ANDRE WASN'T FEELING anything. Sa loob ng utak niya, iniisip niya kung may maghahanap pa ba sa kanya kung mawawala siya. He was alone. His girlfriend cheated on him. He never treated his brothers as family. Kapag kasama niya ang lola niya, wala naman itong bukambibig kundi comparison sa kanila ng papa niya.
Living was harder than he thought, and all he wanted was to shut the voice inside his head, telling him to take everything from everyone because he deserved it.
Ilang taon siyang naghanda para sa posisyon ng pagiging CEO, at kung alam lang niyang puwede palang kumuha ang Board sa mga resort na under ng mother company, sana hindi na siya umalis sa resort na bigay sa kanya ng ama.
But it was too late for regrets. Kailangan niyang kumilos. Hindi pa naman bumababa ang CEO at wala pang botohan kaya tinatawanan na lang niya ang kawalan ng opisina ni Charlotta Reginente sa building nila.
"Wala ring available room sa tenth floor."
"Saan mag-oopisina si Ma'am Charlie?"
"Bumalik siya sa kung saang lupalop man siya nanggaling at doon siya mag-opisina," parinig niya habang kasabay ang ibang manager sa elevator.
Dalawang araw nang hinahanapan ng puwesto si Charlie sa building at walang makitang tamang lugar para dito. Hindi puwede sa cubicle ng mga office clerk. Hindi puwede sa Office of the President o kahit ng mga vice president. Mas
lalong hindi pa ito puwedeng mag-stay sa Office of the CEO dahil kahit si Andre ay aalma roon.
Magdiriwang na sana si Andre sa ikatlong araw nang pagpasok niya sa opisina ay bumungad agad sa kanya ang sariling mesang nasa kanang sulok at may isa pang mesa sa kabila.
"What the f—"
Everyone could read his anger written all over his face. Pabagsak niyang binuksan ulit ang pinto at sinigawan ang buong floor habang pinandidilatan ang lahat.
"Sino'ng gumalaw ng opisina ko?! Ronan!"
Mula sa kabilang dulo ng floor, nagmamadaling tumakbo ang assistant niya tangay-tangay ang mug na punong-puno pa ng mainit na kape. Halos mahubad na rito ang suot na salamin kamamadali.
"Sir, sorry po!"
Duro-duro ni Andre ang loob ng opisina niyang hindi na lang kanya sa mga sandaling iyon.
"Kailan pa ako nag-utos maglagay ng isang mesa sa loob, hmm?" gigil na tanong niya sa assistant.
Nakangiwing sumagot si Ronan, payuko-yuko habang alok-alok ang mug ng kape sa boss niya. "Sir, hindi ko rin po alam kung sino ang naglagay niyan." Lumapit pa siya sa amo para bumulong. "Pero ang narinig-rinig ko po kina Sir Guen, diyan na raw po sa inyo mag-o-office si Ma'am Charlie tutal pareho naman daw po kayong candidates as CEO."
"What?!" gulat na sigaw niya, at kahit si Ronan ay muntik nang maitapon ang kapeng laman ng mug sa pagkagulat.
Nagtitiim ang bagang niya at halos lumabas ang litid sa leeg nang lakarin ang aisle papuntang elevator. Pero nasa gitna pa lang siya, bumukas na iyon at lumabas mula sa loob nina Mr. Salves at Charlie na nagtatawanan pa. Minata agad niya ang buhat na box ng babae kaya napahinto na siya sa gitna ng daan saka namaywang.
"Good morning, Mr. Fortejo," Mr. Salves greeted. Hawak ng isang kamay nito ang likod ni Charlie at turo-turo naman ng kanan ang bitbit ng babae. "By the way, we apologize for the late notice. Sa office mo muna mag-i-stay si Miss Reginente habang hindi pa official ang position niya rito sa kompanya."
Natawa nang sarkastiko si Andre at paismid na tiningnan si Charlie na nakangisi na naman sa kanya.
"Late notice or you intentionally didn't inform me ahead of time?" he irritatedly asked.

BINABASA MO ANG
Fortejo Bastards: Alessandre Fortejo
Roman d'amour(WARNING: R-18) Alessandre Fortejo abhorred his father and lived in the shadow of his mother's dream for him. Nasa plano niyang angkinin ang lahat ng yaman ng mga Fortejo ngunit nagbago ang lahat nang malaman niyang panganay lang siyang bastardo sa...