TFQBS lll - 7

54 9 3
                                    

Idiniretso ni John si Trish sa hotel kung saan siya naka check in. Hindi siya pumayag na umuwi ito sa tita niya.


Pinahiram niya ito ng sweatshirts niya at sinamahan niya si  Trish hanggang makatulog ito. Nag iwan na lang siya ng note na babalik siya sa resort.



Bebeh ang aga mong magising.. Bati niya kay Czai. Alas tres ng umaga na siya nakabalik  at di na siya nakatulog kakaisip sa sinabi ni Trish. Nagluluto na si Czai ng almusal ng maisipan niyang lumabas ng kwarto.




Uhmm. Maaga akong nagising beh.
Sagot naman nito.



Nagulat siya ng makitang papasok si Yong. Oh san ka galing bruha? Sita niya dito.


Gulat na napatingin ito sa kanya. Gising ka na?




Chocolate muna kayo. Napalingin sila pareho sa tawag ni Czai.



Kumunot ang noo ni Yong. Gising ka na pala. Ngumiti lang si Czai.



Sabay silang lumapit sa mesa at inabot ang mug na inilapag ni Czai kanina. Nagbuntunghininga si John at napatingin sa kanya si Yong.


Ok ka lang beh? Tanung nito.


Tumango lang siya. Tumabi si Czai kay Yong. Tahimik na uminom ng hot choco niya.


Beh.. Tawag ni Yong kay Czai. Lumingon lang ito at nagtaas ng kilay.



Kinuha ang isang tinidor at tinuhog ang pritong hotdog at nag papak.
Tila nag papakiramdaman silang tatlo. Pinagsalikop niya ang mga braso at sumubsob si Yong dito.



Matulog ka sa loob Yong..inaantok ka pa yata..sabi ni John.  Umiling lang ito.


Hindi naman nagsasalita si Czai. Sabay sabay pa silang napalingon ng pumasok si Min.


May dala itong paperbag. Pandesal..?
Bakit ang tahimik nyo?


Naglipat ang tingin niya kay Yong, Czai at John. Umiling lang si John. Napalingon naman si Yong kay Czai mg magsalita ito.

Anung oras tayo uuwi?





U-uuwi ka na bebeh? Tanung ni Yong.




S-sumasakit ulo ko.. Mahinang sagot ni Czai.




Napapalatak si Yong. Ang aga mo kasing gumising!




Beh..pahinga ka kaya muna? Nakaluto ka na naman.. Sabi ni John. Namumutla kasi si Czai. Inalalayan niya itong tumayo.




Ayy! Meron ka ngayon beh? Nagtatakang tanung ni Min ng mapansing may kaunting dugo sa may short ni Czai.



Napabuntunghininga si Yong ng lumingon. Beh ok ka lang ba?
Tanung nito kay Czai.



Ok lang ako..humilig ito kay John.




Nagulat sila ng buhatin ni John si Czai. Beh..sige na tulog ka muna. Parang nanghihina ka anu bang nangyayari sayo?



Nakasalubong niya si Shin at Diane na magkasama. Nangunot ang noo ni Diane ng makitang buhat niya si Czai.





Anung nangyari? Bakit? Czai are you ok? Sunod sunod na tanung nito.




Dinama naman ni Shin ang noo ni Czai na nuon ay nakapikit.



Meron yata siya eh sumasakit daw ang ulo niya. Sagot ni John na tinapunan ng tingin si Shin. Naiinis siya ng hawakan ni Shin si Czai. Mula ng sabihin ni Trish na ito pala ang tinutukoy niya,nag-iba ang tingin niya dito. Ayaw tuloy niyang mapalapit ito kay Diane at Czai.




Ibaba mo na ako beh..ok lang ako. Maliligo muna ako. Sabi ni Czai.




Huwag na beh. Pahinga ka muna. Sabi niya at ipinasok niya ito sa unang kwartong nakita. Pinahiga niya si Czai sa kama.

Sige na matulog ka babantayan kita. Maya maya pa naman tayo aalis. Sabi niya. Sumunod naman sa kanya si Czai. Maya maya tulog na ito.





Ok lang ba siya? Napalingon siya sa
pinto. Nakatayo si Yong at nakatitig kay Czai.



Pinatulog ko muna. Sabi ko kasi kagabi ee tumigil na sa kakainom. Ayan tuloy. Sabi niya at hinawi niya ang buhok nito na napunta sa pisngi ng kaibigan.





Ok na ba siya? Tanung ni Diane. Pumasok ito at tumabi sa nakahigang si Czai. San ka ba nagpunta kagabi John? Hinintay kita sabi mo ipapakilala mo yung bff mo?





Oo nga beh..sabi din ni Shin. Sino ba yun?




Napatitig siya kay Shin. Naiinis siya dito.



Sino kayang girlfriend ng gag*ong to? Manloloko!



John? Ok ka lang? Nagtatakang tanung ni Min. Para kasing gusto mong sabunutan si Shin.




Napatingin si Shin sa kanya bakas ang pagtataka sa mukha nito. Napangisi si John.



Kung pwede lang ...sasapakin niya talaga si Shin!

the FabQuad : Beki Series IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon