FREEN'S POV:
*3 WEEKS AFTER*
* Tatlong weeks na magmula nung start ng klase at as usual, ganun parin ako late sa first sub. at laging napapagalitan ni Ms. sungit.. hindi ko alam bakit ang sama ng ugali niya sa akin at parang kinamumuhian niya ako.. pero hinayaan ko nalang siya dahil nirerespeto ko parin siya bilang isang guro . At sa tuwing masasalubong ko siya ay parang isang tigre na akala moy kakainin ka ng buhay! Hay!! katakot nga naman.. parang nasasanay narin ako sa masungit niyang pag uugali.. at hindi ko naman maiwasan ang marinig na bulung-bulungan ng mga studyante na parang ako laging pinupunterya ni Ms. ARMSTRONG pag nagagalit ito.. Sa tuwing papasok ako sa klase niya ng late ay pinapatayo lang niya ako sa upuan ko at hindi pinapaupo hanggang sa matapos ang kanyang klase, hindi rin ako nakakaligtas sa kanya sa tuwing oral recitation at araw² akong tinatawag nito pag oral na.. minsan nakasagot ako minsan hindi, kapag hindi ako nakasagot ay parang pinapahiya niya ako sa mga kaklase ko at tinatawanan lang nila ako pag may binanggit akong words na hindi kaaya-aya sa kanya at yun minsan pinagtataasan niya ako ng boses para naman ang mga kaklase ko ay tatawanan lang ako, sa totoo lang gusto kong umiyak sa harap nila pero pinipigilan ko lang dahil ayaw kong mapahiya nanaman, hindi kasi ako gaanong matalino.. masasabi kong masama talaga ugali niya.
* Weekend ngayon at nasa apartment lang ako, walang ginagawa kundi mag review ng mga lesson na nakukuha ko sa aking mga professor. Hindi ko rin maiwasan ang mga nangyayari sa akin at lagi nalang sumasama ang pakiramdam ko, nasusuka ako every morning at nahihilo rin minsan, hanggang sa bumisita ang kaibigan kong si IRIN, at sinabi ko sa kanya ang nangyayari sa akin.
Irin: Hi bes, musta?
Freen: Okay lang naman ako bes, ee ikaw? kamusta ka na rin?
Irin: Same to you bes, okay lang din.. wait dinadalaw kaba dito ng boyfriend mo?
Freen: 1 week na siyang hindi nagpaparamdam sa akin hanggang ngayon.😔
Irin: Ahh ganun ba?? tsaka okay kalang bes? namumutla ka kasi!
Freen: H-huh?? Ahh hindi Irin! Ilang araw nang sumasama ang pakiramdam ko at nasusuka ako every morning tas nahihilo rin ako minsan!😔
Irin: Huh?? (*Hinawakan ang noo ni Freen*) Naku bes, ang init mo.
Freen: Ahh.. iinom nalang ako ng gamot... (*Tatayo na sana ng biglang natumba at nawalan ng malay*)
Irin: Woi! bes, naku po! paano na tu.. (*lumabas at tumawag ng taxi*)
IRIN'S POV:
* It's weekend at nag decide akong bisitahin ang bestfriend kong si FREEN, naka ayos na ako at ready ng puntahan ang bestfriend ko at agad na akong nagpaalam sa mga magulang ko at dali² ng lumabas ng bahay, agad naman akong pumara ng taxi at sumakay!..... Sa ilang minutong pagsakay ng taksi ay agad na akong nakarating sa apartment ng bestfriend ko at kumatok sa pintoan at hindi naman nagtagal ay binuksan niya naman ito, nang masilayan ko siya ay iba na ang pakiramdam ko parang may sakit ito dahil napapansin ko na namumutla ito.. pagka pasok ko ay agad rin kaming nag usap... at sa kalagitnaan ng aming pag uusap ay tatayo na sana siya ng bigla siyang natumba at nawalan ng malay, natataranta na ako kung ano na ang gagawin ko sa kanya at wala narin akong nagawa kundi lumabas agad ng apartment niya at pumara ng taxi, at hindi nagtagal ay may taxi ng pumarada sa harap ko at dali² akong nag patulong sa driver ng taxi para alalayan ang bestfriend ko papasok ng sasakyan at pumunta ng ospital. Denial ko ang # ni NICKY para tawagan ito ngunit cannot be reach ang phone niya ilang beses kong tinawagan ito ngunit wala talagang sumasagot kaya tinigil ko nalang!...... Pagkarating namin ng hospital ay agad rin naman siyang inasikaso ng mga nurse at doktor.. kalahating oras akong naghintay, Tinawagan ko ulit si NICKY ngunit hindi talaga sumasagot! Si NICKY pala ay ang boyfriend ni Freen na isang myembro ng Philippine NAVY!.. Naghintay pa ako ng ilang minuto hindi parin lumalabas ang doktor..... naghintay ulit ako ng ilang minuto at yun may lumabas na ngang doktor at hinanap ang kamag-anak ni freen, agad naman akong lumapit sa doktor at nagpakilala!

BINABASA MO ANG
My pregnant student [Complete]
FanfictionRebecca Patricia Armstrong is a Professor of Ateneo de manila university. Freen Sarocha Chankimha is a quiet student, mahiyain at hindi gaanong matalino sa klase.