The following day was cold. Minsan na lang itong umuwi at kung minsan ay nagtatagal lang ito ng dalawa hanggang tatlong oras.
Busy'ng busy ba talaga s'ya sa trabaho?
"Aalis ka na?" Tanong ko ng makita itong nakabihis at nagmamadali.
"Yes, may kikitain akong importanteng kliyente" sabi nito habang inaayos ang butones ng damit.
Lumapit ako sakanya at ako ang nag-ayos ng damit n'ya "Date naman tayo baby, it's been months no'ng huli tayong lumabas" i said while pouting.
Ngunit inalis n'ya ang kamay ko sa damit n'ya at nagmamadaling kinuha ang suitcase sa lamesa."Pwede ba Hail may importance pa akong gagawin kaysa mag aksaya ng oras sayo" sabi nito bago tuluyang tumalikod at madaling umalis.
Naiwan akong mag-isa at naluluha dahil sa ginawa n'ya.
Busy lang talaga siguro s'ya...sana nga
Tumayo ako at pumunta sa kwarto at kinuha ang labahan na iniwan n'ya. Inihiwalay ko ang puti sa mga di-kolor na damit n'ya ngunit may napansin akong kakaiba sa polo n'yang puti.
Bakit may smudge ng lipstick sa polo n'ya?
Naluluha akong napaupo sa sahig habang puno ng pagtataka ang isip at sakit sa puso na animo'y sinasaksak ng mga balisong.
Ilang minuto pa bago ako natauhan. Tumayo ako at nagbihis bago nag-drive papunta sa kumpanya n'ya.
Sana talaga mali ang iniisip ko.
Pagkadating ko roon ay agad kong ipinarada ang kotse sa parking area at dire-diretsong pumasok sa building.
Mabili akong nakapunta sa opisina n'ya sa tulong ng elevator. Nakasalubong ko pa ang kanyang sekretarya sa hallway.
"Hi ma'am Hail" bati nito saakin ngunit hindi ko na s'ya nabati pa ulit pabalik.
Dire-diretso kong binuksan ang pinto ng opisina n'ya ngunit wala akong naabutan roon kahit isa. Kaya naman pinuntahan ko ang sekretarya ngunit nagulata ko ng sabihin n'yang naka-leave daw si Ford ng isang linggo.
"Akala ko nga po ma'am magbabakasyon kayo ni Sir eh" sabi nito habang takang-taka rin sa sinabi ko.
"May sinabi ba s'ya sayo kung saan siya pupunta?" tanong ko sa kanyang sekretarya.
"Wala po eh, pero sabihan ko po kayo kapag natawag po si sir" tinanguan ko lang ito at nginitian.
Lumabas ako sa kompanya na walang nahanap na impormasyon sa kinaroroonan ni Ford. Baka naman kasi secret lang 'yon. Pero dati naman sinasabi niya saakin palagi kung saan siya pupunta, nakakapanibago lang.
Sumakay ako sa kotse at binaybay ang daan pauwi nang bigla akong mapatigil ng makita ko si Ford na may kasamang...babae?
Bigla namang umugong ang kaba sa aking dibdib. Ipinarada ko ang sasakyan at saka marahang sumili kay Ford na papasok sa isang restaurant.
Pumasok ako sa restaurant nang hindi niya nahahagip. Umupo ako sa upuan malapit sakanila para marinig ko ang pag uusapan ng dalawa.
"Mr. Ignacio I'm sad to say but you only have a year to live" rinig kong sabi ng babae kaya't napukaw naman ang kyuryosidad ko.
"Wala na ba talagang ibang paraan para mabuhay ako Doc?" rinig ko ring sabi ni Ford.
what? may sakit ba si Ford? it couldn't be!
"As for now wala pa, your illness is not just a simple illness Mr Ignacio. Dederetsahin na kita pero kaunti lang ang posibilidad na maka survive ka sa sakit na 'yan." doon na ako naluha sa sinabi ng doctor.
so may sakit nga siya?
Tumayo ako bigla na gumawa ng ingay sa loob ng restaurant. Napatingin saakin ang mga tao ganoon na rin si Ford at ang doctor. Bakas ang gulat sa mukha ni Ford na nakatingin saakin.
Bakit hindi man lang niya sinabi saakin ang tungkol sa sakit niya?! he could've told me para kahit papaano ay matulungan ko siya, hindi iyong naglilihim siya saakin ng ganito!
Mabilis akong lumabas ng restaurant at diretsong pumunta sa kotse ko, rinig ko ang pagtawag ni Ford saakin ngunit hindi ko ito pinansin. Nang makapasok ako sa kotse ay saka na doon tumulo ang aking mga luha.
Kumakatok si Ford sa bintana ng kotse ko ngunit hindi ko siya pinagbuksan ng pinto.
paano niya nagawang ilihim saakin ang sakit niya? when in the fact that i am his girlfriend?
"Baby..." iyon ang narinig ko bago ko paandarin ang kotse at dire-diretsong nag drive paalis.