*KINABUKASAN*
* Nag hahanda na kami para umalis na sabay kasi kaming lima nila Nam papunta kila Irin dahil nga birthday ng mommy niya. Dito nalang ako ng bihis sa office ko dahil sayang lang din ang oras pag umuwi ako. Nagdala lang naman ako ng extra na damit para suotin sa party. Naka white polo lang ako at black jeans.
Nakarating na kami sa bahay nila Irin, sinalubong naman niya kami. Nakaramdam naman ako ng kaba at may halong exitement din kasi makikita ko na ang mag ina ko. Kaya nang pagpasok namin ay kunti palang ang mga bisita ng mommy niya nakita ko naman si Cece na naglalaro kasama ang ibang bata kay tinawag ko ito.
Becky: Cece!!!😊
Cece: DADDYYY!!!!😊 Sabay takbo niya palapit sa akin.
Nang makalapit siya sa akin ay agad ko itong niyakap ng mahigpit at kinarga, napaluha ako dahil sobrang namiss ko talaga ang anak ko lalong lalo na ang mommy niya.
Nakita ko naman si Freen na kakapasok lang ng kusina nakita naman niya ako pero agad ding umiwas ng tingin kaya nilapag ko muna si Cece at pinabalik ko sa mga kalaro niya.
Becky: Ahmm baby, maglaro ka muna doon sa mga kaibigan mo.. kakausapin ko lang ang mommy mo.
Cece: Okay po, daddy! Sabay takbo niya pabalik sa mga kalaro niya.
Irin: Go bec, lapitan mo na.😊
Tinanguan ko lang siya sabay ngiti ko rito kaya naglakad na ako papuntang kusina. Nang makarating ako ay nakita ko siya na nag aayos ng mga pagkain sa lamesa kasama si Ate beth na kasambahay nila dito napansin naman nila ako.
Ate beth: Sige maiwan ko muna kayong dalawa mga ma'am. Sabay alis nito kaya nginitian ko lang siya ganun din si Freen.
Nang makalabas na si Ate beth ay dahan² naman akong lumapit sa asawa ko pero imbis na mag stay sa kinatatayuan niya ay umiwas siya sa akin. Kaya nakaramdam ako ng kirot sa loob ko dahil halata sa mukha niya ang takot at trauma sa ginawa ko sa kanya.
Becky: Hon? Can we talk?
Hindi siya umimik at umiwas na naman siya papalayo sa akin kaya huminto ako. Tinititigan ko lang siya pinigilan ko naman ang mga luha ko na babagsak na. Katahimikan lang sa pagitan namin ay umalis ito at naiwan ako sa loob ng kusina kaya napabuntong hininga nalang ako at hinayaan ko nalang na magbagsakan ang mga luha ko. "Ang sakit ng ganito, hindi ako sanay na hindi pinapansin ng asawa."😢😢 Kaya pinahid ko ang mga luha sabay labas sa kusina nakita naman siya na karga niya si Cece pero umiwas nalang ako ng tingin at lumapit na sa mga kaibigan ko na nag iinuman sa sala habang ang ibang bisita ay nag uusap. Hindi naman na nagsalita ang mga kaibigan ko tungkol sa amin kaya kumuha nalang ako ng beer na nakalapag sa sofa table at tinungga ito.
.......
Ilang oras lang ay nagsiuwian na ang mga bisita at kami nalang ang naiwan andito parin ako sa sala kasama sila nagtatawan at nagbibiroan kami rito pero kahit binaling ko sa kanila ang isip ko ay hindi parin nawala sa isip ko si Freen.. kunti lang ang ininom ko kasi ayokong malasing ako. Napalingon naman ako ng may tumawag kay Irin at ito ang asawa ko na karga² si Cece na tulog na.
Freen: Irin, una na ako sa loob tulog na kasi si Cece, at mauna narin ako sa inyu.😊
Irin: Okay bes.😊
Kade & Nam: Goodnight Freen!😊
Tuluyan na nga itong nakapasok sa loob kaya nagulat naman ako ng may tumapik sa akin kaya napalingon ako sa gawing iyon at si Irin pala.
BINABASA MO ANG
My pregnant student [Complete]
FanfictionRebecca Patricia Armstrong is a Professor of Ateneo de manila university. Freen Sarocha Chankimha is a quiet student, mahiyain at hindi gaanong matalino sa klase.