Papasok na ako sa bahay namin, pero bigla niya hinila braso ko. Namumugto kanyang mga mata, naka titig lang siya sa akin ng ilang minuto
"Pasok na ako" himala niya ulit braso ko papalapit sa kanya, ilang pulgada na lang layo ng mukha namin dalawa
oh gosh wag sana, hahalikan niya ba ako?
"Just a moment, can we talk?" He asked me, he still staring into my eyes
What does he want to tell me? Hindi naman siguro mahalaga sasabihin niya. Nag aaksaya lang ako ng oras dito sa sasakyan niya. Hinawakan niya ang mga kamay ko
Pinatay niya saglit yung sasakyan "Gusto ko sanang sabihin na..." Pinutol ko sasabihin niya, nakikita na parang naluluha siya sa harapan ko
"Bakit ka umiiyak? Mamatay kana ba?"
"Serein..." Tinawag niya ang pangalan ko agad akong tumingin sa mga mata niya "G-gusto kita... M-matagal na"
Namanhid buong katawan ko sa sinabi niya, gusto niya ako? Gusto ko rin siya, gustong gusto ko siya
"You're drunk Fred" ayon na lang nasabi ko sa kanya, inalis ko ang hawak niya sa akin
Iniwan ko siyang nasa labas, nilock ko agad yung pintuan ng bahay namin sa takot na sumunod siya, mas maganda admirers ni Fred kesa sa akin
Nakita ko na nakatayo si mommy sa harapan ko, nanlilisik ang tingin sa akin "Oras ba yan ng matinong uwi ng babae?"
"Mommy sorry po, nag-yaya po silang uminom"
"Wala akong pake, kumain kana rito" nag walkout siya, narinig ko malakas na kalampag ng pintuan ng kwarto nila
There's something wrong with mommy, hindi naman siya ganito sa akin. Hindi siya nagsasabi na kumain na ako, may mainit pang sabaw ay kanin na nasa mesa naka hain
Alam niya kaya na uminom ako? Paano niya nalaman? Halos masunog kilay ko sa sunod-sunod kong pag iisip
Pagkatapos kong kumain, inaayos ko kaagad yung baba namin, ayoko na may sasabihin si mommy bukas
Hindi pa rin mawala sa isip ko yung confession ni Fred sa akin, seryoso ba siya sa akin? O ginagago niya na lang baka kasi masaktan niya ako at masaktan ko siya ayoko yon. Pero mahal ko siya, wala akong lakas na loob na umamin sa kanya dahil alam ko na hindi ako yung type niya
Umamin na nga siya, pero baka joke lang yon kasi lasing siya, nakakainis talaga pag-ibig na yan wag na lang mag mahal kung hindi handa
I mean makakapag antay naman siguro siya kung totoong mahal niya ako? LOVE CAN WAIT naman talaga at kung mahal mo isang tao aantayin mo siya gaano pa katangal. Pakiramdam ko namula ako kanina sa confession
Buti na lang dalawa kami, kung kasama ko mga kaibigan ko o sa school siya nag confess baka inaasar na ako ngayon. Tangina kasi
Frederick:
i miss you na agadSerein:
kadiri ka fred, ganyan ka pala malasingFrederick:
hindi ako lasing, totoong gusto kitaHalos mapa sigaw ako sa sobrang asar sa kanya, pikon na pikon na ako sa lalakeng ito. Bakit sa tuwing nag kikita o nag uusap kami bumibilis tibok ng puso ko sa kanya
Tumawag si Kadeus sa akin, sinagot ko yon agad baka kasi emergency, naka uwi na siguro yon sa kanila
"Sinukahan ako ni Seven" banas na banas na sabi nito sa kanilang linya
YOU ARE READING
Me With You (Tadhana Series #1)
RomanceSerein Elysian Bautista is a college student and she has high expectations for herself especially in acads she doesn't want her to fail her studies But there is a man who likes her and always gives her food and gifts, his name is Frederick Jake Gust...