Reality

130 5 0
                                        


Becky's POV


Di pa rin nawawala sa isip ko ang mga sinabi ni Freen sa akin kanina.

Pumikit ako at nag usal ng isang dasal bago nagbihis at lumabas ng kwarto ko.

Panahon na siguro na harapin ko siya, kausapin at humingi na rin ng tawad. Halos isang taon na din ang lumipas, alam kong malaki na ang kasalanan ko sa kanya.


Pagkababa ko ng hagdanan hinanap ko agad si mommy.

Nakarinig ako ng ingay mula sa kusina kay dali dali akong pumunta.


"Mmy?" tawag ko sa kanya habang papasok sa kitchen namin.


Nakita kong naghuhugas siya ng pinggan.

Napalingon siya sa akin.

Kaya lumapit na ako at niyakap ko siya mula sa likod.


"hmmmm... ok ka na ba?" isang tanong lang pero umiyak na ako.Idinukdok ko ang ulo ko sa likod niya habang mahigpit pa ring nakayakap sa kanya at patuloy na umiiyak.


Tinigil niya ang kanyang ginagawa at umikot paharap sa akin.She then caress my face while saying.


" I know it still hurts, I know you still cant accept the truth pero anak hanapin mo diyan sa puso mo ang pagpapatawad. Patawarin mo na ang sarili mo. Marami kaming handang umalalay sayo, lalong lalo na si Freen."sabi niya na mas lalong nagpaiyak sa akin.


"Im so sorry mommy. I'm sorry kasi i blocked all of you into my life. I isolated myself from the people whoni know loves me. Isinarado ko ang isip at puso ko dahil sa nangyari to the point na nasasaktan ko na pala kayong lahat, lalong lalo na siya. Naging selfish ako na nakalimutan kong di lang ako yung nasasaktan sa panahong yun until now. Sorry sa lahat ng nagawa ko mom.! "hingi ko ng tawad kanya sa gitna ng aking mga hikbi.


Niyakap ko ulit siya ng mahigpit.


" Hindi ka sakin dapat humingi ng tawad anak, kundi sa kanilang dalawa. "sabi niya na nagpatigil sa iyak ko.


Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya pagkatapos niya sabihin yun.Nagpunas muna ako ng aking luha bago ko siya sinagot.


" I will mom. I will! ". nakangiti kong tugon sa kanya.


She smiled back at me and pull me for a hug again.


"Kaya I need your help mom. Papadrive sana ako, I will visit her first before ako magpakita kay Freen. Siguro nagtatampo na siya sa akin dahil hindi ko man lang siya nagawang dalawin ulit."


"Sige ba. Magbihis na muna ako antayin mo nalang muna ako sa sala, or better yet pack her favorite food, magdadala tayo para sa kanya, ok?" sabi nito na halata sa boses nitong excited sa lakad namin.


IN LOVING MEMORY OF

FREAH AMARI PATRICIA ARMSTRONG CHANKIMHA

HEAVEN KNOWS (GL) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon