"Okay ka na ba?"
Kanina binantayan ako ng kaibigan ko pero kailangan niyang umalis dahil pinatawag siya ng class adviser. Dahil wala akong makakasama nakita niya si Clark at naki-usap na pakibantayan muna ako.
Kung alam mo na lang na dahil sayo parang biglang nawala ang sakit ng ulo ko. Tanging puso ko na lang ang problema ko dahil ang lakas ng tibok at para nang sumasabog.
"Okay na ako ngayon. Di mo na kailangang bantayan." Baka mapansin niya pamumula ko, ang pag-init ng magkabila kong pisngi.
"Namumula ka? Sigurado ka bang okay ka lang?" Pag-aalala niya at sumandal papalapit kaya napatigil ako nang maiwan ang mga palad niyang nakasapo ngayon sa aking noo.
Napatikhim ako dahil di ko nakayanan ang bigat ng presensiya niyang parang nilalamon ako. Alam kong napansin niya na nailang ako sa paglapit niya nang ganun kaya lumayo siya at bumalik sa pagkakaupo.
Hindi ko alam kung paano basagin ang awkwardness sa pagitan namin.
Pero may bigla akong naisip.
"Anong size ng paa mo?"
Napatingin siya sa akin sa paraang di makapaniwala. Napaka-random kasi ng tanong ko.
"Bakit naman 'yan ang tanong mo?"
"Wala lang. Naisip ko na runner ka diba kaya na-curious lang ako kung ano ang size ng paa ng isang runner."
Pagdadahilan ko. Maniniwala kaya siya? Gusto ko lang naman malaman para mabili ko na ang sapatos niya.
"Nakakatuwa ka naman. Mukhang curious ka talaga. Sige na nga 43 cm." Sinagot niya pa rin naman kahit hindi niya alam ang sense ng pagtatanong ko.
"Ganun ba talaga kayong mga runner, malalaki ang paa?" Tanong ko ulit.
Napa-iling siya at abot tenga ang ngiti. "Hindi naman lahat. Depende iyon. Maiba na nga tayo ng topic. At baka susunod niyan ang itatanong mo naman ay kung mabaho ba paa ko?" birong saad niya.
"Maraming salamat pala last time. I remember na ikaw yung hiningan ko ng tubig." Kamot-ulo niyang saad. "Pasensiya talaga. Pero hayaan mo dahil babawi ako ngayon. Uminom ka rin sa tubig ko."
"Naku wala iyon. Huwag ka ng mag-abala may tubig naman ako."
Sinubukan kong hanapin ang pink ko na tumbler, at nakita kong nasa tabi ko lang ito. Si Clark pa nga ang nagkuha para sa akin. Magaan ibig-sabihin wala itong laman.
"Bakit ba ayaw mo sa tubig ko? Alam kong wala ng laman 'yang tumbler mo."
"Sigurado ka bang okay lang sayo maki-inom ako." Nahihiya kong sabi.
"Naku 'wag kang mahiya. Ako nga ang kapal ng mukha para manghingi ng tubig sayo kahit di tayo magkakilala." Nakangiting saad ni Clark at naiwan naman akong napatulala sa mga ngiti niyang iyon. Iba na talaga ang tama ko kanya.
"Teka, hindi ko pa alam ang pangalan mo."
"Eurah Richie Estacio."
"Anong gusto mo itawag ko sayo. Eurah o Richie?"
Love na lang kaya?
"Mas sanay ako sa Eurah." Ang naging tugon ko. Nakakahiya kong mangingibaw ang malanding intrusive thoughts ko na 'yon.
"Grade 12 ka rin ba ngayon? Sa anong strand ka?" Nagpatuloy siya sa pagtatanong.
Parang nagsisimula na kami getting to know each other na ganyan. Sobrang nakakakilig talaga. Ang marinig ang boses niya okay na, paano pa kaya itong pagtatanong niya sa akin nang ganito.
"GAS sa akin, STEM ka diba?"
"Paano mo nalaman?"
"Alam ng lahat 'yon?"
"Hindi naman lahat nakakakilala sa akin. Crush mo ako?" Sabi niya at marahang natawa.
Nahahalata niya bang crush ko siya? Bigla akong nanigas sa kaba.
"Huwag mong seryosohin. Nagbibiro lang ako."
"Baka ikaw ang hindi aware na student-athlete ka kaya marami talagang nakakakilala sayo."
Patawa-tawa kong sabi para makalusot. Dapat hayaan ko lang na sabihin niya sa akin bago siya pangunahan. Para maging natural ang pagsisimula ng pagiging friends namin.
"Oo na, hindi na ako makikipagtalo sayo Eurah?" Ginulo-gulo niya ang buhok ko na parang maliit na bata akong kinagigiliwan niya.
Ito ang unang beses na narinig kong binanggit niya ang pangalan ko! Parang ang expensive naman pakinggan ng pangalan ko kapag siya ang magsasabi.
"Nasira ko ba moment niyo?" Sabay kaming napalingun sa nagsalita. May nakapulupot sa bandang braso nito, lalaki, nakasuot siya ng basketball attire. Sa tingin ko ay siya kaibigan ni Clark na binabantayan niya dapat.
"Pre, okay ka na?" Hinarap ni Clark ang kaibigan.
"Mukha ba akong okay Clark? Paano ako makakapaglaro ngayong lunes kung nagka-injury ako." Busangot ang mukhang saad ng lalaki.
"Naku, mas inuna mo pang bantayan ang iba kaysa sa akin. Nakakaselos ka naman pre. Sino siya? Girlfriend mo?"
"Siya si Eurah. Friend ko." Pakilala ni Clark sa akin dun sa kaibigan niya.
"Friendly ka pala pre nuh. Parang kailan lang may ipinakilala ka ring friend sa akin." Tugon ng kaibigan niya at marahang natawa.
Parang medyo di ko nagustuhan ang pagkakadiin niya sa pagkakasabi sa friend. Nakakairita.
"Parang namumula ka na naman Eurah. Sigurado ka bang okay ka lang?" Bakas ang pag-aalala sa boses ni Clark. Ang hindi niya alam, siya ang dahilan ng kanina ko pang pamumula magmula kanina dulot ng magkahalong kilig at galit. Di ko maintindihan kung bakit nagagalit ako sa sinabi ng kanyang kaibigan.
Alam ko namang wala akong karapatang mag-selos pero mahirap pigilan ang bugso ng damdamin.
Featured Song: Namumula (Maki)
Next Chapter: May Pag-asa Ba?
BINABASA MO ANG
Untied Shoelace
Teen FictionAn untied shoelace in the midst of the crowd. Infatuation trilogy #1: Untied shoelace.