Chapter 5: The Princess and the Devil

45 3 1
                                    

Nagsimula na akong maglakad ng dahan dahan sa isle. Napansin kong nakatitig sakin lahat ng mga tao at shookt na shookt sila sa bawat hakbang ko. Nakita ko rin si Argaran na gulat na nakatingin sakin.

I mean guys, ngayon lang ba kayo nakakita ng bride? Tsaka nakaveil naman ako ah, imposibleng nakita nilang may dumi sa mukha ko.

Maya maya pa'y nakarating na ako sa tabi ni Argaran. Tahimik lang siyang nakikinig sa sinasabi ng high priest sa harap namin kaya naman ginaya ko siya.

"Do you, Grand Duke Argaran Frost Raudras, swear to the highest god Cirius, to forever love Princess Iredione Midaris Vetillion until your last breath?" sabi nung pari

"I do" sagot ng duke

Wow plastik, psh!

"And you, Princess Iredione Midaris Vetillion, do you swear to the front of god Cirius to remain faithful and love the Grand Duke Argaran Frost Raudras until your last breath?"

"I do" sagot ko

"By the power invested in me by the mighty god Cirius and the glory of Kygedion Empire, I may now pronounce you as husband and wife."

Nageexpect ako ng konting hiyawan pero sobrang tahimik ng lugar.

"You may now kiss the bride"

Shet! Nalimutan kong part nga pala to ng kasal!!

Inalis na ni Argaran yung veil ko at saka siya lumapit ng dahan dahan sa mukha ko.

"Don't worry, I'll make it quick" sabi niya

Nagsimulang magdampi ang aming mga labi at ilang saglit pa'y pinutol niya na ang halik.

AaaaAaaaa! Nuuuu! Yung heart ko.

No, Dione. Bitter tayo for today's vidyow! Naaalala mo ba yung ex mong pinagpalit ka sa best friend niya?? Wala na tayong pagkakatiwalaang lalaki ngayon!

Tumingin ako kay Argaran at seryoso siyang nakatingin sakin. Ngumiti nalang ako kase ang awkward ng sitwasyon. Di ko rin sinasadya yun, reflex nalang ng mga pinoy na palaging ngumingiti at tumatawa kapag awkward at nakakahiya ang sitwasyon. Righttt???

Pagkatapos nun ay sinenyasan akong humarap ni Argaran sa harap ng mga tao. Tsaka lang sila nagsisigaw at hiyawan nung humarap kami sa kanila.

"Long live the grand duke and the grand duchess!"

"May god Cian bless the Grand Duchy"

"Congratulations!"

Medyo mahinahon din ang hiyaw ng mga tao. Baka ayaw ni Argaran ng mga maingay. Nararamdaman ko rin yung mahinang aura sa paligid niya at nakakatakot nga.

Tumingin sakin si Argaran ng seryoso at bigla akong kinabahan.

Anong tinitingin tingin mo dyan? Crush mo ko no?

Dahil natakot ako, nginitian ko nalang ulit siya.

Oo na nga, sisimulan ko nang maging mabait na harap nitong panget na to! Ayoko pang mamatay huhu. Di naman problema sa kaniya na mangidnap ng ibang babae para ikasal. Ang masama, masisira ang mundo kapag naipanganak ang anak ni Argaran. Noooo! Kailangan kong makuha ang loob ni Argaran!

"You seemed to be in a good mood" bigla niyang sabi

Kung alam mo lang huhu

"How couldn't I be in a good mood?" sagot ko

"I really don't know what's going on to your mind" sabi niya and once again nakangiti nananaman siya ng nakaloko

"Wag mo na alamin" mahina kong sagot

ADHD Princess Saves the World from Destruction!Where stories live. Discover now