Ma
iMessage
03/20/23 | 8:23 AM
Ma
Nak pabili naman ako ng foam,
maraming order ngayon eh
nakulangan ako dito
Raejel
Sige ma.
Si Erin?
Bumisita ba sa bahay?
Ma
Hindi nak.
Busy ata mag-aral yun.
Hay nako kailan lang noong
palagi kayong pasaway dito.
Ngayon halos hindi ko na
kayo mahagilap
Raejel
Ma I'm still visiting you
now and then.
I am not abandoning you
if it does make sense.
Ma
May iuuwi ka na ba anak
Raejel
Gusto mo ba 'yung dati?
Ma
Sige lang basta masaya ka
Raejel
Sinaktan niya ako,
gusto niyo pa rin siya?
Ma
Wala nang magagawa
kung siya ulit ang gusto mo.
Basta tratuhin ka
ng tama ngayon,
wala akong masasabi
kung ano siya noon.
Raejel
May anak na ma
Ma
Nasaan ka na?
Raejel
Hahahaha nag-bus ako para
hindi nila ako hanapin sa bahay
Ma
Mag-ingat ka sus maryosep Raejel
kung hindi mo aalagaan yang sarili mo
pagkatapos mong nag-chemo,
pababayaaan na talaga kita
Raejel
Yes ma yes haha
Bumili ako ng chocolate cake.
Huwag mong tnaggalin
'yung saksakkan
ng ref para
makain mo pa 'to kinabukasan.
Ma pwede namang magtipid
pero hindi dapat maka-apekto sa
gusto mong mga gawin.
Kung kaya pa ng budget, okay lang.
May darating ulit na biyaya.
Ma
Saan ka nakakakuha ng
mga ganiyan?
Parang ikaw ang tatay ko nak.
Umayos ka
Mag isa ko lang naman dito
kaya mas mainam nang tipirin
Raejel
Basta kapag nandiyan ako.
Ako ang gagastos at
bawal magtipid
Ma
Yes po anak yes po
Nabili mo na ba 'yung
pinapabili ko?
Baka yan pa ang
makalimutan mo
Raejel
Inuna ko na po.
Pauwi na po ako diyan.
Ma, bakit pala Raejel ang
napili niyong pangalan?
Ma
Tanong mo sa papa mo.
Sa akin galing yung Odysseus.
Raejel
Baka naman gusto niya
ng babae pero lalaki
ang niluwal mo
Ma
Ay Raejel,
pinag-aaral ka ng binabastos mo
Raejel
Sorry Ma nadala lang but
seriously why Raejel.
Pwede namang kahit
lumang pangalan nalang basta
hindi katunog ng pangalan ng babae
Ma
Tawagan mo tatay mo
Raejel
Ayaw ko
palaging secretary niya
sa office ang sumasagot ng tawag
Ma
Ganon ba.
Di bale tanungin
ko kung may pagkakataon
Raejel
Thanks Ma. For everything.
Ma
Ayan ka nanaman sa
mga ingles mo
Raejel
Medyo malayo pa ang byahe pero
sana may lutong bahay
akong madadatnan mamaya
Hindi naman ako nagpaparinig
Ma
Meron na.
Kung gusto mo nga
magpapyesta ako dito sa barangay.
Kaya yan nak!
BINABASA MO ANG
Death by a Thousand Cuts
Romansaan epistolary ㅡ Lover Duology completed Valverde, Aphia Shifrah had been using a basic keypad phone for nearly four years throughout her undergraduate years, intentionally avoiding modern smartphones to minimize distractions and focus on her studie...
