Chapter 18

19 2 0
                                    

Flashback.

"Ate, wala paba sila Mommy at Daddy?" Tanong ko kay ate Millie nasa school kami ngayon uwian na namin.

"Malapit na raw sila, mag text na eh." Ate Millie replied.

Wala naman kami ginawa ngayon exam day namin at half-day lang kami sa school, elementary pa lang kasi ako tapos si Ate Millie diko alam kung grade 6th ba siya or 7th na.

Minsan close kami madalas kasi kami mag away sa isang bagay lalo na sa damit, naiintindihan ko naman yon na siya yung ate ko.

Kaya siguro nasasanay na ako, kuntento ako sa bahay na kung anong meron ako at hindi na nga mag hahangad ng iba pa.

Nasa gilid lang si Ate Millie, may suot siyang earphone at nag papa-tugtog sa cellphone niya. Long hair siya at naka side bangs

Nag tinginan kami ni Ate Millie noong narinig namin yung tatlong busina sa labas ng gate ng school, usapan kasi namin nila Daddy at Mommy ay mag bubusina sila ng tatlo hudyat na nasa labas sila ng school.

Nag unahan kami ni Ate Millie tumakbo palabas ng school. At meron lalake ako nakita na naka upo sa gilid hindi ko siya kilala pero alam ko ka-batch ata ni Ate Millie yon. Nag flying kiss pa sila.

Hindi ko yon pinansin dahil naka focus na ang mata ko sa sugar ko, nadapa kasi ako kaka-madali palabas ng gate.

Naka ngiti akong tumayo, sakit pa rin ng tuhod ko sa pagka-dapa ko. "Sakit..." Daing ko

"Tulungan na kita." Akbay-akbay ako ni Ate Millie papasok ng sasakyan.

Naka kunot ang noo ni Mommy at naka taas ang isang kilay niya, galit na naman ba siya sa akin?

"Anong ka-artehan yan?"

"N-nada~" agad na pinutol ni Ate Millie sasabihin ko

"Bumili yan nung candy na parang toothpaste sa canteen, pa-prank daw kayo" nakita ko kung paano kumalma ang mga tingin ni Mommy sa sinabi ni Ate Millie

Umardar na agad yung sasakyan namin, habang si Ate Millie naman ay sumenyas na huwag ako maingay, pinupunasan niya kasi yung sugat ko, nilagyan pa niya ng alcohol.

Para akong mauubusan ng hininga, pinipipigilan ko yung hadpi na nararamdaman ko, gusto kong sumigaw sa sobrang sakit.

Pero hindi ko magawa, baka lalo akong mapagalitan ni Mommy, si Daddy naman sobrang tahimik kanina pa siya hindi nag-sasalita, hindi ko alam kung bakit.

Habang ako para akong batang tuwang-tuwa, dahil sa bintana pa lang ng sasakyan namin natatanaw ko na yung SM.

"Yesss SM." sigaw ko habang pumapalakpak.

"Alam mo ba meaning ng SM?"

"Ano ba meaning ng SM Ate?" Napakamot ako ng ulo sa tinanong niya sa'kin, bata pa ako ano ba malay mo sa meaning ng SM, basta alam ko bilihan

"Serein, Millie."

"Weh tayo may ari nyan?" Inosenteng sabi ko. "Yehehh tayo may ari ng SM." Sigaw ko habang excited na excited na ako sa pagbaba namin

"Loko ka Ate, baka maniwala sa'yo kapatid mo" Narinig kong natawa si Daddy sa amin.

Pagbaba namin, agad ako binuhat ni Daddy, si Ate Millie naka hawak kay Mommy.

Papasok na kami ng SM, kahit sinong mga bata matutuwa pumasok rito at mamangha sa sobrang laki, meron pa akong nakitang sasakyan don na sobrang ganda.

Pero hindi ko pa rin maintindihan na bakit sa tuwing mag mamall kami, ayaw ako ibaba ni Daddy sa lapag, I'm girl na and hindi naman ako makulit pshhh

Me With You (Tadhana Series #1)Where stories live. Discover now