CHAPTER 1

1K 20 15
                                    


"I'M NOT ALLOWED to mess up."

Andre made that his mantra for the past two decades of his life. Living for thirty-three years in a messed-up family was the irony he couldn't avoid. Mas lumala pa noong nakilala na niya ang pamilya sa side ng ama.

"Nasaan ang minutes of meeting?" tanong niya kay Ronan, ang assistant niya.

"I have here, sir." Nagmamadali nitong binuksan ang dalang folder para ilahad sa kanya.

"Ano 'yong sinasabi ng board na may tatakbo pang CEO ngayon na balak nilang isama sa botohan?"

"Sir, I-I have no idea, sir. Pero nag-announce po sina Sir Guen na ime-meet daw po nila ang taong 'yon by tomorrow kaya iwan na lang daw po ang lahat ng queries and appointments sa secretary niya."

"Saan ang meeting?"

"Wala pong in-announce, sir, maliban sa schedule na wala sila sa office."

It's been five years since they were formally introduced as Henry Fortejo's sons. Binigyan ng kanya-kanyang shares at hotels; pinagparte-parte sa kanilang mga anak ang mga mana. But the idea of sharing wasn't in Andre's vocabulary. He always believed that all of Henry's wealth was his because he was the first son. Kaya mula sa pamanang hotel at isla sa kanya sa Sagrada, sinugalan niya ang pagpasok sa corporate world ng Fortejo Resorts and Hotels three years ago.

It was a huge risk dahil kailangan niyang isuko ang management sa sariling resort, pero hindi siya kahit kailan makokontento sa isang isla lang kung puwede naman niyang makuha lahat.

He has stayed as executive vice president for the past three years thinking na oras na bumaba ang CEO ng kompanya, madali na lang sa kanyang pumalit dito. But he already sensed that the board was eyeing someone for that position. At hindi siya papayag na mauwi lang sa wala ang lahat ng pinaghirapan niya.

"Saan ang meeting ni Guen mamaya?" bungad na tanong ni Andre sa secretary ni Mr. Guen Salves, ang chief compliance officer at isa sa shareholders ng Fortejo Resorts and Hotels.

"Sir?" gulat na tanong ng babaeng sekretarya nito, pinandilatan pa niya.

Imbes na sumagot, ibinagsak lang ni Andre ang kamao niya sa desk ng secretary ni Mr. Salves, minamata ang babae. "Sir, sa lobby po," maagap na sagot nito, pinanlalakihan siya ng mata gawa ng takot.

Pairap siyang tumalikod dito at dere-deretsong naglakad patungong elevator.

Hindi pa bumababa ang dating CEO pero may gusto na silang ipalit—at malas ni Andre dahil hindi siya ang taong iyon. Sunod-sunod ang tunog ng suwelas ng sapatos niya habang nagmamadaling nilalakad ang hallway papuntang lobby ng building sa ground floor. Sinasalubong niya ang

lamig ng AC kahit nagsisimula nang uminit ang ulo niya. "CEO, huh?" naiinis niyang bulong sa isip.

Pagliko niya sa kaliwa, sa gitna ng mga pabilog na upuan, nakita niya roon sina Mr. Salves kasama ang iba pang member ng Board of Directors kahit pa hindi sila kompleto. Inaasahan niyang may hindi pamilyar na mukha siyang makikita pero nanliit ang mga mata niya nang mapamilyaran ang mukha ng babaeng matikas ang tindig at matalim ang tingin nang lumingon sa direksiyon niya.

Nagtaas din siya ng mukha at nakapamulsang lumapit sa mga ginoo. "Good morning, gentlemen."

Mula sa matatamis na ngiti, natunaw iyon sa labi ng mga board member pagkakita sa kanya.

"Mr. Fortejo, good morning," bati ng ilan sa mga naroon. Andre was eyeing the lady in front of him. She was almost his height, but the heels made that illusion reasonable. To think na six feet flat na ang height niya. She wasn't wearing heavy makeup, but her eyeliner made her cat eyes more furious, challenging him with every stare. Her thick brown coat hid her body and that saved her from being objectified by these men around her. But her face screamed authority at ramdam niya 'yon.

Fortejo Bastards: Alessandre FortejoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon