TFQBS lll - 9

54 7 2
                                    


Dinala ni John si Trish sa Puerto Galera para makapag isip.


Naglibot sila sa at namili ng souvenirs. Maghapon na kinalimutan niya ang wig niya at mga dresses. Inaliw niya ang babaeng baliw na nagpapagulo sa mundo niya.



Madilim na nang makabalik sila sa nirerentahang cottage. Nauna na siyang maligo, palabas na siya ng kwarto ng marinig na may kausap si Trish sa phone. Babalik na sana siya sa kwarto ng maulinigan ang sinsabi nito.





...oo girl. I think malapit na siyang bumigay.. I kinda like John. But you know me, Im not called a bading killer for nothing... Natawa pa ito sa huling sinabi. Natigilan siya.

Maghapon nga he became my escort. Gwapo siya at sweet kung magiging lalaki siya...dagdag pa nito. The moment he become a man, gora na ako...






Pumasok siya sa kwarto at umupo sa gilid ng kama.


For the first time in her life, natatakot siya. Iiwan na siya ni Trish at parang nanghihina na agad siya kahit hindi pa ito nangyayari.
She decided not to wear her wigs and dresses to prove to her that she can be her boyfriend too pero mukhang nag backfire ang plano niya.





She was somehow changing her lifestyle to fit Trish pero mukhang ito ang magiging dahilan ng pagkakalayo nila.



John bit her lip. Bigla siyang nainis kay Shin. Bigla siyang nakadama ng inggit na ito ang patuloy na dahilan kung bakit nagkakaganito si Trish.




Pero bakit John? Tanung niya sa sarili. Sino ba si Trish? Shes just a hopeless girl na di ko dapat pinag uubusan ng oras ko...

Because I care dammit!
Naiinis na sagot niya sa sarili niyang tanung. Somehow, Trish has gotten under his skin. She wormed her way into his life. The inevitable happened. He now feels something for her.



Lumapit siya sa dalang bag at hinalungkat ang summer dress niya.
Pati na ang wig at alahas na madalas niyang ginagamit.




Napanganga si Trish ng pumasok sa kwarto. Naka bihis si John. Naka make up at naka ayos.



Oh bakit parang nakakita ka ng multo beh? May party later di ba? Bilisan mong magbihis... Yumuko siya para iayos ang strap ng suot na sandals.


Pagkatapos,tumayo na siya at hinila si Trish palabas ng kwarto. Dumiretso siya sila sa tabing dagat kung saan may bonfire at may party.




Umupo sa bar at nag order ng cocktail drink.



Hey..is this seat taken? Tanung ng isang foreigner sa kanya.


Ngumiti si John ng ubod ng tamis.
Nope. You can sit there baby. Sabi niya.


Dinedma niya si Trish. She needs to do this to keep her sanity. Mas ok na to kesa mag isip siya kung paano mababago si Trish.  She'll just stay the same. At least sigurado siya, di aalis si Trish hanggat di siya nagiging mhin.

She doesnt have plans on becoming a man. Not right now. Not ever.

the FabQuad : Beki Series IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon