Sa isang malaking gusali na napapaligiran ng maraming security personnel, maraming nagsisidatingang bisita. Lulan ng kani-kanilang mga luxury vehicles. Magagarbo ang kanilang mga kasuotan. Nakakasilaw ang suot na alahas ng mga kababaihan. Matikas ang mga kalalakihan sa kanilang tuxedo.
Ang loob ng gusali ay binibigyang liwanag ng libu-libong LED lights. May malamyos na musikang nanggagaling sa 21-piece string orchestra. Walang humpay ang inuming alak na tangay-tangay ng mga unipormadong waiter.
Isang itim na limousine ang tumigil sa harapan ng gusali at lumabas dito and isang lalaking medyo may edad na, may hawak-hawak na briefcase.
"Mr. Montemayor! Welcome back!" Puno ng kasiyahang bati ng isang lalaki na siyang nakatokang bumati sa mga bisita at parokyano ng casino. "Kanina pa naghihintay ang iyong mga panyero."
Tumango lang and matanda at dumiretso na sa loob. Tuloy-tuloy lang any lakad niya patungo sa kinaroroonan ng kanyang mga panyero na naka-upo na sa palibot ng blackjack table. Siya na lang talaga ang hinihintay.
"Panyero, finally! Let's get started." Bati ng isa.
Nagsimula nang mag-deal ng baraha ang kanilang dealer.
Walang imikan sa kanilang grupo. Masinsinan ang kanilang paglalaro. Pare-parehas silang gustong manalo at mag-uwi ng malaking pera. Tanging maririnig sa kanila ay "Hit. Stand. Double. Split. Surrender."
Habang palalim nang palalim ang gabi, painit naman nang painit ang kanilang laro. Naubos na ang casino chips sa harapan ni Mr. Montemayor, na kanina lang ay napakarami. At sa kagustuhang makabawi sa gabing ito, at sa mga nakaraan pang mga gabi, inilabas niya ang mga papeles mula sa kanyang briefcase. Tinungo niya ang opisina ng casino. Pagbalik niya sa kanilang table, marami na naman siyang chips.
Hindi namalayan ni Mr. Montemayor ang oras hanggang sa naubos muli ang kanyang chips. Wala nang nagawa ang matanda kundi umuwi na. Bakas sa kanyang mukha ang pagka- balisa at panlulumo sa kanyang nagawa. Naipatalo niya ang kanyang mga ari-arian sa sugal. Ari-arian na dapat ay para sa kanyang mga anak.
"O, Diyos ko, ano itong nagawa ko?" Mutawi niya sa sarili habang lulan na ng limousine pauwi sa kaniyang mansion.
"Sir, nandito na po tayo." Maya-maya'y sabi ng kaniyang driver. Hindi na niya namalayan na naka-uwi na pala sila.
Pagbaba niya sa sasakyan, bigla ang pagsikip ng kanyang dibdib, hindi siya makahinga. . .
BINABASA MO ANG
Sold to the highest bidder
RomansShe needed money. He needed a wife. She sold herself to the highest bidder. He paid a large amount of money for her. Bound by fiery passion, will they ever find love in their marriage when everything started with a pricetag? Date started: July 4, 20...