Chapter 12

333 7 0
                                    

"There you are!"

Lumingon lang ako habang nakatingin sa kanya. Lumapit naman siya at saka siya tumayo sa tabi ko habang nakapabuntong hininga.

"Glad I manage to catch you." Tumawa lang ako habang nakatingin sa kanya.

"It was really my intention to hide from you but knowing na alam mo pasikot sikot dito sa isla edi heto, I give up. Happy now? Mr. Anderson?" He smirked.

"I prefer you calling me Kasalanan or Sin than my surname." Inirapan ko lang siya.

"Dami mong arte."

Yes, hindi ako pumunta sa cabin namin or kahit sa cabin si Malcolm. I don't know why but I realized that I missed Sin. It's like I wanted to be with him, to spend my little vacation here for a while.

"You know what's one thing I missed here in the island?"

"Hmm? Me?" Sagot niya na hinampas ko naman siya.

"Not you jerk. But the sea breeze. And your friends.."

"You don't miss me?" I smirked.

"Why would I? You're the biggest jerk I know. You cheated on me, you left me for years without telling me the reason why you really have to do that to me. Aaminin kong nasasaktan pa rin ako Sin, nahihirapan akong kalimutan ka pero mas nahihirapan akong intindihin ka..."humarap naman ako sa kanya.

"Tulungan mo akong intindihin kung bakit ka ganyan Sin. Hindi pa kasi kita kayang mapatawad kaya hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako eh.." Bumuntong hininga lang ako saka siya tinalikuran.

Naninikip yung dibdib ko. Hinawakan ko naman mukha ko at napansin kong lumuluha naman ako. Ang sakit sakit pa rin kasi eh, mahal ko pa rin siya eh.

"Cana?" Agad ko namang inayos sarili ko at nilingon siya.

"Malcolm, may problema ba?" Nakangiti naman ako.

"Wala naman. Are you okay?" I nodded my head.

"Never been better. Sorry if I wasn't there to accompany you, there's just something happened." He suddenly hugged me.

"I understand." Hindi ko alam kung bakit niya ako niyakap pero ramdam kong ito ang kailangan ko ngayon.

Ilang minuto lang na pagyayakap namin kumalas naman siya at napatingin ako sa unahan nakita kong tinatawag ako ni Ellen, kasama asawa niya at mga kaibigan nito.

Mukhang yun ata ang sinasabi ni Sin na small celebration.

"Malcolm, punta muna ako doon ah? Andun kasi kaibigan ko na hindi ko nakikita ng ilang taon." He just nodded his head.

"Of course, you go and enjoy." Naglakad naman ako palayo sa kanya.

Sobrang bait ni Malcolm. Matagal na kaming magkakilala, aware akong gusto niya ako pero kahit anong gawin ko hindi ko kayang maibigay pabalik yung pagmamahal niya sa akin.

Kung sino pa itong sobrang bait sa atin hindi pa mapapa sa atin. Pero kung sa taong alam na alam nating red flag narurupok, tangina kasi nitong si Sin Anderson.

NANG MATAPOS na yung small celebration ay nakaupo lang ako sa dalampasigan habang nakatingin sa buwan. Langhap na langhap ko yung simoy ng hangin, sobrang lamig rin pero kayang kaya naman.

Nagulat naman ako ng may naglagay sakin ng kumot sa likod ko at tumabi naman ito sa akin.

"Thank you, Zach." Tumango lang siya.

"What seems to be the problem? You're not okay."

"Nothing."

"Cana, we've known you since you and Sin met before. You cannot deny that we know when you're not okay." Zach is the coldest person I know but when it comes to like this sobrang warm niyang person.

"I don't know, Zach. I still hate your friend.."

"After the game you just played together?" Ugh naalala ko bigla yung laro kanina, puro kasi by partner at rated spg yung mga laro.

"Well duh, yeah. It's just really hard to understand him. After niya akong lokohin at iwan matapos ng ilang taon magpapakita na parang wala lang nangyari? Baliw ba siya?" Nakapulot naman ako ng bato at tinapon ko ito sa dagat dahil sa galit.

"I know how mad you are but the reason why he did that to you it is for your own good." Nilingon ko naman siya.

"So, all of you know the reason? How could you!?"

"Before you get mad you should asked first why your boss is always there whenever you need someone. Why he stays by your side." Agad naman siyang tumayo saka tumapon ng bato sa dagat bago ito naglakad paalis.

What does he mean by that? My boss? Who? Malcolm? Does Malcolm know?

Hindi ako natulog sa cabin ni Sin kagabi alam niyang naiinis ako sa kanya, and I need space. Nasa labas lang ako since may duyan naman dito okay na ako.

And since I'm a woman na puro work here I am looking at my laptop working. Until I was surprised nung may tumawag, it's been a while!?

"Hello, Mom?"

"Oh honey I missed you. Dapat kasi sumama ka dito sa amin sa Russia eh."

"No, I'm okay here. Why did you call me? Ramdam na ramdam ko naman na na-excite siya.

"We're going back there 3 days from now." What!?

"Why? I thought you don't want to be here?"

"May business proposal lang and I want you to be there it's a family business." Bakit ako kinakabahan sa sinasabi niyang family business?

"Uhm..okay if that's really important. Just tell me when and where." When I'm about to hang up, nagsalita ulit siya.

"Parang hindi mo ako namiss ah?" Here we go again.

"Bye, mom." Agad ko lang pinatay yung tawag.

I don't really have a good relationship with my parents simula nung nag college ako. I wasn't happy with them dahil kinokontrol nila desisyon ko that's the time I met Sin. He was my happiness, my home. But everything was ruined when he also left me.

I haven't seen and communicate with my family fot like years kaya nagulat akong tumawag siya bigla. Isasama talaga nila ako sa Russia but I refused and begged that I wanna stay here in the Philippines and wanna have a good job and he independent. Gladly sumunod sila pero ang kondisyon ay mag communicate kami for business and dapat kasama ko si Malcolm. That's the time when Sin left me, Malcolm appears and became my friend and nakilala rin ng parents ko and now he's my boss.

Hopefully this family business turns out to be good.

I spend more time with my friends here and also Sin dahil aalis ako ng maaga dito sa isla.

"Looks like you missed me." Sambit niya habang kumakain. Inirapan ko lang siya.

"You should really be thankful na pinagbigyan kita sa gusto mong makuha ako for ilang days."

"What could be the reason?" Tumawa naman siya. Bigla naman akong napangiti dahil sa tawa niya.

I can't deny that I missed this guy. Habang sa tinatagal tagal naming nagsasama ngayon parang bumabalik kami sa dating kami. Hindi ko naman ipagkakaila na mahal ko pa rin siya but does he feel the same? I don't know.

Natatakot ako.

"By the way, I have a little surprise for you."

Authors Note:
Hey readers. Sorry for the very late update these days, I know you all waiting for updates. Nawalan lang ako ng gana but I am trying my best to finish this because I have another story ideas to make. Thank you for still reading! Mwa!

Obsession Series 4: Sin AndersonWhere stories live. Discover now