Chapter 1

7.2K 151 11
                                    

NAKAKAPAGOD ang araw ko ngayon dahil pumasok akong taga walis sa gate ng paaralan kahit hindi naman sana nila kailangan kumuha. Mabuti nalang ay absent ang tagalinis nila dahil may sakit. Kapitbahay lang kasi naming kaya ako na ang nirekomenda niya. Mabuti narin ito para may pandagdag sa pang araw-araw.

Umupo na muna ako sa may gilid para makapag pahinga. Tinatanggalan ko din kasi ng ligaw na damo ang harap ng gate para malinis tignan.

 Inaayos ko ang trabaho ko para tawagin nila ulit ako, wala kasi akong permanente na trabaho kaya kung anong pinapasukan kong trabaho.

Napakahirap maging mahirap lalo na sa sitwasyon ko. Minsan talaga gusto ko ng sumuko sa pagod na nararamdaman ko. Yung araw-araw kong pro-problemahin ang pagkain sa pang araw-araw. Kung walang sideline nga-nga ako.

Hindi ako nakapag tapos ng pag-aaral. First year college lang ako ng mahinto ako sa pag-aaral. May piste kasing sumira sa buhay ko kaya nagbago ang takbo ng buhay ko.

Wala na akong mga magulang pero nakatira ako sa tiyahin ko simula palang ng bata pa ako. Siya na ang tumayong magulang ko at malaki ang pasasalamat ko sakanya dahil kinupkop niya ako at binihisan. Pinag-aral din niya ako kaya tuwang-tuwa talaga ako. Yung tita kong yun ay lagging bilib sa 'kin sa t’wing mataas ang grades ko. Ginagawa ko kasi ang lahat upang masuklian ko ang pagtulong niya
sa 'kin. Ngunit nag iba ang pakikitungo ng tiyahin ko ng masira ang buhay ko.

Hindi ko naman ginusto ang nangyari sa 'kin, kahit ako ay ayaw ko din. Ngunit nangyari na ang hindi dapat mangyari at alam kong hindi na mababago yung kahit balik-baliktarin ko pa ang mundo.

Gusto ko nga lang magpakamatay dahil sa sinapit ko. Napapatanong nalang ako kung bakit sa ‘kin yun nangyari. Hindi naman ako naging masamang tao, wala naman akong ginawang malaking kasalanan para danasin ko ang ganitong parusa. Hindi naman sa sinasabi kong wala akong kasalanan kahit isa pero hindi naman mabigat. Ang totoo niyan ay takot akong mag sinungaling sa tita ko kaya nasabi ko ang lahat ng nangyari sa 'kin.

Pero nakakalungkot lang dahil nagalit siya sa 'kin at do'n na nagbago ang pakikitungo niya sa 'kin. Pati yata pagkain ko nang bata pa ako ay sinusumbat niya sa 'kin. Tanging nagagawa ko nalang ay yumuko at hindi nalang sumasagot sa tiyahin ko kapag sinasabi niya sa 'kin yun.

Ayaw ko naming umalis sa poder niya dahil hirap pa ako sa buhay. Takota ko maging pabigat sakanya kaya ginagawa ko ang lahat ng sideline para matuwa naman siya sa ‘kin.

Pinahid ko ang pawis sa noo ko dahil sa sobrang init ngayong araw. Tirik na tirik talaga, buti na nga lang at naka sombrero ako at jacket kundi sunog ang aabutin ko.

Natigil lang ako sa ginagawa ko ng makita ko ang teacher ko dati n’ong hig school. Sobrang bait pa naman niya kaya naging paborito ko siyang teacher.

Nakita ako ni teacher kaya kumaway siya sa 'kin. “Stephanie..” tawag niya sa pangalan ko.

Tumayo agad ako mula sa pagkakaupo saka ako lumapit kay teacher. Nang makalapit ako sakanya ay may inabot siya sa ‘kin na isang plastic. Nagtaka naman ako kung ano yun pero tinanggap ko parin.

“Ano po ‘to, Ma’am?” Kunot noo kong tanong sakanya.

“Merienda mo. Alam ko pagod ka na dyan kaya binilhan n akita ng snack mo. Kainin mo yan ha!” Nakangiti niyang sabi kaya napangiti na din ako sa tuwa.

“Thank you po, ma’am. Ang bait mo po talaga. Godbless po!” Pagpapasalamat ko kay ma’am saka ako yumukod sa harap niya.

“Ano ka ba! Maliit na bagay lang yan. Sige na, kainin mo yan at babalik na ako sa classroom dahil oras na naman para magturo.” Saad niya saka tinapik ang balikat ko kaya ngumiti ako sakanya.

Nagpaalam lang ako kay teacher saka ako umupo ulit at binuksan ang plastic para kumain. Wala talaga akong balak mag merienda dahil nasasayangan ako sa pera kaya nag tubig ako kanina. Ayos narin naman yun dahil nabubusog naman ako pero talagang may mabait parin sa mundo kaya makaka kain ako ng merienda.

Nakita ko ang pagkain na binigay
sa 'kin ni teacher. Isang supot ng pansit at isang tinapay. Agad kong kinain yun dahil mag lilinis ulit ako. Hanggang hapon ako dito kaya kailangan matapos ko lahat ang pagbubunot ng damo.

Natapos akong kumain kaya agad kong inabot ang dala kong bag na sira-sira na ang zipper at kinuha ang dala kong tubig. Naawa talaga ako sa bag ko kaya gusto ko sanang bumili ng bago dahil lumang-luma na talaga at sumusuko na talaga ang bag ko. Kaya sana may matira sa makukuha kong pera ngayon para makabili ako.

Bumalik agad ako sa paglilinis at naka focus lang talaga ang mga mata ko sa ginagawa ko. Masakit na ang mga balikat ko ngunit hindi ako pwedeng tumigil kaya titiisin ko nalang.

Dumating ang hapon at talagang pagod na pagod ako pero sulit naman nang iabot na   sa 'kin ang bayad.

Pagkatapo sa nakakapagod kong trabaho ay naisipan kong dumaan na muna sa isang store na may nagbebenta ng bag na mumurahin. Sa ukay kasi ay hindi pa bagsak presyo kaya ang mamahal-mahal ng tinda nila. Baka kapag hinintay ko pa ang sale ay wala ng matira sa sahod ko kaya mabuti ng ibili na agad.

Bukas naman ay maglalabada ako ng damit kaya natutuwa ako dahil sunod-sunod ang sideline ko.

Pumunta ako sa store na nakita ko kanina at agad akong pumasok para magtingin-tingin. May Nakita akong bag na nagustuhan ko ngunit medyo pricey siya. Kailangan kasi 150 lang ang budget ko. Tipid na kung tipid pero ganun talaga ako. Nasasayangan nga din ako bumili ng damit ko dahil sa sobrang pagtitipid ko.

May Nakita akong pasok sa budget ko kaya yun ang kinuha ko kahit pa nga pangit ang design. Ayos lang basta’t ang mahalaga ay may bag akong gagamitin.

Agad kong binayaran ang bag na napili ko sa counter at inabot ang bayad. Nang matapos yun ay lumabas agad ako para umuwi na.

Balak kong lakarin lang sana pauwi ngunit masyado na talaga akong pagod kaya naisipan kong sumakay nalang ng jeep.

Mabuti nan ga lang at hindi puno ang jeep kaya nakasakay ako at nakaupo ako ng maayos. Hindi ko mapigilang hindi mahiya sa mga kasakay kong estudyante lalo na’t amoy araw ako. Napansin ko kasi ang pag usog ng babaeng katabi ko palayo sa ‘kin habang naka ngiwi.

Napayuko nalang talaga ako dahil sa hiya kong nararamdaman. Mabuti pa sila amoy cologne samantalang ako ay amoy araw na hindi maintindihan ang amoy.

Tiniis ko nalang ang pagkapahiya ko at hinayaan nalamang ang tawa ng babae kasam ang kaibigan niya din. Kung sana alam nila ang ginawa ko para naman hindi nila ako agad husgahan.

Pagod na nga ako sa lahat tapos ganito pa ang aabutin ko. Sana lang ay hindi nila danasin ang nararanasan kong hirap sa buhay.

Nakikita ko na ang kanto namin kaya agad kong inabot kay manong ang pamasahe ko. Ganito talaga ako mag pamasahe, nagbabayad kapag malapit na akong bumaba. Sakto lang din ang binayad ko para hindi na kailangan pa mag sukli ni manong.

“Para po, kuya.” Saad ko kaya agad na inihinto ni manong ang jeep. Nahihiya naman akong bumaba lalo na’t Nakita ko ang babaeng katabi ko kanina na nagtaklob sa ilong niya gamit ang panyo. Narinig ko pa ang katabi niya na nagpaparinig sa ‘kin na uso daw bumili ng perfume para naman daw hindi ako mabantot.

Kung pwede nga lang sana bumili ako matagal ko nasa ginawa. Pero hindi eh, hindi sapat ang perang kinikita ko para sa mga ganung bagay. Kaya maswerte sila dahil nakakapag aral sila at nabibili nila ang gusto nila dahil sa mga magulang nila.

Bumaba nalang ako ng jeep na masama ang loob ko at deritsong naglakad patungo sa kanto at hindi na nilingon pa ang mga babae na pinagtawanan ako.

Sana, kahit hindi man gaano ka yaman ako, basta hindi naman masyadong mahirap sana ang buhay ko. Sapat naman na sa ‘kin ang makakain ng tatlong beses sa isang araw eh. Pero minsan ay isa o dalawang beses lang ako nakakain kaya panay ang tubig ko.

Kung pwede lang sana ako mag apply ng trabaho kaso may problema eh. At isa pa, gusto ko ng madalian na sahod na pagkatapos kong magtarabaho ay ibibigay din agad ang sahod ko. 

Assassin Series 12: Leviticus Valdez(ON HOLD)Where stories live. Discover now