CHAPTER 3

1K 20 18
                                    


LAGING NARIRINIG NI Andre sa mga nakakakilala sa pamilya niya na masuwerte siya dahil ang laki ng pagkakahawig nila ng amang si Henry. But that only made the comparison worse.

Andre was six feet tall and stood gracefully. He loves his black hair neatly combed and waxed. Stubbles are shaved daily. His brown eyes barely spoke of happiness but much of annoyance. His nose and thick brows complemented his oval-shaped face. His lips were thin, and his smile was a rare visitor to them. He never had any piercings or tattoos and loves to wear conventional or boring clothes.

Some would say na wala nga raw siyang personality. Para siyang lalaking meron lang magandang mukha pero walang kaluluwa.

But some ladies loved the idea of taming him until they learned that he had a girlfriend.

Pero ilang araw nang blangko ang pakiramdam niya sa romantic part ng buhay niya at lalo lang nadagdagan ang porsiyento ng sama ng loob niya pagdating naman sa professional part.

Charlie's third day inside Andre's office was a weird day for everyone. Gaya kahapon, hindi makikitang maupo sa mesa niya si Charlie. Lagi itong may dalang mga papel na naka-stapler, kung hindi man ay mga lumang folder o mga clear book na galing pa sa storage room kung nasaan ang archives ng floor na iyon.

Nangangasim ang mukha ni Andre habang nakatingin sa kalahati ng opisina na punong-puno ng mga pinagpatong- patong na mga papel at folder.

"Sir, approved na raw po ang proposal n'yo. Nakapag- send na po ng email sa office natin," sabi ni Ronan.

Nakasunod pa rin ang nangangasim na tingin ni Andre kay Charlie, hindi pinansin ang sinabi ng assistant. Saglit pang huminto ang babae sa tapat ng mesa niya nang marinig ang tungkol sa proposal. Nagkasalubong tuloy ang mga tingin nila.

"Congrats," simpleng bati lang nito at nagtuloy-tuloy sa mesa dala ang bitbit na panibagong batch ng mga folder.

"Binabasa mo ba 'yang lahat?" naiiritang tanong ni Andre, duro-duro ng sign pen ang kalat sa sahig.

Naglalakad si Charlie palabas ulit ng office nang lingunin siya. "Of course."

"No, you're not," kontra ni Andre.

"Marunong ka pa. Ikaw ba'ng nagbabasa?"

Paglabas na paglabas ni Charlie, tumayo agad si Andre at dinampot ang mga papel na pinaglalapag ni Charlie sa mesa nito.

"Quarterly reports? Wala ba siyang laptop para hingin ang soft copies nito?" Ibinagsak niya ang isang folder at dumampot naman ng nasa sahig. "Annual Review." Dumampot na naman siya ng isa. "Financial Charts."

Napatindig nang deretso si Andre. Mukhang nagpapalakas sa committee ang kalaban niya sa nomination bilang CEO. Pero napangisi na lang siya habang iniisip na alam na niya ang laman ng mga babasahin pa lang nito. Baka nga isa pa siya sa nag-approve ng laman ng mga pinagdadala nito sa mesa.

Mula sa mesa ni Charlie, pumunta naman si Andre sa may pintuan at sumandal sa hamba, nagkrus doon ng mga braso at pinanood ang babae na maglakad bitbit ang panibagong set ng mga folder mula sa storage room sa kabilang dulo pa ng floor.

Charlie walked with elegance even when she was not looking at her path. Her brown-dyed hair bounced with every step. She smiled every time an employee greeted her along the way. Her maroon halter-top dress served as an extension of her flawlessly curved body. She was perfect, and he hated it.

Andre wasn't sure if he would bask in the idea of spending his office hours with this sharp-tongued goddess. "Bagong pinto ka na ba?" tanong ni Charlie nang huminto sa harapan niya.

Fortejo Bastards: Alessandre FortejoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon