Chapter 9

3.9K 188 40
                                    

DALAWANG araw na ang lumipas simula ng tumira kami ni Sera dito sa bago naming bahay. Maliit lang ngunit masaya naman kami ng anak ko. Mabuti nga at nakakabili na ako ng sarili naming pagkain ni Sera kahapon. May grocery na kami ng anak ko kaya nakakatuwa.

Umaga ngayon kaya nagluluto ako ng agahan namin ng anak ko. Kung dati ay hirap na hirap ako magluto ng pagkain dahil nga sa pinagbabawalan ako ng bruha kong tiyahin kapag magluluto ako. Kukuha palang ako ng kawali ay sinisigawan na agad niya ako.

Kaya masaya ako na wala na kaming kasama dito sa bahay at kami lang dalawa ng anak ko. Wala ng magbabawal, wala ng mag o-oras samin ng anak ko kapag naliligo kaming dalawa. Ang saya pala kapag may sariling bahay na.

Natapos na akong magluto at inihanda ko na sa maliit naming mesa. Nabili ko 'to kahapon para kahit papano ay may mesa naman kami at hindi sa papag kami kakain.

Yung nabili kong bahay ay maliit pero may sariling kwarto, lababo at banyo. Bayad ko na lahat 'to sa tulong na din ni doc. Salem. Malaki talaga ang pasasalamat ko sa doctor na yun dahil sobrang bait niya sa 'kin.

Nag send lang ako sa kanya ng message ngunit hindi naman siya nag reply. Ang mahalaga lang naman
sa 'kin ay malaman niya na wala na ako sa hospital. 

Nakahanda na ang pagkain namin ni Sera kaya tinawag ko na ang anak ko. Nakita ko naman siya na gising na siya at nakangiti sa ‘kin. Nakapo parin siya sa kama kaya naglakad ako palapit sa kanya at umupo sa kama. 

"Good morning, anak!" Bati ko sa anak ko na nagpupunas pa sa gilid ng mata niya. 

"Good morning po, mama." Bati din naman niya sa 'kin saka umusog palapit sa 'kin at yumakap.

Binuhat ko nalang ang anak ko at pumunta na kami ng kusina. Pinaupo ko siya sa upuan at inayos ang plato na nasa harap niya. Nilagyan ko na din ng kanin at ulam. Nagpasalamat naman ang anak ko kaya napangiti ako at hinaplos ang buhok niya. Umupo na din ako sa katabi niyang upuan at naglagay na din ako ng pagkain sa plato ko.

Nagsimula na kami kumain ni Sera. Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa lumingon sa 'kin ang anak ko na para bang may gusto siyang sabihin. 

Napatigil naman ako sa pagsubo at kumunot ang noo ko. "Gusto mo pa ba ng ulam, nak?" Tanong ko sa kanya dahil nakatitig lang siya sa 'kin habang ngumunguya ng pagkain. 

"Mama.." tawag niya sa pangalan ko. 

"Ano yun, anak? May gusto ka pa bang ulam?" Tanong ko para ipagluto ko siya. 

"Kailan po tayo pupunta ng hospital, mama? Gusto ko po pumunta do’n." Sabi ng anak ko kaya napatigil ako sa pagsubo ng pagkain. 

"Eh anak… hindi na kasi tayo pwedeng pumunta sa hospital. May bago na kasing nagbabantay kay sir Levi. Kaya hindi na tayo pwedeng pumunta." Sagot ko sa anak ko kaya nakita ko ang lungkot sa mga mata niya. 

"Pero gusto ko pong makita si sir, mama. Nanaginip po ako kagabi, mama. Hinahanap po tayo ni sir Levi. Nalulungkot po siya mama.." sabi ng anak ko kaya hinaplos ko ang buhok niya para hindi na siya malungkot. 

Nagpatuloy na lang kami sa pagkain at panay ang sulyap ko kay Sera. Kahit ako ay gustong-gusto kong pumunta ng hospital para dalawin si sir Levi. Iniisip ko kung inaalagaan ba siya ng mabuti ng girlfriend niya na halatang pera lang ang habol. 

Tama nga si Doc. Salem, nakakairita nga ang babaeng yun. Sana talaga magising na si sir Levi at malaman niya ang ginagawa ng babaeng yun. Sana malaman niya na pera lang ang habol ng babaeng yun. 

Kagabi pa ako hindi mapakali at hindi makatulog dahil iniisip ko si sir Levi. Hindi ko alam kung normal pa ba ‘to o hindi na. 

"Mama.." tawag ulit sa 'kin ni Sera.

Assassin Series 12: Leviticus Valdez(ON HOLD)Where stories live. Discover now