PROLOGUE

23 5 0
                                    

Typos and Grammatical errors ahead! Read at your own risk.
Long prologue ahead!

_____

[ Four days before the debut ]

I was about to enter the library when suddenly my phone rang. Agad kong sinagot ito kahit hindi tinitingnan ang caller habang lumalayo sa pinto ng library.

"Good afternoon, babe. I miss you!" The moment I heard his voice, I instantly smiled.

"Good afternoon din, babe. I miss you too!" Masigla kong bati sa kaniya. Hihi! Marinig ko lang talaga ang boses niya ay kinikilig ako. Wala eh, I'm so inlove with him!

"Ba't ka napatawag? Hmm, miss na miss mo talaga ako 'no, to the point that you can't wait to see me tomorrow?" Pagbibiro ko at mahinang tumawa. I heard his laugh kaya mas lalong napangiti ako.

"Of course babe. I miss you so much and I always will." Sagot niya. I giggled. Kaya mahal na mahal ko ito eh.

"I called you to ask about your upcoming birthday. What gift do you want? It will be your debut in four days and I can't wait to ask you this kaya tumawag na ako." Paliwanag niya. Mahina akong natawa.

"Sus! Ikaw talaga! Gifts are not necessary for my debut, you know that. Your presence is enough, okay? Lahat ng meron ako ngayon ay sapat na sa'kin." I paused. "Pero dahil alam kong mapilit ka, kahit ano na lang!" dagdag ko pa. Mahina naman siyang natawa.

"Noted Ma'am. Then, I'll see you tomorrow. I love you most!" He said cheerfully.

"See you! I love you more!" Nakangiti kong pinatay ang tawag at agad ding pumasok ng library.

He's Ephraim Lev Anderson, my boyfriend and a first year engineering student. While I'm Lorelei Zamora, a grade twelve student. We've been together for a year and our relationship is legal on both sides. Ang totoo ay magkababata talaga kami dahil magkaibigan ang parents namin at ang dahilan din kung bakit kami pinagkasundo. Hindi kami tumutol dahil bata pa lang ay gusto na namin ang isa't-isa.

Anyway, pumunta ako rito sa library dahil kailangan kong maghanap ng libro about sa topic namin sa Math subject, para makapag-advance study ako. Pambihira naman kasi iyong strict teacher namin na 'yon, he always gives us surprise tests! Tapos ang ibibigay niya na test ay hindi pa niya nadidiscuss. Mabuti na lang nagbibigay siya ng clue about sa topic na idi-discuss niya next week dahil doon din siya kukuha ng ibibigay niyang surprise test.

Napaangat ang tingin ko nang makita ang hinahanap dahil nasa mataas na bahagi ito ng shelf. Tumingkayad na lang ako para makuha ito. Malapit ko na sanang makuha nang biglang mahagip din ng kamay ko ang mga katabi nitong libro at babagsak iyon sa'kin. Wala akong nagawa kundi ang pumikit at iharang ang mga braso sa aking ulo.

I waited for it to hit me, but I felt nothing. Napadilat ako ng mata at tuluyang naibaba ang mga braso dahil sa nakita. Nakalutang ang lahat na librong babagsak sana sa'kin. Hindi makapaniwalang nakatingin ako rito habang ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng aking puso.

Pero agad akong napahawak sa dibdib nang biglang sumakit ito. Parang pinipiga ang puso ko dahil sa sakit. Napadaing ako at tuluyang bumagsak ng sahig dahil sa panlalambot ng tuhod. Kasabay ng pagbagsak ko ay bumagsak din ang mga libro.

"Lor! Ayos ka lang?"

"Gosh! What happened, Lor?!"

"Are you okay, Lorelei?!" Sunod-sunod na tanong ng mga boses ng aking mga kaibigan.

Hindi ako sumagot kaya inalalayan nila akong tumayo. Nakailang hakbang pa ako nang sumakit ulit ang puso ko at tuluyang nandilim ang paningin.

I Am Lorelei (On-Going)Where stories live. Discover now