CHAPTER 2: JESSICA LOUISE MENDEZ

208 3 0
                                    



"Si Kuya talaga kahit kelan parang sira lamang!  Daig pa niya ang matandang dalaga na inurungan ng regla!" naiinis na sabi ni Rian na kalalabas lamang ng banyo at may hawak na towel na itinituyo nito sa basang buhok.

Hindi ako kumibo na ipinagpatuloy ang ginagawang pagsusuklay sa buhok ko sa harap ng salamin.  Nauna ako rito na mag-shower at nakapagpalit na rin ng damit pantulog.  Babiyahe ako nang mga alas singko bukas ng umaga para hindi ako ma-traffic.  Mga nine ng umaga ako madalas mag-open ng shop na nakatayo sa may bayan ng San Cristobal at malapit sa catholic school kung saan ako nag-aral.  My hometown was a simple community of good people.  Buhay pa sa San Cristobal ang magandang trait ng mga Filipino.  Naranasan namin iyon nang mamatay si Lolo noong isang taon.  Na-touched ang mga magulang ko lalo na si Mommy sa naging mainit na pagtulong sa amin sa mga panahon na nagdadalamhati kami at bagong balik mula sa Pilipinas.  Marami sa amin mga kapitbahay na kakilala rin nina Mommy at Daddy ang tumulong sa apat na araw na burol ni Lolo.

"Alam mo na kanina pa pagdating nila ay mainit na ulo ng kuya mo," sabi ko na lamang.  Wala ang anino ni Gina sa apartment.

"Kaya idadamay niya pati si Marc?" mulagat na tanong nito habang isinasabit ang basang towel sa rack na nasa gilid ng kama nito.  "Nakakahiya sa tao.  Inilibre na nga tayo ng dinner ay naihatid pa tayo.   Kung hindi nga lamang ba ikakasal na 'yan si Kuya iisipin ko may gusto pa rin siya sa 'yo."

Pakiramdam ko nag-init ang buong mukha ko sa sinabi ni Rian.  Mabuti na lamang at abala ito sa ginagawa at hindi nakita kung paano ako naasiwa.  Pa rin? Anong pa rin?

Pilit na tumawa ako para itago ang pagkailang.  "Alam ko na alam mo na high school pa lamang tayo ay ayaw na sa akin ng kuya mo."

I tried not to lace my voice with bitterness.  Hindi ko naman siya masisi kung hindi niya nagustuhan na masyado akong forward sa kanya rati.  Hindi niya ako pinapansin.

Napatingin si Rian sa akin pagkuwa'y natawa sa buong pagtataka ko.  "Anong nakakatawa?"

Tumatawa pa rin ito.  Nang makita ang pagtataka sa mukha ko ay napakunot ang noo niya na tila hindi makapaniwala bakit ako nagtataka.  Napaupo ito sa gilid ng kama habang nakatanga pa rin sa repleksyon ko sa salamin.

"You are kidding, right?  My brother liked you even before we've met in high school!  Well, I thought you rejected my brother that's why he ended up courting Gina."  She made a face as she mentioned the name of his fiance.

Higit sa panlalaki ng mga mata ko ay ang tila panlalamig ng mga palad ko.  Paano nangyari iyon?  Imposible. He didn't hide how much he disliked me then when I kept on showing interest.  Madalas na sinusupladuhan niya ako kapag nagpupunta ako sa bahay nila.  When his buddy, Anthony na super crush ko rin ay niligawan ako, hindi ako nag-isip at sinagot ito. Baka sakaling magselos siya.  But I was wrong.  Instead he put a lot of distance more.  After two months, nalaman ko na lamang na niligawan niya si Gina.  That broke my younger heart.  He was like a forbidden fruit in the Garden of Eden.  Hindi ko makuha.

Kumunot ang noo ni Rian nang titigan ako.  "Are you okay?  I'll have an early night.  Itutulog ko na inis ko kay Kuya na menopause," inis na sabi nito na tumayo na at lumipat sa kabilang side ng kama.  Nanatili lamang ako na nakatulala sa salamin.

Natitigilan pa rin na nakatingin lamang ako kay Rian. My heartbeat doubled.

📌 Year 2024 new preordering in hardbound bundle
📌 PROMO form is available until January 31 ONLY
📌 REGULAR PREORDERING after January 31
📌 FULL PAYMENT/INSTALLMENT
📌 SOLD AS BUNDLE only (With You Softbound/Hardbound)
📌 AVAILABLE IN VVIP 2 membership

E-book at www.nobelista.com

A Mistaken Love Affair (2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon