TFQBS lll - 8

53 7 1
                                    

Tahimik silang nagalmusal. Kanya kanya ng iniisip. Nang magising si Czai bandang alas dyes ng umaga ok na siya.


Beh..gusto mo sabay ka na sakin? Tanung ni John pero umiling lang ito.









Linggo ang binilang bago sila muling nagkita kita sa skype session nila



Kamusta na si Czai,Princess? Bungad agad ni Min. Kasalukuyan siyang nasa hotel room at namimili ng isusuot. May party sa Nikkon Hotel at pupunta sila ni Yong.


Sa iisang hotel lang naka check in ang apat.


Ok naman siya pero me lagnat daw kaya nag halfday lang.. Tinawagan niya ako kanina. Sabi ni Diane habang nagpe pedicure.



Nagkita kami wala naman siyang nabanggit. Sabi naman ni Yong na nakaasuot na mg trademark wig niya. Hoy bakla bilisan mo kanina pa ko naghihintay.. Tawag niya ng atensyon kay Min.



Wait lang sisteraka. Im deciding between purple and lavender. Nakapout na sagot ni Min.


Nagtatanggal naman ng makeup si Shin na puno ng cold cream ang mukha at nakabalot ng twalya ang buhok. Wiz na akey sasama beh napapagod na akez. Sabi niya kay Min at Yong na nagyaya kanina pa. Si John ang yayain niyo mukhang kulang sa dilig ang lola nyo. Kanina pa simang oh!


Tumawa ng pilit si John. Hindi alam ni Shin na sinusundan niya ito. Pero kung hindi ito umaattend sa fashion shows, nasa hotel room lang ito naglalagi. Nagdadalawang isip tuloy siya sa sinabi ni Trish.

Hindi kaya namalikmata lang ito kay Shin?


Nag vibrate ang phone niya at nag  check siya ng message.


Baby Im going up.

Galing kay Trish ang message.



Beh maya na lang ulet ha maliligo muna ako. Di na ako sasama sa party...sabi niya at nag logout agad siya sa skype.







Naka simpleng shorts at printed blouse si Trish ng pag buksan niya ng pinto.


Baby.. Bati ni Trish sabay halik sa lbi ni John.


Ok ka lang beh? Tanung niya agad matapos haplusin ang pisngi nito.



Ok lang. Kamusta pala kayo? Anung nangyari nung reunion?
Parang balewala na tanung nito.


Tinitigan ni John ang babae. Alam na alam niya ang iniisip nito. Nakikibalita kay Shin, napabuntonghininga siya.



Stop it beh.. Youre just hurting yourself..sabi niya kay Trish.


Are you going to leave me too? Mahinang tanung nito sa kanya.


No. Ikaw lang naman ang inaalala ko beh. Nilapitan  niya si Trish at niyakap. Kalimutan mo na siya.
Im here. I can be whoever you want me to be.


Mataman siyang tinitigan  ni Trish.
Feeling mhin Johnny baby? Tila nang aasar na sabi nito.



Natahimik siya. Kilala niya si Trish. Oras na malaman nito na nagkakagusto na sa kanya ang isang bading iiwan siya nito. Maghahanap ng bagong adventure.



Hindi naman siya nagkakagusto dito. He has asked herself a lot of times pero ang concern niya kay Trish ay di niya maipaliwanag. Basta alam niya na dapat na itong tumigil sa paghihiganti sa mga bading para lang mapansin siya ni Shin.




Iyon ang isa sa iniiwasan ni John. Its a destructive behaviour and in the long run si Trish ang magmumukhang kawawa.




Sa ilang buwan ng pagsasama nila, he has grown fond of her. Pero hindi nito maintindihan na dapat na itong mag move on. Shin will not love her back. Kilala niya si Shin. Pag ayaw nito hindi mo mapipilit.



Pag ba concerned feeling mhin na beh? Tanung niya dito.



Natawa si Trish. Bakit ba ang tagal bumigay ni John? Yung ibang bading na nakarelasyon niya ilang months lang iniiwan na niya pero si John almost a year na sila. Pero patuloy lang ito sa pagiging mujer.




Kinakalawang na yata ang style niya.

the FabQuad : Beki Series IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon