Malala na talaga ako.
Ginawa ko pa namang santo ang tumbler na pinag-inuman ni Clark. Kanina ko pa ito tinitigan at hinihimas. Siguro nga may sakit ako. At sobrang lala na. Isang sakit ng sobrang pagkahibang!
Kung may tinatawag silang crazy for love, meron ding crazy for crush!
Tulad ngayon. Gabi na pero imbis na matulog ay nandito pa ako sa facebook at palihim sinu-stalk si Clark habang yakap yakap ko ang pink hello kitty "special kasi may laway ni crush na tumbler" ko!
Crush ang hirap-hirap mong abutin habang tinitingnan ko ang profile mo ay nawawalan ako ng pag-asa. Hindi tayo magka-level. Sino ba naman ako? Kung hindi siguro ako madadapa sa harap ng maraming tao ay walang makakapansin sa akin.
Panigurado naman na sa babaeng maganda at ka-level mo lang ikaw magkakagusto.
Paano naman ako?
Kinabukasan, kahit hindi ako nag-aral ng lessons namin ay parang sumapi sa akin si Albert Einstein. Nasagutan ko pa rin ang quiz namin nang walang review-review. Si crush lang naman ang inisip-isip ko kagabi at nawala sa isip ko ang quiz namin.
Naka-one mistake lang ako! Grabe pala kapag inspired tayo, nagagamit natin nang tama ang utak natin.
"Bilib ako sayo bes, muntik mo nang malamangan si Roan na top one natin. Grabeng pag-re-review mo siguro kagabi!" Narinig kong komento ni Janice, maiksi ang buhok at chinita na friend ko. Parehas kaming medyo bobita at nag-a-active lang ang brain cells kapag gumagawa ng theory kung crush din ba kami ng crush namin.
"Siyempre naman ako pa." Pagmamayabang ko at hindi ko na sinabing di naman talaga ako nag-reveiw.
"Manlibre ka naman total mataas score mo sa quiz." Malakas ang pagkakasabi ni Janice pero parang hindi ko narinig.
"Ano ulit sinasabi mo. Di kita marinig." Pagdadahilan ko. Pasensiya na't namumulubi ako ngayon. May pinag-iipunan kasi akong mahalaga.
"Naku, bingi-bingi-an tayo eh nuh. Habang ako lagi akong nanlilibre sayo. Nakakatampo ka na Eurah ah!"
Narinig ko at dinig na dinig din ng lahat ang boses ni Janice. Hindi talaga marunong mahiya. Lahat tuloy ng classmates ay napapatingin sa amin. Inunahan ko lang siya sa paglalakad at di na pinansin.
Pagdating ng uwian, hindi kami sabay pauwi ni Janice. Naiwan pa siya sa school samantalang ako nauna nang umalis palakad sa mahabang kalye pauwi sa amin.
Class president si Janice sa section namin kaya dapat siyang sumali sa meeting kasama ang mga student-council officers para paghandaan ang paparating na intramurals sa school. 'Yan ang napapala ng bida-bida nanalo tuloy bilang class president kahit na ayaw niya. May pagka-bobita man ang friend ko responsable naman ito kahit papaano.
Hindi muna ako dumiretso pauwi sa bahay. Alas kuwarto pa naman ng hapon kaya maaga pa. Pwede pa akong gumala kahit sandali. Naisipan kong pumunta sa mall. May gusto lang akong i-check. Sapat na kaya ang ipon ko para mabili ang plano kong gift para kay crush?
Matagal ko nang pinag-iipunan ang balak kong gift para kay Clark sa birthday nito ngayong October 21 na kasabay ng first day sa intrams sa school namin. Tatlong araw na lang mula ngayon.
Featured Song: Baliw (SUD)
BINABASA MO ANG
Untied Shoelace
Teen FictionAn untied shoelace in the midst of the crowd. Infatuation trilogy #1: Untied shoelace.