Prologue

2 0 0
                                    

"Baket? Baket?!!!!" Sigaw ko ng malakas.
"Pano mo nagawa sakin to? Ibinigay ko sayo lahat, ibinuhos ko lahat sayo. Lahat lahat! Pagkatao ko, pagmamahal ko, pati kaluluwa ko pero baket mo ako nagawang gaguhin?" Patuloy ko habang tuluyang padin ang pagpatak ng luha ko.
Nanatiling nakaluhod sa harap ko ang taong akala ko'y habang buhay kong mamahalin, taong bumuo sakin, nagparanas ng saya sa malungkot kong mundo.
"Magsalita ka! Magsalita ka!" Di k napigilang hampas hampasin sya sa balikat at napaupo . Tuluyan ng nawalan ng lakas ang aking mga paa. "Please Darren, pleaseeee." Pagsusumamo ko.
"Baket? Bigyan m ako ng paliwanag, bigyan mo ako ng dahilan para manatili. Please." Nagmamakaawa kong sabi, hinawakan ang kanyang mukha upang magtugma ang aming mga mata.
"Hmm. Please darren, ang sakit sakit. Please sabhin mong di to totoo? Masamang  panaginip lang to pleaseeeee." Pagmamakaawa ko pero ng makitang nangilid ang luha sa kanyang mga mata ay syang sabay na pagbagsak ng aking mga kamay.

"I'm sorry Elise. Im sorry, I love you but the baby needs me. The baby needs me."Tanging nasabi nya. Mga katagang tila paulit ulit nyang nireherso.
Parang salamin na biglang nabasag, bigla akong napahinto at tinitigan sya.
Di ko alam anong nangyare, biglang may kung anong sumarado saking puso't isipan.

Pano naman ang baby natin? Bulong ko sa sarili sabay yakap saking sinapupunan. Gusto kong isigaw, pero wala na akong lakas para magmakaawa. Ang taong nangakong araw araw akong pipiliin at uunahin ay nakaluhod sa aking harapan humihingi ng tawad at nais lumisan.

"Hindi mo ako mahal darren, dahil kong mahal mo ako di mo magagawa skin to." Mahina kong sabi, nagangat sya ng tingin na tila nabigla sa sinabi k at aktong hahawakan ang kamay ko.

"Don't." Manhid at iwas kong sabi, tapos na ako sa mundo, tapos na akong maniwala sa pagibig, tapos na ako sa paniniwalang may happy ending para sa mga katulad kong lumaki sa puot at hirap.
Inalis k ang singsing sa aking daliri at iniwan sa sahig sabay pilit na itinayo ang sarili.

"Paalam." Tanging nasabi ko bago tuluyang umalis sa bahay na dapat ay magiging tahanan namin. Kung saan lalaking masaya ang mga anak namin. Kung saan sabay dapat kameng tatanda. Ngunit tila ang mga pangarap na iyon  ay mananatiling dito nalang.

Kismet CometWhere stories live. Discover now