Chapter 3

5.3K 157 19
                                    

MAAGA ako nagising dahil may labada ako ngayon. Ginising ko na din ang anak kong si Sera dahil isasama ko siya. Nasa sala lang kami natutulog mag-ina dahil wala naman kaming kwarto dito sa bahay ng tiyahin ko. 

Ang dati kong kwarto kasi n'ong maayos pa kami ay ang anak na niya ang gumagamit. Ayos lang din naman ang mahalaga ay may tinutulugan kami ni Sera. 

Lahat ng pera ko kahapon ay kinuha na naman ng tiyahin ko. Hinanapan pa talaga niya ako dahil masyado daw maliit ang kinita ko. Wala na nga akong mabiling pagkain na para sa anak ko or damit man lang dahil kinukuha talaga niya. Mabuti nalang talaga at nakapag tago na ako ng pera kundi kawawa na naman kami ng anak ko.

Nagpapainit ako ng tubig dahil gusto ko na muna magkape. Sa karinderya nalang kami kakain ng anak ko dahil sinabihan ako ng tiyahin ko na wag daw ako mag sasaing at magluluto ng ulam kundi ihahampas daw niya
sa 'kin ang kaldero kapag nag saing daw ako.

Hindi nalang ako sasaway kahit pa nga ako ang bumili ng bigas at alam kung totohanin niya ang sasabihin niya sa 'kin. Nagawa na din kasi niya sa 'kin yun dahil hindi ko siya pinakinggan at itinuloy ko ang pagsasaing kahit pa nga pinagbawalan na niya ako. Kaya ayon, pinalo niya  sa 'kin ang kaldero sa balikat ko. Sobrang sakit no'n dahil mabigat yun, may laman pa talagang kanin yun ay mainit-init din dahil kakapatay ko palang ng kalan ng araw na yun.

Habang hinihintay kong kumulo ang tubig ay biglang sumulpot ang tiyahin ko sa kusina at halatang hindi nagustuhan ang nakikita niya. "Bakit nag iinit kang tubig?" Tanong niya
sa 'kin.

Mukhang pati ang pagpapainit ko ng tubig ay pinagdadamot din niya.

"Magkakape lang po sana ako, tita. Hindi naman po ako nag sasaing." Sagot ko. Totoo naman kasi, bumili pa nga ako ng twin pack dahil alam kong magagalit siya kapag kumuha ako ng kape nila.

"Patayin mo yang kalan na yan kundi ibubuhos ko sa'yo ang mainit na tubig ng magtanda ka. Ang mahal-mahal ng gas ngayon tapos mag iinit-init ka dyan ng tubig. Kapal ng mukha mo ha!” Galit niyang sabi kaya pinatay ko nalang ang kalan at hindi na nakipag sagutan pa sakanya. Mabuti nalang talaga at nakaligo na kami ni Sera kanina at pagalitan na naman kami at hingian ng pambayad dahil ang mahal daw ng tubig ngayon.

"Sa labas ka magkape simula ngayon ha! Hindi dito." Sabi pa niya sa 'kin sabay irap sa 'kin at umalis ng kusina.

Napabuntong hininga nalang talaga ako dahil sa sinabi niya. Nakita ko naman na nakatitig lang sa ‘kin ang anak ko at halatang natatakot sa tiyahin ko. 

Ngumiti ako sa anak ko saka ko kinuha ang twin pack na kape saka ako naglakad papunta sa anak ko na hawak ang bag na bagong bili ko. Kinuha ko ang bag mula sa anak ko saka ko yun binuksan at ipinasok ang kape na hindi ko na timpla. Mabuti nalang at hindi ko pa nabuksan ang kape kundi masasayang talaga ang ititimpla ko sana.

"Halika na, nak. Sa labas nalang tayo kakain, do'n na lang din ako magkakape." Sabi ko sa anak ko kaya tumango siya.

Hinawakan ko ang kamay ng anak ko saka kami sabay na naglakad palabas ng bahay. Hindi na ako nag paalam sa tiyahin ko dahil wala naman yung pakialam samin. 

Naglakad agad kami ng anak ko sa gilid ng kalsada at tinungo ang kanto dahil mag aabang pa kami ng jeep. Kailangan kasi namin sumakay ng jeep, pero isang sakay lang naman. 

Matagal na namin kilala ang pinaglalabhan namin ng damit kaya palagi ako ang kinukuha niya. Sinisiguro ko din naman na malinis ang labada ko para kunin ulit ang serbisyo ko. Yung nga lang hindi naman araw-araw ang labada, three weeks pa kasi bago siya ulit magpapalaba sa 'kin kaya kailangan ko talagang kumayod at maghanap ng pagkakakitaan. Pati nga yata paghahakot ng gulay sa palengke ay pinatulan ko na dahil sayang din yun, pera din yun.

Assassin Series 12: Leviticus Valdez(ON HOLD)Where stories live. Discover now