01: It Starts with Infatuation

32 4 2
                                    

"Pasensiya na talaga miss. Uhaw na uhaw na kasi ako. Pwede ba munang maki-inom?"

Para akong naistatwa sa aking kinatatayuan. Hindi ako makapaniwala sa nangyayari.

Paano ba naman bigla akong kinausap ng crush ko, ngayon!

"Miss?" Natauhan na ako. Wala akong balak tanggihan ang favor niya kasi malaking pabor naman 'yon sa akin.

"Its okay. You can have my water para di ka ma-dehydrate." Alok ko sa kanya na ang mga mata ay napako roon sa sapatos niya. Nahihiya akong makipag-eye to eye contact kasi pakiramdam ko para akong yelong natutunaw.

"Thanks talaga miss. Naiwan ko kasi ang tumbler ko sa bahay." Sabi nito sa akin at inabot pabalik ang tumbler ko na kulay pink at may design na hello kitty.

"Welcome, Clark."

"Kilala mo ako?"

"Kilala ka ng lahat."

Natawa si Clark sa sinabi ko. "Di naman ako artista para makilala ng lahat. Ikaw ba anong name mo miss?"

Sasagot na rin sana ako at sasabihin ang pangalan ko pero tinawag na si Clark ng mga kasamahan niyang athletes na mga runner din tulad niya.

"Kita na lang tayo sa susunod. Salamat talaga sa favor. I owe you this time."

Pagkatapos 'non tumakbo siya at nanatili ako sa puwesto ko at naiwan .

Hindi ko nasabi sa kanya ang pangalan ko. Sayang ang pagkakataon. Sana ay makilala niya rin ako!

Si Eurah Richie Estacio na baliw na baliw sa isang gwapong student-athlete na si Clark Danielle Madrigal!!!

Crush naman kailan kaya ako magkakaroon ng chance sa 'yo?

Featured Song: Uhaw (Dilaw)


Untied Shoelace Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon