five

62 2 1
                                    

Nicholas
Message
03/11/23 | 10:31 AM

Nicholas
Nasa school ka na ba?

Press 1 to confirm my message
Press 2 if you find me annoying
Press 3 if I can still text another message

Shifrah
1, 3

Nicholas
May mga kasama ka ba diyan?
Walang pumasok na classmates natin. 

Mag text ka lang ha?
Malapit kami ni Bithiah sa school

Shifrah
Sige

Nicholas
Hia? Matanong ko lang

May kilala ka bang Raejel?
Nakita mo ba 'yung
result ng passers?

Shifrah
Hindi at oo

Nicholas
Cerquiera, Raejel Odysseus

Familiar?

Shifrah
Hindi

Bakit?

Nicholas
Ay akala ko kilala mo

Shifrah
Barkada mo o kaibigan?

Nicholas
None from the choices

Shifrah
Oh okay hindi ko kilala

Nicholas
Okay! Update me ha?

Shifrah
About?

Nicholas
Your agendas.
Para alam ko kung saan
kita hahanapin

Shifrah
Baka uuwi na rin
ako mamayang 12

Nicholas
Bakit ang tagal?

Shifrah
Hindi ko mahanap
'yung bulaklak. 

Diba may garden sa likod
ng GA building?
Napuntahan ko na
pero wala doon

Nicholas
Paano mo ba nakita?

Shifrah
Hawak ng isang
student after exam

Nicholas
Like boquet?

Shifrah
Hindi

Alangan maghahanap ako
dito ng
nabibili Nich?

Nicholas
Sorry naman hindi kasi
kita maintindihan.
Like be more detailed
infor naman para
hindi ako mag-assume

Shifrah
May garden ba sa
Med One building?

Nicholas
Sa dulo pa 'yun eh
hindi ka pa pagod?

Shifrah
Nasa cafeteria naman ako

Nicholas
Magtanong ka nalang

Shifrah
Puntahan ko nalang
kaysa makipag-usap sa iba

Nicholas
Dapat pala sumama ako sa'yo

Ah! Alam ko na pala yung ibig
sabihin ng GA at ENG building! 

Diba natanong mo rin sa akin?
Alam kong excited ka
sa mga ganitong bagay eh

Interesado ka pa ba?

Shifrah
Ano? Sabihin mo na

Nicholas
ENG - Etoile, Nigathi, Gareth building

Shifrah
Told you.
Hindi 'yan
engineering building

Nicholas
I stand to be corrected po

Shifrah
GA? Na building natin?

Nicholas
May bayad na 'to

Shifrah
Bargain. Let me bargain

Nicholas
Let me take you out tomorrow

Same place.
Diyan nalang sa school.
Umuwi ka na ngayon,
sasamahan kita bukas.

Shifrah
Agenda?

Nicholas
Ko o agenda mo?

Shifrah
Mo. Ako maghahanap
ng flowers

Nicholas
Sasamahan kitang maghanap.
Sinasamahan naman kita ah. 

May album na nga ng
flowers sa gallery ko
para kapag maisipan
mong mag-Socmeds
may i-u-upload ka

Shifrah
Naglitanya ka nanaman

Nicholas
Deal?

Shifrah
Meaning ng GA

Nicholas
I need a yes to
bind the contract

Shifrah
Dami mong nalalaman

Sige sige magpapasama ako sa'yo
bukas pero with stipulations

Nicholas
Send them in. 

Never thought you're this
serious about your
alma matter's history

Shifrah
1 ikaw ang makikipag-interact,
2 uwi agad tayo after picking the flower,
3 deretso sa boarding, no further agendas

Nicholas
Hindi ka
magpapa-laminate?

Shifrah
Iipit ko muna sa books
para magandang tignan

Nicholas
Hindi mo pa ba na-try 'yung frame?
Parang mas suitable sa iyo yun eh.
Orderan kita online?

Shifrah
Saka na.
Buti sana kung
mahaba ang bakasyon natin

Nicholas
Sige sige noted.

GA building stands
for Gabryeil, Adeeline building

Shifrah
Ah mga pangalan pala

Nicholas
May familiar sa 'yo?

Shifrah
Yung Gabryeil ata ay
apo ng founder ng school.

Nicholas
Eh yung iba?

Shifrah
Wala na.
Hanggang introduction lang
ako sa pamplet

Nicholas
Oh okay pero may
idea ka ba kung bakit names?

Shifrah
Wala rin hindi nasabi

Wala kang ginagawa?

Nicholas
Nag-uusap sina
Disney Princess at Karyl

Shifrah
Ah

Nicholas
Ikaw? Nakapagpahinga ka na?

Shifrah
Yeah thanks Nich!
for the info and
entertainment

Nicholas
Ikaw pa!

Bukas ha?

Shifrah
Usap nalang tayo sa boarding

Nicholas
Okay! Be careful Hia!

Death by a Thousand CutsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon