When the night is dark the brighter the star shines.
That's what they said.
“Ottilie, wag na wag kang magtitiwala kahit kanino. Wag na wag mong ibibigay lahat ng meron ka sa isang tao. Magtira ka para sa sarili mo. Mahalin mo ‘yong sarili mo, anak.”
“Ma…”
“Serfina!”
“Sige na..”
“Umalis kana, sa unang pintong makikita mo paglabas doon ka dumaan.”
Umiiyak ako ng tinulak niya ako patungong pinto. Ngunit hindi ko kaya, tumakbo ako pabalik sa kanya at niyakap siya.
“Hindi Ma..”
“Sumama ka sakin, sabay tayong tatakas.”“Serfina! Ottilie!”
Niyakap ako ni Mama ng mahigpit.
“Kailangan mong mabuhay, kailangan mong magpatuloy..”Umiling ako habang yakap ko siya. “Hindi…”
Kinalas ni Mama ang yakap sa akin at tinignan ako ng nanunubig ang mga mata.
“Ayoko Ma! Hindi ako aalis ng wala ka.” Yumakap akong muli sa kanya habang humahagulhol. “Paano ako mabubuhay ng wala ka Ma..” “Sumama kana Ma..”
“Tayo nalang dalawa ang tumakas.”Ngunit kinalas niyang muli ang yakap sa akin at sa pagkakataong iyon pinirmi ang mga kamay ko sa gilid at sinilip ang aking ama. Nandito kami ngayon sa pantry ng bahay namin malapit sa back door na dadaanan ko para iwan ang impyernong to… ng wala ang aking ina.
"Yaya Seling, nasaan si Serfina?"
Nakita ko si Ate Seling na nanginginig habang pinagtatakpan kami ni Mama at mabigyan ng oras na makatakas ako.
Tinignan ako ni Mama pabalik at ngayo’y mas determinadong paalisin ako. “Umalis kana Tilie.” Tinulak nya ako ng marahan.
"Ma.." Inabot ko siya pero hindi ko na naituloy dahil tumalikod na siya sa akin at nagsalita ng may awtoridad ang boses. "Umalis kana." Seryoso siya… seryoso talaga siyang iwan ko siya at tumakas.
Hindi ko maintindihan. Bakit... bakit ako lang?
"Sige na. Naghihintay si Kuya Robert sa play ground ng subdivision tumakbo ka ng mabilis. Dadalhin ka niya sa airport, naroon ang Tita Tala mo.”
Hinarap niya akong muli. Nagbago ang kanyang ekspresyon mula sa pagiging walang emosyon hanggang sa tumulo ang luha niya habang tinitignan ako.
“Mabuhay ka Tilie. Live the life you deserved to have. This shouldn’t the life you should live. As a child, it is only fair and just for you to experience the goodness of life, not this." Naglakad siya papalapit sa akin. Lumapit siya sakin hindi dahil sasama siya.
Isang ngiti.
Isang haplos sa aking mga pisngi.
Isang hagod sa mga buhok ko, bago niya ako binitiwan at hinawakan ang aking mga kamay at iginiya sa pinto kung saan ako lalabas sa impyernong aking kinamulatan.
"Takbo, anak." Hindi ko man gusto, pinunasan ko ang aking mga luha at binuksan ang pinto ng dahan-dahan at naglakad ng mabilis at tahimik patungo sa back door.
"Sir, wala ho sila dito. Hindi pa umuuwi." Narinig kong sagot ni ate habang papalapit na sa pinto.
Labag man sa aking loob, upang masunod ko ang gustong mangyari ng nanay ko para sa akin, pagkalabas ko ng pinto tumakbo ako ng tumakbo.
Tumakbo ako kahit naririnig ko na ang iyak at kalabog sa loob ng aming mansyon.
Ang sakit sa sigaw ng nanay ko habang sinasaktan siya ng ama ko ay malinaw kong naririnig.
Isang mahabang sigaw at biglang tumahimik ang lahat. Ganun pa man, tumakbo ako ng tumakbo habang dumadaloy ang luha sa aking mukha kasi alam ko.. alam ko na ang nangyari kaya’t wala na akong sigaw na naririnig.
Ngunit naphinto ako sa napakalaks na sigaw ng tatay ko na tinatanaw ako papalapit sa kalye na kung saan malapit ang playground.
“Tilie!”
Sa nginig at takot napahinto ako. Nilingon ko siya at doon ko nakitang hila-hila niya si Mama na walang buhay, dugoan.
"Tilie! Bumalik ka dito!"
"Mamaaa!" Sigaw ko habang umiiyak.
Isang halakhak ang pinakawalan niya sa gitna ng gabi na kung saan buwan at mga ilaw sa paligid ng mansyon ang nagsisilbing liwanag sa aming malayong pagitan. Ang kanyang mukha habang hila-hila si Mama at dala dala ang isang kutsilyo ang siyang nag udyok sakin para tumakbo.
Tumakbo ako ng tumakbo para makalabas sa mundong meron ako ngayon.
"Tilie, dali!" Ani Manong Robert na hinila ako papasok ng sasakyan at dali-daling pinaandar ito. Ngunit hindi agad ito nakatakbo dahil may isang kamay na malakas na kumatok sa bintana ng upoan kung nasaan ako.
Doon ay nakita ko ang palad ng Tatay ko, puno ng dugo at pilit na binubuksan ang pinto ng sasakyan.
"Manong Robert! Bilisan niyo po! Patakbohin niyo na ang sasakyan!"
Habang humaharurot ang aking sinasakyan palayo sa kanya, nakita ko siyang tumatawang mag-isa at sumisigaw.
"Tilie, makakalabas kana sa buhay na ito." Si Mang Robert at hinaplos ang ulo ko habang nagdadrive.
Umiyak lang ako ng umiyak habang kami’y nasa daan para sa buhay ng ina ko na nawala sa demonyong iyon. Para sa buhay ko na nasira ng dahil sa halimaw na iyon.
Bakit? Bakit kailangang sa akin mangyari ito?
Pagdating sa airport, sabay kaming lumipad papuntang America ng Tita ko.
That moment was the most relieving and painful at the same time.
YOU ARE READING
ASPECTS: Novus Vita.
Storie d'amoreTilie had a horrible life for twelve years. She was doing better in the States after running away from that life when suddenly, a news came that made her come back to the Philippines. That's when all her plans to settle with her boyfriend and enro...