boy, hilaw pa!"

Tawanan ang lahat, hahahaha!

Fan's Question #3: (January Dela Cruz' Question) In your perception bakit may chemistry yung love team nyo ni Kathryn?

Host: "Next question!" hahaha

Quen: tumatawa pero sumagot pa rin"Actually hindi ko alam talaga, may ganun talaga na pag.." 

Host: "minsan may mga bagay talaga na hindi mo maexplain pero may dahilan"

Quen: "oo, kasi minsan sa ginagawa mo parang, ahm, eksena na pero sa ibang tao pag napapanood kinikilig"

Fans: "Kinikilig ka ba?"

Quen: "Minsan kailangan para believable diba?"

Fans: "Weh??"

Quen: "Pag hindi ako kinikilig hindi halata"

Fans: "Yieee! ENRIQUE GIL IKAW NA!"

Quen: "Hahaha, BAKLA KA!"

Next Question is from me: Anong mas prefer mo? Ikaw yung I o ikaw yung End Game?And happy ka ba sa ending?

Hindi ko matandaan yung answer nya kasi natetense ako, nakatingin sya sakin habang ako naka smile,pero nanginginig yung lips ko sa pagsmile. hahaha!

Basta ang natatandaan ko, masaya na daw sya sa kung anong binigay sa kanya. Gusto nya pa nga daw sya yung mamamatay eh. Pero ok na daw yun

After nun, may kumausap sakin, tama na daw yung pagtatanong tungkol sa PAI, awkward daw kasii. Subagay :(

A Night With KathQuen (True To Life Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon