1

911 18 0
                                    




London, England.

Kararating lang ni Ruby Cristine Montemayor sa kanyang accommodation malapit sa unibersidad na pinapasukan niya. Ito pa lang ang kanyang unang semestre dito sa London. Kinailangan niyang umalis sa Pilipinas at mawalay sa kanyang pamilya dahil sa kagustuhan ng kanyang ama na dito kumuha ng kanyang Master's Degree in Business Management bilang paghahanda sa pagpasa sa kanya ng mga responsibilidad ng kanyang ama sa pamamahala ng kanilang mga negosyo kapag ito at nagtetiro na. May katandaan na rin kasi ang kanyang ama, sa edad na 61 at gusto na rin nitong magpahinga at mag-enjoy na lang sa buhay.

Kumusta na kaya sila sa Pilipinas? Naisip niya. Tatawag ako mamaya, pagkatapos kong magshower at magbihis. Sabi niya sa sarili.

Hawak na niya ang kanyang iPhone para i-dial ang number ng kanyang bunsong kapatid na si Amethyst, nang bigla itong mag-ring. Tawag galing sa kanyang nakababatang kapatid na si Emerald. Napangiti ito, "haaaay itong mga kapatid ko talaga, pare-parehas kami ng wavelength ng utak", bulong niya sa kanyang sarili.

"Hello, Emerald!" Masayang pagsagot niya sa kanya iPhone. "Kumusta kayo? Si Daddy, kumusta?"

Ang tanging naririnig niya sa kabilang linya ay ang pag-iyak ng kanyang kapatid. "Bakit, Emerald? Anything wrong? Anooo? Magsalita ka naman!" Nagsimula na siyang mag-panic dahil sa inasal ng kanyang kapatid. 

Maya-maya pa at narinig niya ang gumagaralgal na boses ng kanyang kapatid. "A-ate, si Daddy.... "

"Ano nga?!!" Paasik nang turan ni Ruby dala na ng kaba.

"Wa-wala na siya ate."

"A-anong ibig mong sabihin?"

"Inatake siya sa puso kaninang madaling araw, ate. Dead on arrival na sa hospital."

Wala nang salitang namagitan sa dalawang magkapatid. Ang tanging maririnig na lang ay ang kanilang mga hagulgol.

"I'm coming home." Maya-maya'y sabi ni Ruby sa kapatid.

"Sure ka ate? Paano yung schooling mo?"

"Bahala na. Ang importante ngayon, si Daddy."

=====@=====@=====@=====@=====

Manila, Philippines


"Ate!" Patakbong sumalubong ng yakap si Amethyst sa kanyang ate Ruby pagdating nito sa kanilang mansion at saka nag-iyakan.

"Si Emerald?" Tanong nito.

"Siya ang nasa funeral parlor ngayon ate. Ako na lang ang naiwan dito para hintayin ka. Maya-maya pupunta din ako dun. Mag pahinga ka na lang muna ate."

"Hindi, sabay na ako sa'yo. Magsa-shower lang ako. Hintayin mo na ako."

=====@=====@=====@=====

Walang humpay na iyakan ang nangyari pagdating nina Ruby at Amethyst sa funeral parlor, dito na rin nila inabutan si Emerald na siyang humaharap sa mga bisitang dumadalaw sa labi ng kanilang ama. Maraming taong naroroon, mga kaibigan, kamag-anak, pati na ang mga empleyado sa mga kumpanyang pag-aari ng yumao.

Bakas sa mukha ng mga  nakikiramay ang lungkot dahil mabuting tao si Conrado Montemayor, awa na rin dahil kamamatay lang din ng kanyang asawa na si Jewel Montemayor tatlong buwan pa lang ang nakakalipas.

Ngayon ay ulila na sa ama't ina ang magkakapatid. 

Kagaya ng burol, marami rin ang pumunta sa libing ng kanilang ama. Dito bumuhos ang mas matindi pang emosyon, kung ihahambing sa nakalipas na mga araw. Dito nila nakita kung gaano karaming tao ang nagmamahal sa kanilang ama. At ito na ang huling paalam para sa kanilang ama, at huling pagkakataon para masilayan ito. 




Sold to the highest bidderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon